Share

Chapter 37

Parang isang apoy na basta nalang nagliyab ang balita tungkol sa pagkatao ni Leo- usap usapan ngayon ang mga kumakalat na larawan at video nila ni Niel- lahat nawindang sa balitang ito, may mga nandiri sa kanya at meron din namang inintindi ang pagkatao niya. Nakatulala siya habang nanunood ng balita, naging usapan din ang mga kuro-kuro patungkol sa kanila ni Ellie- hindi pa niya na sasapubliko ang tungkol sa kanila kaya naman masaya siya na hindi nadadawit ang pangalan ng dalaga. Muli niyang pinagmasdan ang kabuoan ng kanyang condo- naroon pa ang mga larawan na nagkalat sa paligid. Inabot niya ang isang bote ng alak- simula ng makauwi siya rito ay ito na ang kasama niya. Napalingon siya nang biglang tumunog ang kanyang phone- sinagot niya ito ng hindi man lang tumitingin sa caller.

"Hello?" walang buhay na saad niya "Kailangan mong umuwi sa bahay, hinahanap ka ni papa" napangiti ng mapakla si Leo- oras na para ang pamilya naman niya ang kailangan niyang harapin. Walang tulog, amoy a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status