Fall in Love with the Gay Boss

Fall in Love with the Gay Boss

By:  Miss A  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
49Mga Kabanata
587views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Sa mata ng lahat siya ay tinitingala na parang bitwin sa kalangitan. Si Leo Storm, Isang perpekto at napaka gwapong CEO ng eL Company. Sa likod ng brusko at matcho nitong pangangatawan nakatago ang sekretong kanyang iniingatan. Si Ellie, palaban at masipag na babae. Handang makipagsapalaran matulungan lang ang kanyang pamilya. Sa di inaasahang pagkakataon, pagtatagpuin sila ng kapalaran. Paano nila haharapin ang laro ni kopido? Kaya nga bang dayain ng kapalaran ang iyong kasarian? Kaya nga bang pigilan ang iyong nararamdaman kung pag-ibig na ang iyong kalaban? Ito ang kwentong susubukin ang iyong pagkatao. Kwentong magpapaikot sa iyong mundo

view more
Fall in Love with the Gay Boss Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
49 Kabanata
Chapter 1
Maagang nagising si Ellie dahil ito ang unang araw niya sa trabaho bilang isang cashier sa isang kilalang coffee shop sa kanilang lugar. Graduate student siya sa Crimson University sa kursong Entrepreneurship ngunit dahil fresh graduate ay walang tumatanggap sa kanya na kompanya sa kadahilanang wala pa siyang experience sa naturang larangan. Kahit nanghihinayang ay napag desisyonan niyang humanap nalang ng ibang trabaho na makakatulong sa kanya upang makapag ipon. Napalingon si Ellie nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang coffee shop. Abot tenga ang kanyang ngiti ng makita ang papasok na customer. "Good morning Sir! May I take your order?" Tanong niya pagkalapit ng lalaki sa counter area. "Caffé Americano" saad nito na hindi man lamang sinusulyapan ang kaherang nasa harapan. Nakaramdam ng pagkairita si Ellie sa naturang customer dahil maypagka suplado ito. "Caffé Americano, for Mr.." napatigil si Ellie sa pagsasalita ng maalala niya na hindi nga pala niya natanong ang lalaki kan
Magbasa pa
Chapter 2
Leo's POV Napaka aga masamang balita agad ang bubungad sa akin? My Gosh! Di to kaya ng beauty ko! Oo, bakla ako, noon paman ay bakla na talaga ako, kahit pa nga noong nasa sinapupunan palang ako ng nanay ko ramdam ko ng babae talaga ang diwa ko. Pinagsisisihan ko nga eh kung bakit ako na trap sa gwapo at maskuladong katawan na to. "Babe! We talk about this right? Sabi mo pa nga sabay tayong aalis." Maarte at may himig pagtatampo na saad ko sa aking nobyo. "I know baby, di ko naman alam na mangyayari to eh! And besides, muntik na tayong mahuli diba? Nag-iingat lang din ako ". He answered. Yeah! This is one of my problems, I can't express my feelings in public, 'cause I know they won't understand and they will judge me. I have a boyfriend, his name is Niel Craign. We've been in a relationship for 5 years now, we met in a club when we were in Paris. Just like others, we decided to get to know each other, hooked up, and then eventually, fall in love with each other. We live together for
Magbasa pa
Chapter 3
Ellie's POV Hindi talaga ako maka move on sa mga nangyari kanina. Akalain mo yun? Nakita ko sa personal si Leo! Napaka gwapo niya pala talaga, kung ako sa kanya talagang hindi ko ipopost public ang mukha ko dahil panigurado dudumugin at pagkakaguluhan ng media at ng mga tao. "You're in deep thought, is there something wrong?" Napalingon ako sa nagsalita, nakalimutan kong magkasabay pala kami ni Kion ngayon. Hay's isa pa tong gwapo! Napapaligiran yata ako ng mga gwapo ngayong araw, hindi ko na kere! "Okay lang naman ako, iniisip ko lang yung about kanina". May halong lungkot sa mukha ko, syempre na bad shot ako dun kay Leo eh. "Sus! wag mo na nga isipin yun, diba nga okay naman daw ang lahat sabi ni boss". Napangiti ako sa sinabi niya, nagpapasalamat talaga ako at sobrang bait ng amo namin. Halos kasing edad lang namin si Sir Travis pero ang dami na niyang achievements, dagdag pa na best friend pala sila ni Leo. "Di talaga mawala sa isip ko eh! Ano kaya ibig sabihin ni Leo? Sa tingin
Magbasa pa
Chapter 4
Masayang nagising si Ellie sa araw na ito, pakiramdam niya ay ganado siyang gawin ang ano mang bagay. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng kanyang ina at inalok na sabayan silang kumain ng agahan. Mabilis na tumanggi si Ellie dahil sa trabaho nalang daw siya kakain, meron kasi silang libreng pagkain doon at pwede silang kumain o uminon ng kahit ano hanggat gusto nila. Isa ito sa mga policy ng kanilang amo na si Travis- doon palang ay nagpapasalamat na siya. Nagpaalam na si Ellie sa kanyang ina at dalawang kapatid, pagkalabas ng bahay ay agad na bumungad sa kanya si Kion. "Morning El, musta na ang noo mo?" Bungad na tanong nito, ngumiti si Ellie at sinabing ayos lang ito. Maagang nakarating ang dalawa sapagkat walang masyadong traffic sa daan. Pagkapasok nila sa coffee shop ay agad nilang binati ang iba pang empleyado, maging ang may ari na si Travis, nagpalit lang sila ng uniform at agad ng nagtungo sa kanilang mga station. Habang nag-aabang si Ellie ng mga customer ay panay ang pag
Magbasa pa
Chapter 5
Leo's POVPagkarating ko sa condo unit ni Niel ay agad niya akong niyakap, sa sobrang higpit ay halos hindi na makahinga ang lola niyo! Kaloka! I am really happy to see him. It's been 2 weeks simula ng magpunta siya sa America for some business matters. I was over the moon when I saw the arrangements on the table- it was a romantic dinner for us. I pinched his checks and told him how sweet he was to do that thing. "Do you like it babe? " He asked. "I love it baby! " I answered back. Nagtungo na kami sa table at nagsimula ng kumain, we talked about his experience in America, mga business meeting and even his whereabouts. I am really happy kasi open siya sa sa akin sa lahat ng bagay. I also told him about everything that happened to me. Pagkatapos naming mag dinner ay nagtungo naman kami sa sala, we decided to watch some romantic movies. Everything felt so good, every time I was with him, I felt like I was enough and I was appreciated. Ganito pala ka sarap sa pakiramdam yung tipong tan
Magbasa pa
Chapter 6
Leo's POV Pagka alis ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa coffee shop ni Travis, doon ko paniguradong makikita si Ellie, I may sound so desperate but I need to do this. Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang counter area dahil doon naka assign si Ellie, nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin siya ang kaso hindi ko siya makita. "Excuse me, I was looking for Ellie, is she around? " Napatingin ako sa lalaki at naalala ko na siya yung laging kasama ni Ellie- boyfriend niya kaya to? "'bat nyo po hinahanap si Ellie Sir? May kasalanan ba siya sa inyo?" Napailing ako sa sinabi niya "Naku, wala naman I just want to talk to her, importante kasi eh kaya gusto ko siyang makausap ng personal" tumango-tango naman ang lalaki na tila naiintindihan niya ang sitwasyon. "Pasensya na Sir, hindi kasi nakapasok si Ellie ngayon, may sakit siya kaya pinauwi nalang siya ni Sir Travis" mukhang mamalasin pa ako nito! Imbis na mawalan ng pag-asa pinili ko nalang na magtungo sa opisina ni Travis. Pagkapa
Magbasa pa
Chapter 7
Leo's POVNakahiga parin ako sa kama, kakatapos ko lang kasi e message si Ellie tungkol sa napag-usapan namin kagabi. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kanya o kung papano ko siya pakikiusapan, naisip ko tuloy na magmakawa na lang sa kanya. Natawa ako sa naisip ko, itong dyosa? magmamakaawa? NO WAY! as in NO talaga. I felt the vibration coming from my pocket, don ko kasi nilagay ang phone, I saw a notification that someone sent me pictures through email, after reading the message, agad akong nagtungo sa desk at inopen ang laptop. Napahawak ako sa aking baba habang sinusuri ang mga pictures, halatang professional ang kumuha sa mga litratong ito.Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang aking Secretary, I thank her for collecting those photos, agad kong sinave ang mga ito sa aking phone, habang nagdodownload pa ay napagpasyahan ko na maligo nalang muna para makapaghanda na rin ako para mamaya. Pagkalabas ko galing sa shower ay
Magbasa pa
Chapter 8
Nagulat si Ellie sa kanyang narinig, tila isang echo na nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Leo. Nakatitig lang siya sa mukha ng binata, sinusuri ang ekspresyon ng mukha nito kung ito ba ay nag bibiro lamang. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkagulat sa mga binitawang salita, mababakas din sa kanya ang matinding kaba. "Ulitin mo nga sinabi mo!?" gulat at hindi makapaniwalang saad ni Ellie. Hindi makatingin ng deretso sa kanya ang binata kaya naman siya na ang sumagot para dito. "Ginagawa mo 'kong tanga no?" walang pagdadalawang isip na tanong niya. Napailing ng mabilis si Leo. "Of course not! I need your help, will you help me?" dahil sa sinabi ng binata ay agad na kumalma ang puso niya, alam niya sa sarili na imposible itong magka gusto sa tulad niya. "Ano ba kasi yun? pwede bang ipaliwanag mo ng maayos?" naguguluhan na kasi siya sa mga ikinikilos ng binata. Huminga ng malalim si Leo bago mag salita, ipinaliwanag nito sa kanya ang sitwasyon pati na rin ang tungkol sa
Magbasa pa
Chapter 9
Leo's POV Napangiti ako habang nanonuod ng balita sa tv, nandito ako ngayon sa opisina, hindi ko maiwasang maging masaya dahil unti-unti ng nagsisimula ang plano ko. Tenext ko rin si Ellie na makipagkita sa akin mamaya sa coffee shop ni Travis, gusto ko kasing mag-iwan ng mga clue sa media at syempre para na rin sa mga nakapaligid samin. Mas marami, the more ang chismis. The door suddenly opened and to my surprise, my eyes went wide- it's Niel! what the heck is he doing here!? Mabilis pa sa alas kwatro niya akong niyakap, napaiktad ako sa sobrang gulat. Agad akong kumalas sa yapos niya, kahit pa gusto ko, hindi pwede no! Baka mahuli ang Disney Princess niyo! "Anong ginagawa mo dito?" I asked. He pouted just to act cute in front of me and he did it right! I almost drop my jaw because of what he did. He started touching me in a flirty way. I can't help but to fall for it but, I need to put my guard up. Mahirap na baka mahuli pa kami. "Stop that babe! We're inside my company, we might g
Magbasa pa
Chapter 10
Leo's POVKararating ko lang sa coffee shop ni Travis, una kong pinuntahan ang opisina niya kaso wala siya doon, saan kaya siya nagpunta? Hinanap ko siya sa buong coffee shop kaso hindi ko talaga siya makita. Wala naman siyang sinabi na may pupuntahan siyang importante eh! kaysa magpaka Hagardo Versoza ako sa paghahanap sa kanya mas pinili ko na lang maupo sa bakanteng table. Napatingin ako sa suot kong wrist watch 1:30 pm na pala, napatingin ako sa kabuoan nitong coffee shop, medyo marami-rami rin ang mga tao ngayon kahit pa araw ng linggo. Panay ang pagsulyap ko sa tuwing bumubukas ang pinto, umaasang si Ellie na ang darating. Bakit kaya wala pa siya? kadalasan naman on time siya or di kaya mas nauuna pa siya, hindi kaya magkasama parin sila ngayon ni Travis? Wala akong magagawa sa mga oras na 'to kundi ang hintayin si Ellie, ako ang may kailangan sa kanya kaya naman kailangan kong magtiis ganda muna.Nakakaramdam na ako ng pagkainip, 2 pm na, isang oras na rin siyang late. Imbis na
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status