Share

CHAPTER 4

"Iha? Gising kana ba? The breakfast is ready, bumaba ka na at baka ma-late ka." 

Nagbibihis pa lang ako ng uniporme ko nang kinatok ako ni Mommy sa kwarto. 

Dali dali akong nag ayos ng sarili. Hindi naman ako masiyadong naglalagay ng kolorete sa mukha, lipgloss tsaka sunscreen lang nilalagay ko at kung minsan ay nakakalimutan ko pa. Hindi ko naman kase alam mag make-up tsaka sabi ni Mommy wag na daw ako maglagay ng kung ano-ano sa mukha dahil baka masira lang daw. 

"Lawliet." 

Pababa na sana ako ng hagdan nang may tumawag sa pangalan ko, si Daddy. 

Nilingon ko siya. "Dad." 

Hindi ko pa alam kung paano siya pakikitunguhan dahil sa naging asal ko nung isang araw, 'yun ata ang kauna-unahang nasigawan ko siya at hindi ko naman sinasadya. 

I regret it. 

"I wasn't able to see you yesterday because I have an important meeting. It's nice to have you back here anak," ani ni Daddy sabay lakad papunta sa pwesto ko at niyakap ako. 

I hugged him back. 

"I'm sorry, hindi na po mauulit." 

He sighed then kissed my forehead. 

"Ako dapat ang nagso-sorry, it's all my fault. You're my princess honey, it hurts to see you crying because of my stupid decisions," aniya. 

Nangilid ang luha ko. I don't wanna see him blaming himself, I can't stand seeing them hurting because of me. 

Buo na ang loob ko, gagawin ko ang gusto nila para makatulong. I don't wanna see my parents struggling because of my selfishness. 

"It's okay, Dad. I've already decided. Don't worry about me, I can handle the 2 years," ani ko habang nakangiti. 

"I must say that I really raised you well honey, I'm so proud of you! Don't worry about Rio, I know him since he was young. He will take care of you." 

Ngumiti lang ako ng tipid, I can take care of myself. 

Niyaya na niya akong bumaba dahil kanina pa raw naghihintay si Mommy sa hapagkainan. 

Tuwang tuwa si Mommy nang makita kaming sabay bumaba at naka-akbay pa sa akin si Daddy. Paniguradong alam na niya na nagka-ayos na kami. 

Pinakita ko sakanilang masaya ako, pinakita kong ayos na ako sa desisyon nila kahit ang totoo ay hindi. Sobrang lungkot ng puso ko, kung pwede lang lumapit kay Kuya Connor para humingi ng tulong ay ginawa ko na. 

Daddy doesn't want to accept even just a penny from them. He despised Kuya Connor's father dahil naging karelasyon niya noon si Mommy at nagkaroon sila ng anak. Namatay sa loob pa lang ng tiyan ni Mommy ang bata dahil sa kapabayaan ni Tito Paulo.

That's when my father fell inlove with my Mom. Siya ang nandiyan lagi para kay Mommy, siya ang bumuo sa durog durog na parte ng pagkatao niya. Ang sabi nga nila ay maituturing daw akong "Miracle Baby" dahil simula nang nakunan si Mommy, nagkaroon na daw ng problema ang matris niya. 

Tito Paulo asked for forgiveness but my Daddy didn't accept it. Tinakwil niya ang sarili niyang kapatid. Nagka asawa si Tito at nagkaroon ng mga anak, 'yun ay sina Kuya Connor at Ate Cannarie. Trinato naman sila ng mabuti ni Daddy at kung minsan ay pinapadalaw pa dito sa bahay para may makausap ako, kay Tito Paulo lang talaga siya galit hanggang ngayon. 

My family history sucks. 

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aalmusal nang dumating ang isa pa naming kasambahay. 

"Sir, andito na po si Sir Rio," utas nito. 

Nagpunas ng bibig si Daddy.

"Papasukin mo na, tell him to come here." 

"Sige po." 

Nabuhay ang kaba ko sa dibdib, tinignan ko si Daddy na ngayon ay nakatingin na din sa akin. 

"I forgot to tell you, ihahatid ka nga daw pala niya sa school mo ngayon," amin ni Daddy. 

What? 

"Dad, my driver ako. I also can drive myself, hindi na kailangan ng taga-hatid." 

Shit, alam kong magpapakasal kami pero hindi ba pwedeng magpakita nalang siya sa mismong kasal? Ayoko sa presensya niya, may kung ano kase akong nararamdaman pag malapit siya. Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki! Nakakabahala. 

"Honey, you two will going to marry soon! You should get to know each other."

"He's right iha, you should get used to his presence," dagdag pa ni Mommy. 

I heavily sighed. 

Mommy is weighing my reaction, I can see it through her.

Pinilit kong ipakita na ayos lang sa akin kahit naiinis na ako sa loob loob ko. Ngumiti ako kay Mommy. 

Pumasok si Rio sa kusina kung saan kami nag-aalmusal na nakapamulsa ang isang kamay sa suot na slacks. Naka formal suit siya, fresh na fresh tignan at amoy ko na agad ang bango niya kahit malayo siya sa akin.

Tumayo si Daddy at Mommy tsaka siya sinalubong. 

"Goodmorning iho, nag-almusal ka na ba? Teka lang at kumakain pa si Lawliet, sabayan mo na kami!" magiliw na saad ni Mommy. 

Tumingin siya sa akin, inirapan ko naman. May pasundo sundo pa! 

"Nice to see you again iho," ani naman ni Daddy at tinapik siya sa balikat. 

Tinanguan niya si Daddy sabay tingin naman kay Mommy. 

"Thank you Mrs. Montesur, but I'm not used to eat breakfast, I'll just wait Lawliet until she finish her food." 

Robot ba 'to? O dating nakatira sa Antarctica? ang lamig ng boses e. 

I saw the disappointment on my Mom's face. Nagpunas ako ng bibig at tumayo na. 

"I'm done, let's go." 

I kissed my Mom and Dad's cheeks before bidding my goodbyes to them.

Nagmadali akong lumabas. 

"Let me see your schedule, I want a copy," bulalas ni Rio nang palabas na kami ng aming mansyon. 

"What for?" ani ko habang nakatingin sa cellphone ko at diretsong naglalakad papunta sa sasakyan niya. 

"I just want to know." 

Boang ba 'to? Aanhin naman niya 'yon? Ipampupunas niya sa pwet? 

"Kunin mo sa principal kung gano'n," ani ko sabay irap at sumakay na sa kotse niya. 

Hindi man lang ako pinagbuksan, napaka gentleman mo, Rio! Please note the sarcasm. 

Sumakay na din siya sa driver's seat. Tahimik kaming binabaybay ang daan papuntang school nang nag-beep uli ang cellphone ko. 

I saw Ruru's text telling me that she's not feeling well so she can't go to school today. 

I told her to take medicine and get well soon bago ko binalik ang cellphone ko sa bag. 

Pansin kong may nakabuntot sa aming dalawang motor at may sakay na apat na lalake at puro nakaitim ang suot. Kanina ko pa yan nakita paglabas pa lang namin sa aming subdivision. 

Magtatanong na sana ako kay Rio kung napansin niya ba 'yon nang inunahan niya ako. 

"Don't worry about them, they're my bodyguards," pukaw ni Rio sa atensyon ko. 

Nilingon ko siya, bodyguards? 

"Ano ka bata at kailangan mo pa ng bantay?" 

"I'm not bringing bodyguards when I'm alone, it's for your safety."

"Hah! Safety for what? Mukha ba akong prone for accident? lapitin ng kapahamakan? Please don't tell me lalagyan mo din ako ng bodyguard sa school?" 

He chuckled. 

"Don't worry, they're professionals. Hindi mo sila makikitang binabantayan ka," aniya.

Umirap nalang ako at hindi na nagsalita. Whatever! Bahala siya, tutal siya naman ang nagpapasuweldo sa mga 'yan edi go! Magsayang siya ng pera! Waldasin niya lahat ng yaman niya! 

Pagparada pa lang nang mamahalin niyang sasakyan sa harap ng gate ng school ay bumaba na agad ako. I'm not gonna expect him to open the door for me, as if. 

Akala ko aalis na siya pagkababa ko pero nakita ko din siyang umibis mula sa sasakyan. Agaw pansin agad ang kakisigan niya kaya naman nagtilian ang isang grupo ng mga babaeng papasok na din. 

Napairap ako. Attention seeker! 

"What are you doing? Don't tell me ihahatid mo pa ako hanggang classroom ko?" 

"I'm going to talk to your principal." 

What the— sineryoso mo talagang ugok ka ang sinabe ko? Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. 

"Are you serious? I'm just kidding when I said that!" 

"But I'm not, I said I want a copy of your schedule and if talking to the principal is the only way to have it, then–" 

"Rio!" 

Binasag ng isang sigaw ang kanyang pagsasalita, nakita ko ang paglapit sa amin ng isa kong prof. 

Magkakilala sila? sabagay, hindi nga pala normal na tao 'tong kasama ko. 

"It's nice to see you here! Kamusta na ang Mama mo?" tanong nito. 

I saw Rio's face darkened but still answer my prof's question. 

"She's fine," he said in a cold tone. 

"I heard that she's in the mental hospital right now? What happened to her?" natatawang sabi ng prof ko. 

Mental? Baliw ba ang mama niya? 

"It's none of your business," Rio harshly said to him. 

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Rio. He look so irritated! 

Hindi naman ako tsismosa pero naintriga ako sa narinig ko mula kay prof.  Wala kase akong alam sa family background niya. 

"Oh, I'm sorry. I guess you're not comfortable with that topic, I'll go now." 

Tatawa-tawang naglakad na palayo si prof. 

"I want to cut his throat," galit na bulong niya pero narinig ko naman. 

"Nasa mental mama mo?" 

Nilingon niya ako, I saw sadness on his eyes pero nawala din agad. Napalitan 'to ng nakakatakot na tingin. 

"You'll be late, pumasok kana. I'll just send my secretary here to get your schedule," utas niya sabay talikod at sumakay na ng kanyang sasakyan. 

"T-Teka!" habol ko pa sakanya pero mabilis na niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. 

Gusto ko pa sanang ibigay na ang copy ng schedule ko sakanya para hindi na pumunta yung secretary niya dito, nakaka konsensya 'yon ah! Nagbibiro lang naman ako kanina e. 

I sighed. 

Nandito ako sa canteen dahil break time na namin nang umupo sa harap ko si Damon. Ang pinaka seryoso at pinaka matalino sa buong campus. Wearing his eyeglasses na pang nerd at may hawak na mga libro, tumabi siya sa akin. 

"Can I sit here?" tanong niya. 

Nagulat naman ako dahil first time 'to na may tumabi sa akin sa pagkain. Bukod syempre kay Ruru na wala ngayon dahil absent, masama raw ang pakiramdam. 

I nodded. 

I saw him smiled a bit then started unpacking his food. 

"Wala si Ruru ngayon ha, I heard she's sick." 

"Uh, yeah she texted me," utas ko. 

"I'm sorry if dito ako umupo, I can see that you're a bit distant when it comes to boys, wala na kasing maupuan na iba," aniya at nagpalinga-linga sa loob ng canteen. 

A bit distant because I'm not comfortable. I don't know how to socialize. 

"It's okay," bulalas ko at ngumiti nalang ng tipid. 

We started eating quietly, nakatutok ang mata niya sa libro habang kumakain. Multi-tasking huh! 

Aminado naman akong hindi ako masiyadong matalino kagaya niya. Kaya siguro siya ang nangunguna sa dean's lister dahil bookworm siya. 

Na-curios tuloy ako kung anong binabasa niya. Sinulyapan ko 'yon, dahil hindi ko masiyadong makita ay kailangan ko pang tumayo ng kaunti mula sa pagkaka-upo. 

"Wanna take a look?" 

Nagulat naman ako sa bigla niyang pagsasalita kaya napabalik ako sa upuan. 

"U-Uh, titignan ko lang sana kung ano 'yan." 

He chuckled. 

Lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi nang tumawa siya. I admit it, he's cute. 

"Here, kung gusto mong basahin pwede ko namang ipahiram." 

Inabot niya sa akin ang libro. 

"Harry Potter..." mahinang basa ko sa libro niya. 

"Mahilig ka ba sa ganyan? Kabibili ko lang niyan gusto mong hiramin?" 

Ang ganda naman ng cover.. Tsaka Harry Potter! Naalala ko napanood ko na 'to hindi nga lang yung buo. 

"Tsaka nalang siguro, hindi mo pa tapos e," nahihiya kong ani sabay balik sakanya ng libro. 

"It's fine, may isang libro pa rin naman akong hindi natatapos. Uunahin ko nalang muna 'yon, you can borrow this one." 

Na excite naman ako. 

"Are you sure?" ani ko. 

"Of course, ibalik mo lang na walang sira ha?" nakangiti niyang utas. 

Natawa naman ako. Magaan pala siya kausap, sa una lang nakakailang. 

"Sige, thank you! Babasahin ko 'to mamayang gabi." 

Ngumiti siya ng tipid. "You're welcome." 

Nagkwentuhan pa kami ng medyo matagal bago bumalik sa kanya kanya naming classroom. Masaya pala siya kausap, hindi nauubusan ng topic.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status