Share

Chapter 2

Leo's POV

Napaka aga masamang balita agad ang bubungad sa akin? My Gosh! Di to kaya ng beauty ko! Oo, bakla ako, noon paman ay bakla na talaga ako, kahit pa nga noong nasa sinapupunan palang ako ng nanay ko ramdam ko ng babae talaga ang diwa ko. Pinagsisisihan ko nga eh kung bakit ako na trap sa gwapo at maskuladong katawan na to. "Babe! We talk about this right? Sabi mo pa nga sabay tayong aalis." Maarte at may himig pagtatampo na saad ko sa aking nobyo. "I know baby, di ko naman alam na mangyayari to eh! And besides, muntik na tayong mahuli diba? Nag-iingat lang din ako ". He answered. Yeah! This is one of my problems, I can't express my feelings in public, 'cause I know they won't understand and they will judge me. I have a boyfriend, his name is Niel Craign. We've been in a relationship for 5 years now, we met in a club when we were in Paris. Just like others, we decided to get to know each other, hooked up, and then eventually, fall in love with each other. We live together for 1 year while we're in Paris.

After that, bumalik ako sa Pilipinas para ipagpatuloy ang buhay, which is to manage the legacy that my Father left. I have no choice but to agree, ako lang kasi ang nag iisang lalaki sa pamilya. I have 2 older sisters but they don't have the interest in managing the company and since ako lang naman ang may potential, sa akin naiwan ang responsibilidad. I thank the Universe for giving me the opportunity, dahil nahasa ko ang aking kakayahan sa larangan ng business. I was awarded as the youngest CEO and the youngest billionaire in history. Marami na rin akong na achieve and dahil dun mas lalo pa akong nakilala ng buong mundo. No one knows about my secret except for the two people I trust- my boyfriend and my best friend Travis Johnson. We were best buds since we were in our mother's womb. When he found out the truth, he never judged me and understood my situation. Sinuportahan pa nga niya ako nung nalaman niya ang tungkol sa amin ni Niel. Pinangako ko sa aking sarili na walang makakaalam nang totoo, even my family, hindi nila pwedeng malaman, specially my dad- he would kill me if ever he finds out the truth.

"Babe! Are you still there? " Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Niel. "Yeah, I'm here" tipid kong sagot. "I am really sorry, baby, I hope you understand." Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya, kahit alam ko namang di niya makikita. Matapos ng pag-uusap namin sa telepono ay napagdesisyonan kong pumunta sa coffee shop na pag mamay-ari ni Travis. Pagkalapit ko sa counter area, nagulat ako sa babaeng nagsalita. Sino ba namang di magugulat!? Ang taas ng energy niya at ang lakas ng pagbati niya sakin! Kala naman ng babaeng 'to na nasa kabilang bundok ako! Kaloka! Napatitig ako saglit sa kanya, Taray naman itong si ate mo ghurl may ibubuga! Pwedeng panlaban sa Miss Universe! Makinis, maputi, sexy, tama lang ang height, maganda, may matangos na ilong, kissable lips na parang ang sarap laplapin- f*ck! What am I even thinking!? Ayokong pumatol sa babaeng 'to no! Over my dead gorgeous body! Nagmadali na akong umalis sa counter area baka kung saan pa mapunta ang iniisip ko. Napagdesisyonan kong maupo sa pinaka dulong lamesa, para na rin makaiwas sa mga tao at para walang makarinig sa pag-uusap namin ni Niel. I really love this freedom, yung tipong kilala ka lang nila sa pangalan pero hindi sa mukha. Buti nalang talaga hindi ko pinost public ang mukha ko, para naman makalabas parin ako at makapunta sa mga lugar na gusto ko ng di ako dinudumog ng tao, specially media.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap kay Niel nang pamansin kong may papalapit sa dereksyon ko, agad akong nagpaalam sa kanya at enend ang call. I saw her beautiful face again, she was smiling while walking. Kung straight palang sana ako ngayon, liligawan ko 'tong babaeng 'to, kaso hindi talaga eh, As in yuck! We're on the same page ghurl! My heart skipped a beat when the glass was knocked over by accident. Nataranta ako at ganun din siya, kumalat sa mesa ang kape at nabasa ang ilan sa mga documentong kailangan ko sa business meeting mamaya. Sa sobrang gulat, di ko napigilan ang sarili ko at nasigawan ko siya ng bongga. Wala akong pakialam kahit pa magtinginan ang ibang customer sa amin. Naawa naman ako ng very light kay ate ghurl ng makita ko ang reaksyon niya, halatang nasaktan siya. Gusto kong mag sorry kasi alam ko namang hindi sinasadya pero nung makita ko kung paano sila nag usap ni Travis mas pinili ko nalang magtaray.

Ang landi rin nitong best friend ko, halatang may gusto kay ate ghurl! After nilang mag-usap ay nagpaalam na si ate ghurl na babalik sa kanyang trabaho. Pinagmamasdan ko lang ang papalayo niyang imahe ng may magsalita "Huy! Anong nangyari sayo? Sinampal ka na ba ng katotohanan at na realize mong lalaki ka talaga? " Pang-aasar na sabi niya "shut up! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Seriously? Yuck! Ewww! Never! Hindi ako papatol sa ka uri ko no! " Mataray kong saad. Imbis na magsalita ay tumawa lang siya ng malakas at nagkibitbalikat. "What's her name? I was just curious ". Totoo naman talaga, na intrega ako sa pangalan ni ate ghurl. "Her name is Ellie, Ellie Rios ". May halong pang-aasar niyang sabi. I just rolled my eyes and excuse myself dahil may business meeting pa akong kailangang e attend. I was about to pass the counter area when I saw Ellie, malayo ang tingin nito at tila may malalim na iniisip. Napangiti ako nang may pumasok na kademonyohan sa utak ko. Lumapit ako sa kanya at may sinabi. I saw her froze, halatang nagulat siya sa presensya ko. Mas inilapit ko pa sa kanya ang mukha ko sabay bulong sa tenga niya "Hindi tayo talo girl! "

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status