Share

CHAPTER 2

“Mag iingat ka doon, ha? Always lock your door, also double check your windows,” paalala ni Ruru sa akin bago ako umalis.

Maaga akong nagising dahil malayo layo ang pupuntahan ko. 

Hugo offered me his old house in La Union, wala na raw nakatira doon dahil patay na ang mga magulang niya. Ang isa niyang Kuya ay nasa abroad naman daw kaya bakante ang kanilang bahay ngayon. Pumayag ako, mas maganda nga sigurong sa probinsya muna ako, gusto ko ng sariwang hangin at mas malayo dito sa siyudad. Gusto ko ng tahimik at payapang lugar para mas makapag-isip. 

“Here’s the key, medyo maalikabok lang doon pero konting linis lang ayos na. Magiging komportable ka naman doon dahil may kama sa kwarto ko, may mga gamit din pang luto tsaka may ref ako doon,” utas naman ni Hugo.

“Thank you, Hugo.”

He smiled and nodded.

“Call me from time to time alright? Magsisinungaling nalang ako kay Tita na hindi ka pumunta dito since you want time for yourself, alam ko namang ipapahanap ka agad ng mga ‘yon.”

“Just don’t tell them, Ru! uuwi din ako soon,” ani ko sakanya.

“Alright, take care hm?”

I nodded.

Hinatid nila akong dalawa pababa ng condo unit nila hanggang sa parking lot. Bago ako sumakay ng kotse ay niyakap ako ni Ruru. I bid my goodbye to them then start the engine of my car.

It’s 6:00 in the morning, limang oras lang daw ang byahe, pero depende pa rin kung traffic. Hindi pa ako nakapag drive ng malayo layo kaya siguro matatagalan ako bago makarating dahil mapipilitan akong huminto-hinto dahil sa pagod.

Nakailang stop over ako bago tuluyang mabasa ang arko na “Welcome to La Union.”

At last... Nakarating din, buti hindi ako naligaw. 

Andito na ako sa probinsya, ang sabi naman ni Hugo ay mahigit kalahating oras pa bago ako makarating sa dati niyang tinitirhan. Binigyan naman niya ako ng mapa kaya hindi na mahirap hanapin. 

Nakita ko ang isang maliit na bungalow na may green na gate na medyo kinakalawang na. Mukha pa namang maayos 'tong bahay, sementado naman tsaka ang mga bintana ay mukhang secured. 

Hindi siya malaki gaya ng mansyon namin pero hindi naman ako maarte sa tinutuluyan. Wala rin siyang kalapit na kapitbahay. Para ‘tong isang subdivision pero maliliit ang mga bahay, ang pinaka malapit na bahay sakanya ay ang nasa kabilang parte ng kalsada pa.

Bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang gate. May tunog pa ito na masakit sa tenga sa unang bukas. Sumakay uli ako sa kotse ko at pinasok ‘to sa bakuran ng bahay. 

Napabuntong hininga ako sa pagod. Sinulyapan ko ang oras sa relo ko, it’s 3:00 PM already. 8 hours din pala ang ginugol ko papunta dito. 

Pinasok ko ang maleta ko sa loob ng bahay, medyo maalikabok nga dito. May tatlong pinto akong nakita, binuksan ko ang mga ‘yon.

There’s a bathroom and two bedroom in this house. Maayos naman ang kitchen nila dito tsaka malinis naman ang ibang mga gamit, ang sahig lang ang medyo maalikabok. May mga picture pa sila Hugo dito na nakasabit. 

Tutal maaga pa naman, maglilinis muna ako bago maligo tapos diretso pahinga na. Nakahanap naman ako ng walis sa likod ng pintuan kaya nagsimula na ako.

Nilinis ko ang lahat, pati ang kwartong tutuluyan ko.

Tapos na akong maglinis nang tumunog ang cellphone ko.

I saw Ruru calling, I answer it.

“Hell—”

She cut me off. “Nakarating ka na ba? Hindi ba I told you to text me? You’re making me worried, Lawliet Sabrina!” oa niyang ani.

I chuckled, pinunasan ko ang pawis sa noo ko.

“Kanina pa, I just forgot to text you kase naglilinis ako dito sa bahay.”

“Ow, are you done?”

“Yes, papahinga lang saglit tsaka maliligo na," ani ko tsaka binalik na ang walis sa likod ng pinto. 

“Do you have foods there? Sabi ni Hugo may malapit na grocery store diyan, bumili ka ng groceries mo or just order food," paalala niya.

Oo nga pala, wala pa akong pagkain dito. Hindi ako marunong magluto, cup noodles lang alam ko tsaka canned goods, I also don’t know how to cook rice.

I sighed. I guess I have no choice but to order. 

“I’ll just order my food, I don’t know how to cook baka masunog ko pa bahay ni Hugo.”

I heard Hugo chuckled on the other line. Magkasama pala sila. 

“Prinsesa ka nga pala kaya wala kang alam sa gawaing bahay, okay just order food and don’t starve yourself okay?”

“Alright.”

Pinatay na niya ang tawag, nag d******d nalang ako ng foodpanda at nag order ng makaka-kain. Kumakain naman ako ng fastfood, sinanay ako ni Ruru simula highschool na kumain ng gano’n. She’s a rebel kaya nagagawa niya mga gusto niya kahit ayaw ng family niya. Lagi niya akong binibigyan ng pagkain na inoorder ni Hugo para sakanya.

Hugo being poor, can't afford expensive meals for Ruru but she's fine with it. She actually love those simple things from Hugo, pag-ibig nga naman. 

Katatapos ko lang maligo nang marinig kong tumunog uli ang cellphone ko.

This time, ang pinsan kong si Connor ang tumatawag.

Oh damn. Mukhang alam na niya. 

Sinagot ko ang tawag niya. “Hello?”

“Do you want to tell me where on earth are you or I’ll just track you down?” aniya sa malamig na boses.

“K-Kuya Con, I need time for myself. Ayoko sa idea nila Daddy!” ani ko sakanya.

“Tita Fatima is crying all day, come back now.”

“No, Kuya! Please? I need time to think!” naiinis kong sigaw sakanya sa cellphone.

“Don’t be such a hardheaded, Lawliet! Alam mong ayaw tumanggap ni Tito ng tulong mula sa amin, marrying that guy will save your company,” pilit niya.

“You don’t understand, Kuya. I said I need time.”

“No, come back no—”

Pinatayan ko agad siya ng tawag, tinanggal ko ang simcard ko tsaka ang battery ng aking cellphone. Nakapag withdraw ako ng pera na sapat para sa isang linggo kong pananatili dito, ayokong gumamit ng credit card dito dahil mata-track ako ng mga pinsan ko, especially Kuya Connor.

Dumating ang order ko at nagsimula na akong kumain. Bahala sila, time lang ang kailangan ko ngayon hindi pa nila maibigay. Ayoko nang pinipilit ako.

Bibili nalang ako ng cellphone tsaka bagong simcard bukas. Kailangan ko ding pumunta sa grocery store dahil hindi naman naoorder ang tampons sa food panda, monthly period ko pa naman ngayon.

Natulog akong naka bathrobe at hindi na nakapag palit pa nang kung ano dahil sa pagod. Masarap ang tulog ko dahil sa lamig, kahit walang aircon dito sa bahay ni Hugo e hindi mo mararamdaman ang init dahil sa naglalakihang puno sa labas.

“Miss, can I ask? Where can I buy a new phone here?” tanong ko sa cashier ng grocery store na binilhan ko ng mga kailangan ko.

“Ah, Ma’am, sa Mana Mall po meron. If you go outside, you will see the mall po,” aniya sa mahinang boses.

“Oh, thank you! Here," utas ko sabay abot na sakanya ng bayad sa mga pinamili ko.

Tama nga siya, paglabas ko ng grocery store na ‘to nakita ko na agad ang malaking sign na MANA MALL. Iniwan ko muna ang ibang pinamili ko sa kotse ko sabay pasok na sa mall para bumili ng bagong cellphone.

Pumili ako ng hindi gaano kamahalan dahil pansamantala lang naman gagamitin, bumili na din ako ng simcard na may load na.

Tatawagan ko si Ruru mamaya, baka nag-aalala nanaman yung bruhang ‘yon.

“The DM CORPORATIONS are now facing a huge problem when one of their employee stole a large amount of money on the company. Mr. Bernardo De Montesur doesn’t release a statement about the issue, he remained silent and so his wife. Is this really the end of the Top Corporation of Asia or they will still operate and continue the legacy of the De Montesurs?”

Nandito ako ngayon sa sala, nakikinig ng balita. Hindi ko maiwasang makonsensya, gusto ko ng umuwi pero wala pa akong isang linggo dito.

Napabuntong hininga ako, sa last na pag-uusap namin ni Ruru ay sinabi niyang nakailang ulit ng tanong si Mommy sakanya kung nasaan ako.

Good thing hindi niya talaga sinasabi.

“I won’t tell her, basta isang linggo ka lang diyan, ha? Pag lumagpas ka, ako na mismo kokontak kay Tita,” banta niya pa sa akin bago pinatay ang tawag.

Pumasok na ako sa kwarto ko at handa nang matulog, naghubad ako ng short at tanging manipis na sando lang tsaka panty ang suot kong matutulog ngayon. Wala namang ibang tao dito kaya ayos lang.

Kain, tulog at panonood lang ng netflix ang ginagawa ko maghapon, ngayon ay nakakaramdam na ako ng antok kaya pinikit ko na ang mata ko at sinimulang matulog.

Bago ako hilain ng antok ay nakarinig pa ako ng sasakyan sa labas, ipinagsawalang bahala ko na ‘yon. Baka may bisita ang kapitbahay ko sa kabilang kalsada.

Mahimbing ang tulog ko nang maalimpungatan dahil sa paghalik sa mga braso ko.

Nanigas ako sa kinahihigaan ko, ramdam kong may tao sa likod ko at ‘yun ang humahalik sa braso ko at hinawakan pa ang bewang ko.

Sh*t!

Naninigas man sa kinahihigaan ay nagawa ko namang tumayo agad at pinindot ang switch ng ilaw para makita kung sino ang hinayupak na manyakis na ‘to.

Nagulat ako sa nakita. A tall man wearing black suit, blue mesmerizing eyes with his perfectly sharp jawline with some stubbles on it, his narrow nose, thick eyebrows and that smug look on his face. He freakin’ look like a walking god!

Hindi siya mukhang rapist o ano.

Gulat man sa nakita ay nagawa ko naman siyang tanungin.”Who the hell are you?”

Naglakad siya patungo sa pwesto ko.

“I said, who are you? Why are you in my house? Are you a rapist huh? I’ll call the police!” banta ko sakanya.

He chuckled.

The fuck? His chuckle sounds so hot. What the hell are you thinking Lawliet! He’s an intruder!

“You’re silly, mon amour. Ipapakulong mo ang mapapangasawa mo?”

I stiffened.

Mapapangasawa?

“Y-You’re my fian—”

“Yes, I’m Rio Yvl Folkvangr. Nice to meet you, mon amour,” he said in a playful tone.

The f? Bakit siya nandito?

“I’m not marrying you, Mr! Please get out of my house!”

Kahit anong kina -gwapo niya hindi ako agad papayag sa gusto nila, gwapo nga siya pero hindi ko siya gusto!

Lumapit siya sa akin at kinulong ang bewang ko sa mga matitigas niyang braso. He leaned on me and whispered on my ear.

Nagpumiglas ako pero parang bakal ang mga braso niya at hindi ako makagalaw.

"A-Ano ba!" 

“You’ll marry me whether you like it or not. Stop running away, I will chase you no matter how far it is, Lawliet.”

Sinamaan ko siya ng tingin. 

“I won’t marr—”

To stop me from talking, he grab my nape then forcefully kissed me.

“R-Rio!” utas ko ng pinakawalan niya saglit ang bibig ko.

This maniac! Nagpumiglas ako lalo. 

Wala pang ilang saglit nang halikan niya uli ako, this time ay mas agresibo na hindi katulad kanina na mababaw at dampi lang. 

Nanigas ako sa kinatatayuan. May kakaiba akong nararamdaman sa mga halik niya, parang hinahalukay ang tiyan ko at parang may nabubuhay na kung ano.

Natigil ako sa pagpupumiglas. 

Drowning by a sudden lust, I hold his nape... but before I even respond on his kisses— he stopped.

“Like it my wife?” he chuckled.

Napayuko ako sa hiya. Damn! Nagpaubaya agad ako kahit ngayon ko pa lang siya nakilala, what the hell, Lawliet!

“Sleep now before I’ll do something that make you surely hate me.”

He tucked me to bed then switch the light off. He remove his suit then placed it on his shoulder.

“I’ll sleep on the couch outside, don’t ever think of escaping again, Lawliet. Your father already signed the contract, you won’t like it when I’m mad,” aniya at lumabas na ng kwarto.

Tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha!

Wala na akong takas, I guess I’ll need to accept my situation now. Umiyak ako ng tahimik hanggang sa hilain na ng antok.

Bahala na.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
wow,,kakaumpisa ko palang,,taga la union here...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status