Share

CHAPTER 8

Herrera family

Tulala ako buong klase. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na makikita ko ang pamilya ni Blake ngayong araw. Of course, I am nervous!

Sinong hindi nenerbiyosin sa kalagayan ko. Hindi naman talaga totoong kami ni Blake. Anong mukha ang ihaharap ko sa parents niya?

I took a deep sighed. Walang pumapasok sa utak ko na lesson at hindi pwede 'to! I tried to focus on my studies pero walang effect.

Potek talaga!

"Ava, okay ka lang ba?" napatingin ako kay Kath.

Ngumuso ako sa kanya. "I'm not okay, Kath." malungkot na saad ko.

"Ano ka ba! Mabait ang Herrera's family, kaya huwag kang mag-alala." bulong niya dahil may klase ba kami.

"Paano mo nasabi?"

"Teacher ang Mama ko sa University ng St. Willford at kaibigan niya si Mrs. Snow Herrera na Mama ni Blake." paliwanag niya bago ngumiti. "Mabait at sobrang gwapo ng anak nila na si Timothy. Jusko!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala talagang palya sa'yo basta't gwapo eh, 'no?" I sarcastically said.

Ngumisi lang siya sa'kin. "Ganiyan talaga ang buhay, Ava. Doon ka na sa gwapo na, matalino pa at mayaman! All package na kumbaga." humagikhik siya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya bago nag-focus sa lesson namin. Natapos ang klase at nauna nang umuwi sila Kath at April.

Pumunta ako ng soccer field kagaya ng plano. Umupo ako sa bench at pinanood si Joseph sa practice nila. Wala pa si Alison. Hintayin ko na lang since siya ang group leader namin. I grabbed my cellphone to open my social media account when someone snatch my phone away from me.

Nagtaas ako ng tingin sa gumawa no'n at nakita ko si Blake na nakangisi.

"Give me back my phone!" inis na sambit ko.

"Hindi ka naman mabiro," aniya bago kinurot ang pisngi ko na simula't sapul ay mataba na.

"Inggit ka na naman sa pisngi ko!"

Bumalik niya ang cellphone ko bago umupo sa tabi ko. "Ang taba, eh! Parang jelly ace! Sobrang lambot." natatawa na sambit niya.

"Palibhasa kasi hindi ka cute, kaya wala kang ganitong pisngi!"

"Hindi talaga ako cute, kasi gwapo ako." He proudly said.

"Ang kapal ng mukha!" I murmured. "ano bang ginagawa mo rito? Hintayin mo na lang ako sa labas."

"Alison is here so..." He shrugged his shoulder.

Napailing na lang ako bago ko kinuha ang earphones ko at sinalpak iyon sa tenga ko. I clicked my Spotify and played 'World of Our Own' by Westlife. I started humming quietly when the music started.

"Do you like Westlife?" napatingin ako kay Blake.

Nasa kanya ang isang pares ng earphones ko.

Ngumiti ako bago tumango. "I love their songs," maikling sagot ko.

"I'll tell you things that no one else knows. I let you in where no one else goes. What am I doing without you?" sabay kaming napakanta sa chorus. Pareho kaming natawa.

"Maganda pala ang boses mo, eh!" sambit niya nang matapos ang kanta.

"Hindi naman," pagtanggi ko. "ikaw 'yong maganda ang boses. Buo na malamig."

He shrugged his shoulder. "Ganoon talaga. Gwapo na ko, maganda pa boses."

"Ang hangin talaga!" sarcastic na saad ko.

Natawa lang siya. Maya-maya ay nakita na nami sila Alison kasama si Joseph papunta sa direksyon namin. Walang emosyon sa mukha ni Alison nang nakita kami ni Blake. Blanko ang mukha niya. Mahinhin siya pero ang hirap niyang basahin.

Hindi ko tuloy alam kung nagseselos ba siya sa amin ni Blake o wala na talaga sa kanya itong ginagawa namin.

"Let's start na para makauwi ng maaga." sambit ni Alison.

Tumingin ako kay Blake na nakatingin kay Alison. Siniko ko siya kaya napatingin siya sa'kin "Nagmumukha kang patay na patay kay Alison. Ang creepy mo!" bulong ko.

"Patay na patay naman talaga ako sa kanya," bulong niya pabalik.

Inirapan ko na lang siya bago kami nag-usap about sa project. Katabi ko si Blake habang magkatabi naman sila Joseph at Alison sa isang upuan.

Nandito kami sa garden ng campus. Tahimik kami habang nakikinig kay Alison na seryoso. Matalino si Alison. Active siya tuwing recitation every subject namin.

Maganda na matalino pa, kaya siguro mahal na mahal ni Blake.

"That's all for today," sambit ni Alison nang matapos siyang magpaliwanag. "I'll just wait until Sunday para mapasa na natin ang project natin. Mas maaga para wala na tayong iintindihin."

Tumango kami ni Joseph. "Sent na lang namin sa e-mail mo 'yong gawa namin." tugon ni Joseph.

"Okay," tugon ni Alison bago tumingin sa'kin. "Ava, free ka ba ngayon? Samahan na kita sa pagbili ng materials."

"Hindi, eh," sagot ko bago tumingin kay Blake. "pupunta kami ni Blake sa bahay nila." His parents wants to see me."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Alison. Nagulat pero nawala rin 'yon agad.

Inakbayan ako ni Blake. "Tara na, Pandak," aniya bago ako hinila papalayo. Nang makalayo kami ay sinapak ko siya sa balikat.

"Anong pandak? Sipain kaya kita riyan!" inis na sambit ko sa kanya.

"Ano bang gusto mong endearment natin? Baby? Sweetie pie? Darling? Baby love?"

"Tigilan mo ako, Blake!" sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumisi ang loko. "Pandak na lang tapos baby."

Sinipa ko siya sa tuhod. "Mandiri ka nga sa sinasabi mo!"

Natawa siya bago ako inakbayan. "Ang cute mo, Ava. Para kang duwende!"

"Cute na duwende ako!"

Mas natawa siya at tinap ang ulo ko. "Sarap mong isako!"

Inis akong tumingin sa kanya at pinakita ang kamao ko. "Sapakin kita riyan, eh!"

"Tara na nga! Kanina pa naghihintay sila Mama at Papa sa bahay."

Sumakay kami ng kotse niya. Ito na naman ang kaba ko sa dibdib.

"Chill ka lang. Hindi ka kakainin ng pamilya ko. Magugustuhan ka nila for sure. Walking doll ka, eh." natawa siya sa huling sinabi.

"Tantanan mo ako, Blake!" mariin na sambit ko.

"Baka mas matangkad pa ang kapatid kong babae sa'yo. 14 years old lang si Luna." patuloy siya sa pang-aasar.

Sinapak ko ulit siya sa balikat niya. Tumawa lang ng malakas. Maya-maya ay napansin ko na pumasok ang kotse sa isang malaking gate.

Tumingin ako mula sa bintana ng kotse at halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. May malaking pathway sa gitna habang ang dalawang gilid ay pulos iba't-ibang uri ng bulaklak.

Huminto kami para i-park ang kotse niya. Nang tingnan ko si Blake ay ngumiti lang siya sa'kin.

"Let's go?" yaya niya bago bumaba ng kotse.

I took a deep sighed before I went outside the car. Bumungad sa'kin ang French Renaissance style na bahay nila.

"Huwag kang kabahan," saad niya sa'kin bago hinawakan ang kamay ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay nila at bumungad sa'kin ang 30-foot ceiling and stunning crystal chandelier nila.

"Kuya!" tawag nang isang babae na feeling ko kapatid ni Blake. Kulay dark brown kulay ng mata niya tulad ni Blake. Mas matangkad lang ako ng kaunti sa kanya.

"Luna, nasaan sila Mama?" tanong ni Blake nang makalapit kami sa kanya.

Sa'kin nakatingin si Luna at seryoso ang mga mata niyang dark brown na nakatuon sa'kin. She crossed her arms before she looked at her brother. "Mama and Papa are in the dining room. They are all waiting for both of you." malamig na tugon niya.

Hawak pa rin ni Blake ang kamay ko nang pumunta kami sa dining room nila. Kinakabahan na naman ako nang makita ang Mama at Papa ni Blake.

Tatlong tao ang nasa table. I am sure Mama at Papa ni Blake 'yong may edad na at mukha Kuya niya yung katabi ng Mama niya.

"'Ma, 'Pa, Kuya Ty and Luna." tawag ni Blake sa kanila. "this is Ava, my girlfriend."

Ngumiti ako sa kanila. "Hello po!" magalang na bati ko. "I'm Savannah Leigh Aragon."

Nakita kong ngumiti ang Papa niya. "Have a seat, Ava. I'm Basty, Blake's father and this Crystal. My wife." turo niya sa babaeng nasa gilid ng table.

Ang gwapo ng Papa ni Blake. No doubt, dahil maganda rin ang Mama niya. Nakangiti ito sa'kin.

Tumango ako bago umupo sa tabi ni Luna.

"I'm Timothy, but you can call me Kuya." ani ng Kuya ni Blake.

Kath is right. Blake's brother is handsome. Mas gwapo siya kesa kay Blake. Mas matured tingnan.

"I'm Luna." maikling saad ni Luna. Naka-poker face ang mukha nito hindi tulad ni Kuya Timothy na nakangiti.

"We finally met, Ava! Nice to meet you!" Nakangiting sambit ng Mama ni Blake.

"You're Aragon? Anak ka ng may-ari ng Aragon Grandé Hotel?" tanong ng Papa ni Blake.

Tumango ako. "Yes po." magalang na sagot ko.

"It's good because Aragon is one of the investors in Lopez Group Of Company." tugon naman ng Mama ni Blake. "I've seem then a lot before. Laging na narito sa Isle Esme ang Daddy noon."

"Ah, opo. Actually, we've been here in Isla before but I just forgot about it since I was just four years old that time," sagot ko.

"Farm namin ang supplier ng Hotels niyo rito. Mrs. Almita Aragon is a nice person. Buti na lang at ikaw ang girlfriend ng anak ko. Mababait ang Aragon." sambit naman ng Papa ni Blake.

"Thank you po!" 'yon lang ang nasagot ko.

"You're an ABM student. Paano kayo nagkakilala ng anak ko?" tanong ng Papa ni Blake.

"A-ah," Potek! Hindi ko nakapaghanda ang ganitong tanong!

"Siya ang nanligaw sa'kin, 'Pa." nakangiting sagot ni Blake kaya tumingin ako sa kanya.

"Totoo ba, Ava?" Natatawa na tanong ni Kuya Timothy. May himig ang tinig ng tanong niya. Pansin ko rin ang ibang ngiti niya na tila ba may ibang ibig sabihin 'yon.

Kinurot ko ang tagiliran ni Blake. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin pero ngumisi lang siya.

I smiled, awkwardly. "Y-yes po," sagot ko.

"Sabi nga niya, na love at first sight siya sa'kin noong orientation kaya ayon. Sinunggaban na ako agad!" dagdag pa ni Blake. Enjoy na enjoy siyang pag-trip-an ako.

Tinapakan ko ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa. Napasigaw siya dahil doon.

"Anong nangyari sa 'yo, Blake?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Herrera.

"W-wala, 'Ma." pagdadahilan ni Blake bago tumingin sa'kin.

Mataray ko siyang tiningnan. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to!

"Oh, sige na. Let's all eat. Ava, enjoy your food." ani ng Papa ni Blake.

Tumango lang ako bago nagsimulang kumain. Tahimik ang lahat habang kumakain.

"Ava, can we talk?" napatingin ako sa Mama ni Blake.

"Okay lang po."

Sumunod ako sa kanya. We went outside the dining room. Nang huminto siya sa balkonahe ay tumingin siya sa'kin.

"Ano po ang pag-usapan natin?" tanong ko.

"Just call me Tita Snow." saad niya.

"Akala ko po Crystal pangalan niyo."

Mahina siyang tumawa. "Si Basty lang tumatawag sa'kin ng Crystal. May pagka-possessive ang isang 'yon."

Tumango ako. "Ang cute niyo naman po," tugon ko.

Nagkibit balikat siya. "That's why I love him." Tugon niya. "alam mo naman siguro na kakagaling lang ni Blake sa heartbroken, right?" pag-iiba niya ng topic.

"Opo. His ex-girlfriend is Alison. Alam ko po 'yon." sagot ko.

"I don't want to hurt you. Sobrang biglaan ang break up nila ni Alison tapos may girlfriend agad siya. Ayokong masaktan ka ng anak dahil alam ko na mahal na mahal niya si Alison. You know what I mean, right?"

Of course, I know what she meant. Iniisip niya siguro na rebound lang ako. Ang sarap sabihin sa kanya ang totoo dahil ayokong magsinungaling.

Ngumiti ako. "Don't worry po, Tita Snow. Alam ko po ang pinapasok ko. Alam ko po na hindi ako sasaktan ng anak niyo. He's a good person." 'yon na lang ang sinabi ko.

"Alam ko naman 'yon. You make Blake's smile. I can see it." sambit niya.

Kung alam niyo lang po. Ang lakas man-trip ng anak niyo. Ginagawa akong walking stuff toys!

"G-ganoon lang po siguro pagmahal mo talaga ang isang tao." pagsisinungaling ko.

Niyakap niya ako. "I like you, Ava. You're such a beautiful and good person. Malakas lang man-trip si Blake, pero seryoso 'yon sa mga sinasabi niya."

"I like you too din po, Tita Snow. Tama po ang sinasabi ng mga tao sa inyo. Mababait kayo." saad ko bago humiwalay.

"Sabihin mo sa'kin pag may ginawang kalokohan si Blake. Ako ang bahala sa kanya."

Nakangiti ako na tumango. Nag-stay pa ako sa bahay nila Blake. 7PM ang curfew ko kaya nang pumatak ang 6PM ay hinatid na ako ni Blake.

Masaya ako buong gabi. Akala ko hindi magugustuhan ng pamilya ni Blake, pero mali ako. They all like me as his girlfriend.

Kahit na pagpapanggap lang itong lahat, they treated me like a family. Ganito pala 'yong pakiramdam pagni-legal ka sa pamilya. I'm sure this will end someday but for now. Susulitin ko ang mga oras at araw bilang girlfriend ni Blake.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Daphne Olivar
ngingiti si Pandak maiinlove ka nyan
goodnovel comment avatar
Yuuki Asuna
naku ka Ava. yari ka pag na in love ka
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status