Share

Kabanata 49

ITINAPON namin ang mga kalat namin sa garbage bin at saka sabay na naglakad pabalik ng parking lot. Still hesitant, mabagal ang naging lakad ko papalabas ng mall at mukhang nahalata iyon ng kasama ko.

"Ano? Ayaw mo pang umuwi? Pasara na ang mall. Do you want coffee?" Tanong sa akin ni Geo. Umiling ako. I know na nag-aadjust pa si Geo sa timezone at malamang ay may jetlag pa. Panigurado, inaantok na talaga siya. I cannot drag him on my silly plan just because naghihimagsik ako kay Jascha. Labas siya doon. I stopped walking, Geo too.

I forced a smile and tried to look as normal as I can. I fumbled my phone on my bag and acted surprised.

"Oh, nandito pala si Calista." I lied, looking at my phone screen.

"Oh?"

Tumango tango ako, "Nag-aaya na manood ng sine." I lied again.

"At this hour?" Tumingin si Geo sa wristwatch niya.

Tumango ulit ako. "Last full show."

"Alright, should I bring you at the cinema?"

"Hindi na, ako na. Kaya ko naman." Ngumiti ako at naglakad sa direksyon papuntang cinema
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status