Share

CHAPTER 3

Kanina pa ako gising pero nakatunganga lang ako dito sa kwarto ko. Parang ayokong lumabas, ayokong makita ang taong 'yon!

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya, na-track kaya ako ni Kuya Connor at siya ang pina-punta? Pero paano? Tinanggal ko ang sim ko tsaka naka off na ang dati kong cellphone! 

I sighed. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip! Idagdag mo pa na hinalikan niya ako kagabi! That's my first kiss for pete's sake! I just got stunned by his action kaya hindi nagsink-in sa utak ko kagabi ang ginawa niya. That maniac! 

Nakakainis na nakaka-kaba, hindi ako sanay sa presensya ng mga lalake except sa mga pinsan ko.

Lalo pa sa isang tulad ni Rio. Aaminin kong gwapo siya pero naiinis pa rin ako! That damn soft lips... Stop it, Lawliet! Nababaliw na ata ako. 

Nag ring ang cellphone ko na nasa tabi ng kama ko.

I saw Ruru calling.. sinagot ko agad.

"Ru!" agad kong utas.

"Oh, ano? Kamusta ka diyan? Buhay ka pa ba?"

"D*mn it, Ru! He's here!"

"Huh? Sino?" taka niyang tanong.

"Rio! He's here!"

"Rio? Hindi ko kilala hoi, umayos ka nga! Sino ba 'yan?" nalilito niyang tanong. 

Napasapo ako sa noo, oo nga pala at hindi niya kilala ang tinutukoy ko. I can't remember telling her his name! 

"Rio Folkvangr, yung ipapakasal sa akin ni Daddy!" 

"Huh? Paano ka naman natunton diyan? Tsaka bakit nandiyan 'yan? Sinusundo ka? Anong itsura? Gwapo ba?" tuloy tuloy niyang tanong. 

D*mn it Ru! 

"I don't know, basta bigla nalang siyang dumating kagabi habang tulog ako! He even warned me not to escape again," bulalas ko.

"O my god," aniya sabay tumawa ng malakas.

Anong tinatawa-tawa nitong babaeng 'to?

"What's funny? I'm dead serious, stop laughing!" angil ko.

She stopped.

"I'm sorry I just can't help it. I searched for the name Rio Folkvangr right now and guess what? Siya lang naman ang pinaka batang bilyonaryo sa buong Asia! Ang swerte mo!" pahisterya niyang sagot.

Pinaka mayaman? And? I don't give a f*ck! 

"Anong swerte? Wala akong pake sa pera niya, Ru!"

"Ang hooot! Omg, see his abs, Hugo? Ang gwapoooo!" tili niya sa kabilang linya. 

Ang bruhang 'to, katabi pa si Hugo kung makatili akala mo walang jowa! 

"Ru, stop! I'm not joking right now, he's freaking trespassing here!" 

"I know, I know. I just think he likes you! Baka may lihim na pagtingin sayo 'yan kaya humiling na pakasalan ka? See? Pinuntahan ka pa diyan!" 

Oh, c'mon.

"Stop with the bulls, Ruru. Uuwi na ako!" ani ko sakanya.

"Ayaw mo bang manatili muna diyan? Spend quality time with him, maraming papasyalan diyan! Take this opportunity to get to know more each other since magpapakasal kayo!"

"D*mn you, you know how much I loathe that idea yet you're here talking about quality time with him, are you nuts?" angil ko.

She chuckled.

"Okay fine, since pang apat na araw mo na diyan mas mabuti nga sigurong umuwi kana! Mukha na ding kawawa si Tita," aniya. 

Naramdaman ko naman ang pangongonsensya niya.

I sighed.

Pagkatapos naming mag usap ni Ruru ay nagsuot na ako ng pajama. Nakapanty nga lang kase ak—

Teka, panty??? tinignan ko ang sarili ko, oh dang!

Don't tell me...

Nakapanty lang ako kagabi habang kaharap siya! What the freaking hell, Lawliet!! O my god! 

Namumulang lumabas ako ng pinto at dumiretso sa sala. Nakakahiya!

Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng bintana malapit sa pintuan habang may kausap sa cellphone.

Seryoso siyang nakikipag usap, sinuri ko ang kabuuan niya. Nakasuot nalang siya ng white button down long sleeves with his loosen necktie at nakabukas ang ilang butones ng suot niya. He look so damn hot this morning! Sh*t, I should stop drooling over him, he's still a stranger! 

Hindi ko maiwasang mamahangha sigurado akong mas matanda siya sa akin. Ang tindig pa lang niya ay nagsusumigaw na ng karangyaan at kakisigan. Nag uumapaw ang charisma niya. 

Naramdaman niya atang may nakatingin sakanya kaya nilingon niya ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Iniwas ko ang tingin ko sakanya nang makitang binababa na niya ang cellphone at naglakad papunta sa akin.

"Goodmorning, you woke up late, huh?" aniya. 

Hindi ko siya sinagot. Naglakad na ako papuntang kusina at nadatnan ang samu't saring pagkain na nakahain sa lamesa.

"I ordered food for breakfast, walang laman ang ref mo bukod sa tubig."

Nanatili akong tahimik at umupo na para kumain. I don't feel like talking to him, I'm not comfortable. 

Umupo na rin siya sa harap ko sabay bigay sa akin ng pagkain.

"Eat a lot, we're leaving today. Your parents are damn worried," utas niya sabay kumain na din.

"I have my car, I won't go with you."

"I have my driver, he'll drive your car so you don't have any reason not to come with me," simpleng tugon niya.

I looked at him. 

"I said I won't go with you! I'll drive my own car, you don't have the rights to command me!" naiinis na sigaw ko sakanya.

He looked at me intently. His lips rose a bit. 

"Fine, I'll go with you on your car. My driver will drive mine, now stop talking and eat," utos niya.

What the– kasasabi ko lang na wala siyang karapatang utusan ako! 

"F*ck you!" hindi ko napigilang utas. 

I'm not really like this but I can't help it. 

"Not now, we need to hurry. I still have some important matt–" 

"You b*llshit!" I cut him off. 

He stared at me with his cold eyes, he put his hands on the table and leaned a bit on me. 

"The next time you curse young lady, I'll punish you," he whispered with an icy tone. 

Napatikom ako ng bibig dahil sa takot sakanya.

He sighed and continue eating again. Gano'n lang natapos ang aming almusal, puro katahimikan.

Naligo na ako at nagsuot ng maong short tsaka hoodie na halos natatakpan na ang suot kong short dahil sa laki. I like this type of clothes. Nakita kong binitbit ni Rio ang maleta ko at nilagay na sa kanyang sasakyan, I also saw him talking with his driver. Nauna ng umalis ang driver niya kasama ang kotse niya.

Hindi pa rin nakakapag ayos si Rio gayong aalis na kami, I wonder if he bring some clothes, I guess not. Nandito lang siya para sunduin ako at iuwi na tss.

He saw me locking the door of this house. He stared on my clothes then his face darkened.

"I'll let you wear something like that for now, pero pag kasal na tayo ayokong nagsusuot ka ng ganyan kaiksi," aniya sa malamig na tono.

Napataas ako ng kilay habang naglalakad na palabas ng gate, pinarada na kase nung driver niya 'tong sasakyan ko sa labas.

"Don't dictate me, you have no say on what I'm wearing," utas ko naman na pinantayan ang kalamigan niya nang kasungitan.

"Of course I do, I will be your husband."

"Husband on papers, stop assuming that our relationship is real."

Hindi ko na nadinig ang tugon niya dahil sumakay na ako sa sasakyan ko, sabi ko sakanya kanina na siya na ang mag drive dahil hindi ako sanay mag drive ng malayo.

I wonder kung ano bang mabebenefit nitong taong 'to sa kompanya namin. Bilyonaryo siya kaya hindi na niya kailangan ang tulong para lumago, I just can't help but to think about it.

"You missed school for 4 days, you're rebelling huh?" basag niya sa katahimikan.

Rebelling my ass!

"So what? Ikaw ba ang nag-aaral?"

He chuckled.

"Don't do this again, I want my wife to be responsible on her studies."

"Then find another wife co'z I'm not!" angil ko sakanya.

"No thanks, I already have you."

Nahigit ko ang hininga ko, sh*t ba't ako nakakaramdam ng kilig? hindi pwede 'to!

Hindi ko na siya sinagot dahil ayoko nang humaba pa ang usapan.

Hinilig ko nalang ang ulo ko sa upuan at ginustong matulog nalang dahil malayo ang byahe. Bahala siyang mapanis ang laway diyan!

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang kamay ni Rio sa likod ng tuhod ko at sa likod ko mismo.

He carried me out of the car.

"I-akyat mo na sa kwarto niya iho, Manang Leticia pakituro naman kung saan ang kwarto ni Lawliet please."

Narinig kong sabi ni Mommy.

"O siya sige, halika na iho!" ani Manang.

Naramdaman kong umakyat na kami ng hagdan. Dahil sa takot kong mahulog e napamulat ako at napahawak sa leeg ni Rio.

He looked at me.

"Just sleep, I'll tuck you in your room," aniya.

Ewan ko kung anong meron sa boses niya at bigla nalang akong napapasunod. Pinikit ko ang mga mata ko dahil ramdam ko pa rin ang antok.

Nang makarating sa kwarto ay iniwan na kami ni Manang Leticia. Dahan dahan niya akong binaba sa kama ko.

I even felt him caressing my hair.

Nagmulat ako ng mata.

"What are you doing?" I sound so sleepy.

"Nothing, sleep again. I'll leave now, mag uusap pa kami ng parents mo."

"Hmm.." tanging tugon ko.

I don't have the strength to fight with him right now, I just want to sleep again so I did.

Nagising akong madilim na sa labas, gabi na ata. Ang tagal ng tulog ko, dahil siguro namiss ko din 'tong kwarto ko.

Naligo muna ako at inayos ang sarili bago bumaba. I wonder if Rio is still here.

Since kumukulo na ang tiyan ko, dumiretso ako sa kusina.

I saw my Mommy baking some cookies, Manang Leticia and her daughter Anna are helping her mixing some ingredients.

"Oh, iha? Kamusta ang tulog mo?" tanong ni Manang Leti nang makita ako.

Napalingon agad si Mommy sa akin.

"Ayos naman po, Manang."

"Honey.." rinig kong tawag sa akin ni Mommy.

Masama man ang loob ko sakanila ni Daddy ay hindi ko pa rin maikaka-ila na namiss ko sila.

Nilingon ko siya, naglakad ako papunta sa pwesto niya at niyakap siya.

"I missed you, Mom."

Narinig ko ang pagsinghap niya sabay yakap din sa akin nang mahigpit.

I heard her sobbing.

"I-I missed you too honey, I'm s-sorry!" aniya sa garalgal na boses.

Nakita kong pasimpleng lumabas sila Manang para bigyan kami ng privacy.

"It's okay, Mom. Please stop crying," pag alo ko sakanya.

"I-Im sorry, I wish I can do something about it. Ayokong naiipit ka sa sitwasyon namin, it's all our fault."

I heavily sighed.

"Mom, I left because I want to think first. Alam niyong mahal na mahal ko kayo, umalis man ako ay babalik din naman. Kailangan ko lang talaga muna ng space," paliwanag ko sakanya.

"I know, honey, I know. Hindi ko lang talaga mapigilang mag-alala. Your Daddy and I panicked that's why we told Rio that you're missing."

"Who track my location, Mom? Is it Kuya Con?" tanong ko nang humiwalay ako kay Mommy.

"No honey, it's Rio himself. Ginamit niya lahat ng connection niya para ipahanap ka. Sinabi niya rin na siya na ang susundo sa 'yo sa La Union."

Hindi ako nagsalita. Sa yaman ni Rio hindi na nga naman talaga nakakapagtakang marami siyang connection.

"You see honey, Rio is a good man. When we're trying to ask him for help, he quickly said yes to us but—"

"But in exchange of marrying me?"

Mommy sighed.

"Yes, I'm sorry honey."

"Let's not talk about it today, Mom. I'm hungry," ani ko nalang sakanya.

Mabilis naman na pinaghain ako ni Mommy ng pagkain. Tuwang tuwa siyang naglagay ng mga pagkain sa plato ko, pansin kong lahat ng 'yon ay ang mga paborito ko.

"I cooked your favorites!" aniya

I smiled.

"Thanks, Mom, I love you."

She also smiled then hugged me from behind.

"You're welcome honey, I love you too! I am so happy to have an understanding unica ija," she muttered.

Understanding... maybe?

I just don't want to left my parents behind because of my selfishness. Isasakripisyo ko ang kagustuhan kong pakasalan ang lalakeng gusto ko para lang maisalba ang kompanyang matagal nang pinamumunuan ni Daddy na mula pa sa great grandfather ko. Ayoko rin namang maghirap kami.

I so love them... so much!

If sacrificing my freedom means letting my parents live financially stable and happy, then I'm fine with it.

I will be fine with it.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
ma fall ka din sa kanya sure yan,,
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status