Nakatitig sa langit. Bakit ba nasasaktan ako? Bakit kailangan ko masaktan ng ganito? Bakit kailangan ko magselos? Isa lang naman itong pakiusap na dapat ay hindi ko seryosohin at asahan. Bakit habang tumatagal mas lumalalim ang lihim kong pagmamahal sa kanya? Bakit naiipit ang puso ko. Nasasaktan sa lahat ng mga ipinapakita at ginagawa niya. Naikuyom ko ang kamay ko sa aking magkabila na binti habang nakaupo at nakatingala sa langit. Grabe, nasasaktan ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko sa kangina ko pa pag-iyak. “Ate Lalaine?" agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang anak ni Tatay Ramon. Boses niya iyon. Alam kong nasa likod ko siya at nang matapos ako sa pagpunas ng mata ko. Lumingon ako sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.“Nagpapahangin lang ako." sagot ko.“Pero malamig na rito. Bakit ayaw mong pumasok sa loob? Baka magkasakit ka dito. Malakas pa naman ang hangin at malamig din ang simoy na dala ng hangin. Pasok ka na sa loob ng bahay." “Dito
“Ate, minsan talaga may pagkakataon na hindi natin inaasahan. Tulad ng mahalin mo siya ng hindi mo naman sinasadya mangyari di ba? Minsan nakakaramdam tayo ng kakaiba sa tao na hindi rin natin expected na mangyayari. Minsan pa nga sa maling tao pa nga tayo nagmamahal. Yung tao na hindi tayo kayang pahalagahan. Lalo na ang hindi tayo kayang mahalin gaya ng pagmamahal natin sa kanila." seryoso naman ito. May laman din ang bawat pahayag nito na kinatitig ko sa mukha niya. “Bakit mo ako tinitigan sa mukha?" tanong niya.“Seryoso ka kasing masyado. May pinaghuhugutan ka ba?" tanong ko.“Kung sasabihin ko na meron? Sasabihin mo rin ba na mahal mo talaga siya?" ngumiti ako. “Nakikipag pustahan ka ba? O, hinahamon mo lang ako?" biro ko. Tingin ko malayo sa sinabi nito. Lumunok ako. Napahikab.Siguro nga talaga mas lumalalim pa ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Carlos. Lalo na ngayon na kasal na kami. Kahit wala pa man isang buwan at hindi rin maganda ang panimula ng amin pagsasama
Dahil sa nangyari balik Manila na sila Lalaine kinabukasan.Umaga na, mataas na rin ang sikat ng araw. Masakit na rin sa balat. Inis si Carlos na nakatingin sa mga nag-uusap-usap bago pa ang paglabas ng pinto. “Tatay Ramon salamat po sa inyong mag-asawa. If ever po na magka-oras ako dadalaw po ulit ako rito. Salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa amin ni Carlos.” Pahayag na sabi ni Lalaine nang magawa siyang hawakan sa kamay ng asawa na babae ni Tatay Ramon.“Lalaine, mag-ingat kayo. Salamat!” “Wala po iyon, ako po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil sa puro gulo nalang ang hinatid ni Carlos dito. Ako na po ang siyang humihingi ng despensa sa mga nangyari.” Ngumiti siya ng manipis. Yumakap ang asawa ni Tatay Ramon sa kanya, matapos ay nagpupunas ng mata ang anak na babae ng mag-asawa na kabababa lang mula sa taas ng bahay nila. Kagigising lang nito na hindi pa nga nakapag hilamos napamulagat sa laki ang mata nang makita ang maleta sa tabi ni Lalaine. “Anong nangyayari? Saan punta mo A
“Nagustuhan nyo ba ang regalo namin sa inyo?" tanong ni Imy. “Maganda di ba? Napili namin ni Daddy niyo na dito nalang kayo ikuha ng bahay. Kaya nga lang medyo malayo ito sa bahay natin. Pero ayos lang madali lang naman ang bumiyahe at pumunta dito pag gusto namin kayo makita ng daddy niyo. kinompleto na rin namin ang lahat ng gamit dito ng hindi na kayo mahirapan pang mag-asawa. Wala na kayo iisipin o intindihin pa na bilhin dahil kompleto na. If meron man nasa na inyo if gusto niyo baguhin ang mga decorations na pinaglalagay namin. Natuwa lang ako. Kaya iyan ang napili ko." proud na pagkakabigkas pa na sabi ni Imy. Para siya pa ang titira at excited tumira sa bagong bahay na nakuha nila para sa bagong mag-asawa.“Carlos" nakangiti na tawag sa anak. Inaantok.“What do you think? Maganda di ba?" tahimik. Hindi sumagot si Carlos. “Bastos talaga 'tong bata na 'to." bulong ni Imy pumaling ang tingin ni Carlos. Inilibot din niya ang mata sa paligid ng bahay. “Kailan niyo pa nabili ang ba
Sa kusina napapasayaw pa si Lalaine habang natatawa. Sinasabayan niya ang awitin ni Gary V. sa kanyang taenga. Humahataw. Napapahataw na siya mag-isa habang inaawit ang kantang HATAW NA. Nagluluto si Lalaine ng egg sa frying pan. Nagutom siya bigla nang maisipan niya na bumaba muna para kumain. Natapos na siya maiayos ang ilan niyang gamit sa kwarto. Napansin niya ng mag-ikot siya ng kwarto. Binuksan niya ang mga cabinet at nakita niyang andoon na pala lahat maging mga gamit niya na naiwan sa bahay nila. Sa bahay ng mga magulang ni Carlos. Maging kahit gamit ni Carlos. Lahat nasa cabinet na rin. Pinagsama ang mga gamit nila sa iisang cabinet na malaki. Pag makita ni Carlos ‘to magwawala na naman ‘yon at magrereklamo. Buntong hininga na naalala niya ang pagpunta n’ya sa magiging room nila ni Carlos sa taas. Naisip niya na don muna siya hanggang hindi niya naayos ang kabilang kwarto. Nakita niya ang isang bakanteng kwarto sa may dulo. Malaki din iyon. Kaya lang nakaayos as baby room
Tumagal ng ilang minuto ang ginagawang panggagamot ni Lalaine kay Carlos. Ang likot kasi nito. Panay pa ang reklamo. Kaya ang ginawa niya hinagis niya ang binti ni Carlos na nakapatong sa binti niya habang nilalagyan niya ng cream ang nangingitim at nagsugat na part ng paa nito. Nainis siya sa kakareklamo na masakit. Kaya sa ginawa niya mas lalo ito nasaktan at napamura sa sakit. Lihim na natawa si Lalaine. Nakita ni Carlos. “Anong tinatawa mo?” ingos nito bumubulong. “Akin na ‘nga yang paa mo.” Sabi niya kay Carlos at hindi pinansin ang pag-iinarte nito. Asar na siya pero iniisip nalang ni Lalaine na isang makulit na pasyente sa hospital na panay reklamo, si Carlos. “Wag ka sabi malikot” Hindi siya matapos sa ginagawa niyang panggagamot. Hinatak niya yung binti ni Carlos na kinangiwi nito ng mukha at nagmura. Huminga si Lalaine. Marami na siyang naging patient na tulad ni Carlos. Matalak habang ginagamot. Mareklamo habang inaasikaso. “Napakabagal mo naman kasi!” pahayag ni Car
Nananadya ba siya? Bakit ganun siya ngayon? Nakakainis! Para pa rin siyang bata. Bulong ni Lalaine habang hawak ang dibdib niya na may mabibilis na dumadambol. Binuksan na niya ang pinto ng kwarto nila ni Carlos. Maghahanda na sana siya para matulog pero kung bakit ang puso niya ayaw tumigil sa kakatibok. Hindi siya makatulog. Pabaling-baling siya sa kanyang kinahihigaan. Malikot siyang nakahiga. Hindi mapakali dahil sa Carlos ang laman ng isipan niya. Tapos na kaya yon kumain? naitanong niya pa sa isip niya. Pero ipinikit na rin niya ang kanyang mga mata. Antok na rin siya. Sa wakas ay hinahatak na rin siya ng kanyang antok.Ilang sandali pa nakatulog na rin si Lalaine. Ganun din si Carlos mahimbing na rin ang pagkakatulog sa baba ng bahay nila. Hindi na ito umakyat at nagugulo ang isip niya dahil sa hindi makontrol din na tibok ng puso niya. Naubos naman nito ang sandwich na ibinigay ni Lalaine. After maubos nahiga na rin ito. At ngayon mahimbing ang tulog.Kina-umagahan. Nagisi
Hindi pa rin naalis ng lalaki ang mga tingin nito kay Lalaine. Nagtataka talaga ang mga mata ni Lalaine sa ginagawa nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ito makatingin. Mula ng makita siya ng dumating ito at pumasok sa HR.“Sure na papasok ka na bukas? First day mo di ba?" “Opo" sagot ni Lalaine. Bumuntong hininga.Iniisip pa rin ni Lalaine kung bakit kaya ganun ito makatingin sa kanya. Nagtataka talaga siya pero iniisip niya baka pinag-aaralan lang nito ang kanyang itsura. O, baka nagagandahan lang sa kanya. Ngumiti siya pero sa utak niya lang. Natawa siya ng magsalita si Doctor Ethan. “Hr, bukas na talaga ang start niya di ba? Saan siya?" makulit nitong tanong. Medyo may kakulitan din si Dok Ethan. Habang natatawa sa kanya ang HR sa sobrang excited nito makatrabaho si Lalaine.Kahit sinabi na ni Lalaine. Sure na bukas papasok na siya. Pero parang ayaw pa nito maniwala at tinanong pang muli ang HR para masure na sure talaga ang sagot niya.Ano bang nangyayari sa do