Share

Fall in Love with the Gay Boss
Fall in Love with the Gay Boss
Author: Miss A

Chapter 1

Maagang nagising si Ellie dahil ito ang unang araw niya sa trabaho bilang isang cashier sa isang kilalang coffee shop sa kanilang lugar. Graduate student siya sa Crimson University sa kursong Entrepreneurship ngunit dahil fresh graduate ay walang tumatanggap sa kanya na kompanya sa kadahilanang wala pa siyang experience sa naturang larangan. Kahit nanghihinayang ay napag desisyonan niyang humanap nalang ng ibang trabaho na makakatulong sa kanya upang makapag ipon.

Napalingon si Ellie nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang coffee shop. Abot tenga ang kanyang ngiti ng makita ang papasok na customer. "Good morning Sir! May I take your order?" Tanong niya pagkalapit ng lalaki sa counter area. "Caffé Americano" saad nito na hindi man lamang sinusulyapan ang kaherang nasa harapan. Nakaramdam ng pagkairita si Ellie sa naturang customer dahil maypagka suplado ito.

"Caffé Americano, for Mr.." napatigil si Ellie sa pagsasalita ng maalala niya na hindi nga pala niya natanong ang lalaki kanina. Agad na sinuri ng kanyang mga mata ang buong coffee shop, umaasang makikita niya ang hinahanap.

"Saang table ba yan El? Ako na maghahatid" saad ng katrabaho niyang si Kion. Magkababata at matalik na magkaibigan ang dalawa, noon paman ay may lihim ng pagtingin si Kion sa kanya ngunit mas pinili na lamang nitong itago sa sarili ang nararamdaman. "Ako nalang, hindi ko rin kasi nakita kung saan siya umupo eh, hahanapin ko nalang si Sir". Pagkasabi 'nun ay agad na nga siyang naghanap.

Mababakas sa mukha ng dalaga ang ngiti ng masulyapan niya ang pigura ng naturang lalaki, nakaupo ito sa pinakadulong mesa, mag-isa at tila may kausap ito sa telepono. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nagsalita "Here's your order Sir" sabay lapag ng inumin sa mesa. Nagulat silang dalawa ng aksidenteng natabig ang baso, natapon ang kape at nabasa ang ilang documentong nasa mesa "Oh my Gosh! What the hell are you doin'! Don't you know how to be careful? Nakakaloka ka!" Bulyaw nito sa kanya. Agad namang nataranta si Ellie, kumuha agad siya ng pamunas, pinunasan niya ang mesa pati na rin ang parte ng mga documentong nadamay sa aksidente. "I'm really sorry Sir, hindi ko po talaga sinasadya" panay ang paghingi niya ng pasensya, natatakot siya na baka sa unang araw palang ng kanyang trabaho ay masisante na agad siya.

Nagtinginan ang ilang mga customer sa kanila, ramdam na ramdam ni Ellie ang kaba lalo na't paparating ang may-ari sa kinaroroonan nila. "What's goin' on here?" Tanong nito. Pikit matang sinabi ni Ellie ang nangyari. Imbis na pagalitan siya ay nginitian lamang siya ng kanyang amo na tila ba sinasabi nitong ayos lang ang lahat. Si Travis Johnson ang may-ari ng nasabing coffee shop, sa edad na 28 ay marami na siyang naipatayo na negosyo. Gwapo, matalino, mayaman at mabait, ganyan kung ilarawan siya ng lahat. "I'm sorry about that, man, she's just new here. Baka na mesmerize lang siya sa kapogian mo, hahaha" pabirong sabi nito. Alam ni Ellie na sa mga oras na ito ay kasing pula na siya ng kamatis sa sobrang hiya na kanyang nararamdaman. Hindi niya naiwasang mapatitig sa supladong lalaki, natigilan siya at parang huminto ang ikot ng mundo ng masuri niya ang mukha nito. Mas matangkad ito ng kunti sa kanya, may maskuladong pangangatawan, maputi, mayaman at higit sa lahat sobrang gwapo.

Natigil si Ellie sa pagpapantasya ng marinig ang boses ng kanyang amo. "El, this is Leo Strom. One of my best buddy. Lagi siyang nandito for a cup of coffee. Masarap daw kasi ang mga kape natin dito compared sa ibang shop. Hahaha" nabaling ang atensyon niya kay Leo at ganon na lang ang gulat niya ng malamang siya pala ang kinikilalang the youngest CEO and the youngest billioner in the history. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil finally nakita na niya sa personal ang kanyang idolo sa larangan ng business industry. Oo, sikat na sikat at kilalang kilala ng buong mundo si Leo dahil na rin sa mga achievements nito bilang isang business man sa edad na 27 ngunit bihira lamang siyang makita ng mga tao dahil narin may pagka misteryoso ito pagdating sa kanyang panlabas na anyo, bihira itong umattend sa mga interviews at laging ang Secretary niya lang ang umaasikaso ng mga bagay-bagay para sa kanya.

"Nice meeting you in person Sir, at sorry po talaga about kanina" nahihiyang sabi niya. Hindi parin siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang nag-iisang Leo Strom. "That's fine, sa susunod mag-iingat ka na" may halong pagkairita sa boses nito. Tumango lang si Ellie at nagpaalam na babalik na siya sa kanyang trabaho. Sa pagpatak ng oras walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang pagtataray sa kanya ni Leo. "Bakla ba siya?" Bulong niya sa kanyang sarili. Nagulat na lamang siya ng may biglang nagsalita. "I saw the way you look at me earlier and I want you to know that..." Biglang mas inilapit ni Leo ang mukha nito sabay bulong sa kanyang tenga. "Hindi tayo talo girl!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status