Share

Chapter 8

Nagulat si Ellie sa kanyang narinig, tila isang echo na nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Leo. Nakatitig lang siya sa mukha ng binata, sinusuri ang ekspresyon ng mukha nito kung ito ba ay nag bibiro lamang. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkagulat sa mga binitawang salita, mababakas din sa kanya ang matinding kaba. "Ulitin mo nga sinabi mo!?" gulat at hindi makapaniwalang saad ni Ellie. Hindi makatingin ng deretso sa kanya ang binata kaya naman siya na ang sumagot para dito. "Ginagawa mo 'kong tanga no?" walang pagdadalawang isip na tanong niya. Napailing ng mabilis si Leo. "Of course not! I need your help, will you help me?" dahil sa sinabi ng binata ay agad na kumalma ang puso niya, alam niya sa sarili na imposible itong magka gusto sa tulad niya. "Ano ba kasi yun? pwede bang ipaliwanag mo ng maayos?" naguguluhan na kasi siya sa mga ikinikilos ng binata.

Huminga ng malalim si Leo bago mag salita, ipinaliwanag nito sa kanya ang sitwasyon pati na rin ang tungkol sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status