Share

CHAPTER 27

Akmang tutulungan na sana ni Loisa si Ciarang magligpit ng mga gamit nito ng sinaway siya ng huli.

“Ano ka ba Loisa, ako ng bahala sa mga gamit mo,”sabi ni Ciara.

Napagkasunduan nilang pareho na hindi na masyadong maging pormal ang kanilang tawagan sabagay magkaibigan na rin naman daw ang kanilang turingan. Ngunit kapag nasa kanilang opisina sisiguraduhin na lamang raw nila na i-a-address ng tama ang co-worker na naaayon sa polisiya ng kumpanya.

“Humiga ka na lang muna diyan pwede, habang hinhintay natin ang pagdating ni sir Steve,”dagdag pa nitong sabi.

“Nakakahiya na kasi sa iyo, Ciara ang laki na ng naitulong mo sa akin,”

Matapos kasi ang halos kalahating buwan niyang pananatili sa ospital ay sa wakas pinayagan na rin siya ng kanyang doktor na umuwi na sa kanilang bahay.

Meron pa rin namang gamutang mangyayari sabi ng kanyang doktor ngunit pwede na rin naman itong gawin sa bahay ang importante hindi makakaligtaang inumin ang mga gamot upang mas mapadali pa ang paghilom ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status