Share

Kabanata 7

"I WANT to bring you to a movie." Pagkatapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nakatunganga kaming dalawa sa sofa at pinapanood ang National Geographic about Antennae Galaxies.

"Anong movie?" Without leaving my eyes on the tube, I asked.

"Advance screening of a Hollywood film, Gwen was one of the writers, so---"

"So?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"We have to see that." Sabi nya pagkatapos magbuga ng marahas na hangin.

Pinanliitan ko siya ng mga mata, "We?"

"You are my girlfriend, right?"

"Ano ba ang goal mo? Ang mag-mukhang naka-move on para sa Business colleagues mo o ang mukhang naka-move on na para maistalk mo si Gwen anytime you want?"

"l am not stalking!" Depensa niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Pabagsak siyang sumandal sa sofa at nakasimangot na humarap sa TV.

"Kung totoong girlfriend mo ako, masasaktan akong makita na natataranta ka pa din kapag merong mga event na mahalaga sa Ex mo." Pag-didiin ko.

"That's why I don't have a girlfriend and why I have you, right? Because I am not ready. I told you that already. Sinabi mo din na ayos lang masaktan." 

"Ayos lang na masaktan pero hindi mo dapat kusang sinasaktan ang sarili mo. You can see her all that you want pero hindi na siya babalik sayo."

Malungkot niya akong tiningnan. He sighed. "l guess you are right."

Tila nawalan siya ng gana sa pinanonood at nagbago agad ang kanyang mood.

Hindi din naman ako mapakali na makita siyang malungkot dahil ang first impression ko sa kanya ay isang lalaking masungit at makapangyarihan. Hindi ko alam kung may karapatan akong pumasok sa bahagi ng kanyang pagkatao pero kapag naiisip ko na hindi naman niya ako kakailanganin kung hindi talaga mahalaga sa kanya ang image niya, gusto kong tulungan siya.

Pero bakit ako?

Siguro sa sama ng ugali niya, all these years wala siyang naging kaibigan at kung meron man, niloko pa siya kaya ako ang nakikita niya ngayon.

"You know what? Fine. Let's show the world that you are okay."

Nilingon ako ni Jascha at unti-unting lumabas ang magaganda niyang ngiti. His smile could melt anyone's heart. His eyes went smaller like a smiling puppy, his teeth are pearly white. How can you say 'No' to this ball of cuteness?

"l brought you a dress, it is in the car."

I rolled my eyes heavenwards, "Pinlano mo to!" "l am just confident that you will say Yes."

Now, I feel like a push over. Hindi man lang siya nahirapan na kumbinsehin ako at napatunayan niyang no one can get away with his charm.

Mabilis lang akong naghanda. Tinulungan ako ni Calista sa pagpapatuyo ng buhok ko at sa manipis na makeup.

Isang pleated sunny yellow skater skirt paired with lacey taupe off shoulder long sleeves ang bitbit ni Jascha para sa akin. Gold ballet flats naman para sa mga paa.

"You look classy." Inayos ni Calista ang buhok ko at tinulungan ako sa pagkakabit ng swarovski stud earrings na kasama din doon sa damit.

"Do I look trashy to you?"

Tumawa ang kakambal ko, "Ikaw lang naman eh. Ayaw mong mag-ayos. Kahit naman noon na meron tayong pambili ng mga ganito, hindi ka magsusuot nito. I am wondering what did Jascha do to you?"

Malisyosa niya akong tiningnan. Nagpamaywang ako at sinamaan siya ng tingin.

"Wala. Tinutulungan ko lang yung tao."

Inabot ko ang cream colored sling pouch na ipinahiram ni Calista at isinukbit iyon sa balikat ko. "Bye, Calista!" Bago pa siya makasagot ay sinarhan ko na ang pinto.

Naabutan kong matiyagang nag-iintay si Jascga doon sa sofa. Nakapangalumbaba siya sa TV at nanunuod pa din ng National Geographic.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, kumunot ang kanyang noo at saka mabagal na tumayo sa upuan.

"You really do have a way to surprise me. You look pretty."

"l know." Para itago ang pamumula ng mukha ay sinakyan ko na lang siya.

"A pretty boy." Dugtong niya. Napawi ang ngiti ko. I threw my hands over my chest and raised a brow at him.

"Masyado kang kumportable na pikunin ako."

He blunt a sexy laugh, "Nagkaboyfriend ka na ba?" His jawline moved to supress laughter.

"Hindi pa."

"How about a girlfriend?" Malakas siyang natawa pagkatapos non. Kumunot na ang noo ko ng husto.

"Kung ipagpapatuloy mo yan, hindi na kita sasamahan." Matabang kong sabi.

Naiwan na lang ang masayang ngiti niya sa labi at mabagal na nag-lakad papalapit sa akin. Humawak siya sa magkabilang Siko ko. My arms looks small in his hands. His caramel eyes gently gazed at me.

"Wala ka bang salamin kanina?"

"Kung punchline ulit yan, Boss Pogi—"

 "Maganda ka nga, totoo."

For a split second, naiwan lang akong nakatunganga sa mukha niyang nakangiti din ang mga mata. It is eas) to see, maliit ang mga mata niya. Kaunting pagkilos lang ay hindi maitatago non ang bawat nararamdamar niya. Ang puso ko ay biglang bumilis ang pag-tibok, bumangon pati ang maliit na paru-paro sa tiyan.

Wala sa sariling sinampal ko ang mukha ko at napalakas iyon.

"Aray.."

"Hey." Inabot ni Jascha ang pinsgi ko at marahan iyonf hinaplos. "Bakit mo sinampal ang sarili mo?"

"Para akong mahihimatay." Pag-sasabi ko ng totoo. Tumawa muli si Jascha, "Kinikilig ang tawag diyan." Sumimangot ako. "Hindi ka pupwedeng pa-fall."

"Hindi naman ah."

"Wag kang lalapit. Do not underestimate your charm.

Bawal pa-yummy."

"Alright, alright. Noted."

Sa isang eleganteng mall kami nag-punta. Wala masyado pa din kaming maaga para sa 3'o clock screening ay inaya ako ni Jascha na mananghalian muna.

He opted for an Italian cuisine. The soft music and the lavender walls made the restaurant look dainty and romantic. Nag-tungo kami sa pinakasulok at natatakpan ng wall divison na gawa sa kahoy na nakalilok. Dahil siguro napansin niyang maraming mata ang napunta sa kanya nang dumating kami kaya bahagya siyang nailang. Kahit ako ay mapapatingin sa kanya kahit hindi ko kilala. He's obviously tall and lean, he's a magnet of attention even he's not asking for it. Idagdag pa na laman siya ng mga Business magazines na siya ang cover, nakita ko iyon sa Nemesis.

"Good afternoon, Sir and Ma'am, may I take your orders?"

Tumingin sa akin ang waitress na masiglang nakangiti at hindi na ako nag-paligoy ligoy pa, "Four cheese pizza and meatballs with spaghetti."

Pinanliitan ako ni Jascha ng mata, "Don't eat too much."

"Aww, nakakalungkot, tinitipid ako ng boyfriend ko." Lumabi ako, natawa ang waitress sa akin. "Do you know the calories—"

Tinakpan ko ang tainga ko, "Not interested." "And yet I watched your astronomy sh*ts."

Pinanliitan ko siya ng mga mata, "Sige makikinig ako kung ilan ang calories ng lahat ng kinakain ko pero hindi ibig sabihin non hindi ko kakainin. It is still up to me."

"Ang cute niyo naman PO." Di napigilan ng waitress na magkomento sa amin, "Ang saya niyo pong tingnan."

Nag-paste ako ng ngiti, "Ikaw pa lang ang nagsasabi niyan."

Napapailing si Jascha na ibinaba ang menu, "I'll have Chicken Kiev with Apples and walnuts salad. Thank you." "Ako pa pala, strawberry gelatto din."

"Cssandra."

"Pero gusto ko ng ice cream." Sumimangot ako.

"Fine, she'll have an ice cream." Napabuntong hininga siya doon sa waitress na matamis na ngumiti.

Nang dumating na ang mga pagkain namin, sinimulan ko ang pagkain ng gelatto.

"Did you know that desserts should come last?"

"Narinig ko nga. Pero kapag inuna ko ang ibang mga pagkain, mabubusog na ako at hindi na ako kakain nito. Hindi ko matitikman."

"Weird." Sumubo siya ng pagkain niya.

"May mga artista ba don sa screening?" Kinikilig na tanong ko.

"l warned you about not doing anything funny."

"Magpapapicture lang naman ako kay Papa P. Idol ko kasi yun!"

"Cassandra, I am warning you.." Lumiit ang mga mata niya. Napahagikgik ako sa paraan ng pagkapikon niya.

"Fine, ilang taon ka na lang?" 

"29. You?"

"22. Ang tanda mo na pala 'no?"

"Mukha ka lang palang matanda 'no?" He retorted. I wrinkled my nose and he chuckled.

"May mga kapatid ka?" I asked while chomping on fresh stawberries on my gelatto.

"Wala. Only son of Don Mallari the third and Aleana but I grew up with my Abuela, Dona Serafina a. You?"

"Isa lang ang kapatid ko, si Calista."

"Parents?" Ginulo ni Calista ang salad sa kanyang Plato.

"Dead."

Natigilan siya at nag-angat ng tingin. "l am sorry."

Umiling ako, "Don't be. Matagal na yon. Bus Accident papuntang Mountain Province. Simula non kaming dalawa na lang ng kakambal ko."

"You must been missing them badly."

Tumango ako, "Sabi ni Mama, kapag namamatay daw ang mga tao, ginagawa silang stars ni God kaya lang sa dami ng bituin sa langit, hindi ko alam kung saan sila ni Papa." Malungkot akong ngumiti, "Hindi ko pa nga nakikita ang lahat ng constellations."

Nakatitig lang sa akin si Jascha. I realized that I look stupid. "Mukhang tanga 'no. Of course they will be Angels, not stars." Pinagtawanan ko ang sarili pero walang kangiti ngiti si Jascha na nakatitig sa akin.

"You can believe whatever you want to believe, Cassandra.

No one has came back from death after all."

Tumango ako. Kahit naman masungit si Jascha ay madami talagang puntos ang sinasabi niya. He's also sensitive enough to acknowledge my beliefs, ilang beses na ba akong pinagtawanan dahil naniniwala akong naging bituin sila Mama, kahit si Calista ay pinagtatawanan lang ako.

Pagkatapos naming kumain at mag-discuss ng basic personal information ay nag-lakad na kami patungo sa cinema. Naramdaman ko ang pag-hawak ni Jascha sa kamay ko, hindi na ako tumutol doon.

Pumasok kami sa madilim na bahagi ng mall, natanawan ko na ang isang parte doon kung saan merong naka-set up na red carpet at mga maliliwanag na ilaw. Formal guys in suits and women in dresses walked around small cocktail tables set up in front. Marami ding foreigner doon.

Napalingon kami sa tumawag kay Jascha na mula doon sa bahagi ng mga lamesa. A tall, gorgeous man with a pair of deep-set faded brown eyes walked beaming at us. He's wearing a dark blue polo and jeans. Ang kanyang mga braso ay halos mag-siksikan doon sa manggas ng suot niyang shirt. His skin tone is a washed out tan. Dios Mio Marimar He's the telenovela hero type!

"Ashton!" Ngumiti ang katabi ko. They high-fived and pulled each other to a man's hug and now, there's Jascha, the supporting lead of the Telenovela. "l haven't seen you in Cyrus' engagement party."

"That is why I am here. Yesterday was my cousin's wedding, remember Joaquin?" Ngumiti si Ashton at nabuo ang paniniwala kong mas nababagay siya sa Hollywood kaysa dito sa local cinema. Baka sakaling meron nang sumunod sa yapak ni Cesar Montano na Pilipinong nag-bida sa isang Hollywood Film. Si Jascha naman ay papasa bilang side-kick niya, yung tatamaan ng bala imbes na ang bida.

"Yeah, tied the knot already, huh? By the way," hinila ako ni Jascha papalapit sa kanya, "This is my girlfriend, Cassandra. And Cassandra, this is Ashton, he's a good friend and a business partner."

My eyes went dreamy until I felt a nudge on my ribcage. Ngumiti akong mabuti at inilahad ang kamay kay Ashton.

"Hi, nice to meet you!" Pinigilan ko ang sobra sobrang

pag-hanga. Para akong mauubusan ng oxygen nang maglapat ang aming kamay. Mabait na ngumiti sa akin ang lalaki. And that's it, I am smitten.

"Love?" Malambing na tawag sa akin ni Jascha, nagangat ako ng tingin sa kanya at pinanliitan ako ng mga mata. "Umayos ka." He mouthed on my forehead.

Nagkaroon ng maliit na ingay. Napalingon kami doon sa mock up stage na katabi ng entrada ng cinema, nagflash doon ang mga camera ng mga palagay ko ay mula sa media nang may dumating na mga foreign looking na cast ng pelikula. May mga katanungang ibinuhos na magiliw na isinagot ng mga artista. Nang umalis ang mga foreigners doon ay napalitan iyon ng pamilyar na babae. Ang dahilan kung bakit kami narito ngayon.

Mabibigat ang tingin ni Jascha na dumako doon. Hindi pa din maitatanggi ang pag-hanga sa paraan ng kanyang pag-lunok. She's rocking a small red tube dress and her signature red lipstick. Masaya siyang nakikipag-usap sa press habang magkakabit ang mga braso nila ni Cyrus. Napatingin ako kay Jascha at kitang kita ko ang lungkot niya.

'Uy, si Jascha yan, hindi ba?'

Napalingon ako doon sa nag-salita. Isang malaki ang tyan na lalaki ang lumapit sa aming direksyon, nakasunod sa kanya ang isang cameraman.

"Jascha, we don't expect you to be here! What do you feel about the success of your ex-girlfriend?"

Tanong sa kanya ng lalaki. Napaatras si Jascha pero marahan kong pinisil ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at tumango ako.

"1m happy for her. She's always been a friend." Ngumiti ng tipid si Jasscha at hinila ang kamay ko. Humakbang kami ng isa pero muli kaming hinarang ng reporter na merong lapel microphone sa kamay. Mas itinutok niya pa iyon ka Jascha.

"But you were the bridge of her success right? Because of her local exposure, napansin siya sa Hollywood scene."

"You know what, Gwen is really a talented lady, so wherever she is right now, it's all because of her hardwork. Thank you." Mas naging malalaki ang hakbang ni Jascha na hinihila ako papalayo pero parang gagamba sa bilis ang reporter nang maharang kaming muli sa ikatlong pagkakataon.

"And who is she?" Nakataas pa ang kilay ng chismosong reporter na nakatitig sa magkahawak naming mga kamay.

Humugot muna ng malalim na hinga si Jascha bago sumagot, "My girlfriend."

Nalaglag ang panga at nakapormang "O" ang bibig nang reporter sa narinig na kumpirmasyon galing kay Jascha.

 "MAY GIRLFRIEND NA Sl JASCHA?" Sigaw niya na siya namang nakatawag ng pansin ng mga reporters, tumakbo sila papalapit sa amin at wala na halos natira sa pwesto ni Gwen at Cyrus. Sunod sunod ang pagclick sa aming dalawa kaya yumuko ako at nagtago sa likod ni Jascha.

"Wah—Wait, she is a very private person and we are not here to talk about my lovelife, right? So just let her be. I am not a celebrity too." Tatawa tawang harang ni Jascha sa mga reporters. It seems nothing, he's so natural and happy, samantalang ako ay binalot ng hiya sa katawan.

"What's so special about her?" Tanong ng isang babae mula sa lupon ng mga press.

"Special?" Inakbayan ako ni Jascha pagkatapos ay ikinulong sa mahigpit na yakap, itinago ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Everything. This girl is a mix of everything."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status