Share

CHAPTER 11

Limang buwan na ang lumipas halos lahat ng trabaho ni Ciara ay gamay na ni Loisa, kung minsan meron pa rin namang mga araw na nakakatikim pa rin sila ng galit mula sa kanilang boss na lalaki. Kahit kinakabahan pa rin ay pinipilit ni Loisa na maging maayos ang bawat resulta ng kanyang trabaho.

“Miss Loisa kamusta nga pala ang lunch meeting ninyo ni sir Steve kay Miss Crystal Lacuesta kahapon?”Usisa ni Ciara sa kasama.

“Ayon parang ewan, hindi naman ata ‘yon mahalaga palagay ko rason lang ‘yon ng babae para makita ang boss natin,”wala sa loob na sabi ni Loisa.

“Ganon bah, huhulaan ko napapa-cute lang ang ginawa don ni Crystal ano?”natatawang sabi nito sa kausap.

“Sinabi mo pa,”matamlay na wika nito kay Ciara.

“Teka kanina ko pa napapansin may problema ka ba Miss Loisa?”Puna ni Ciara dito.

“Ha, ah e, wala ito Miss Ciara, siguro napagod lang ako,”pagsisinungaling ni Loisa sa kasamahang sekretarya.

“Ganon ba, kung gusto mo lumiban ka muna ngayong araw tatawagan ko lang sila Ma’am at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status