Share

CHAPTER 44

“Wow! Ang ganda naman dito Noel,”bulalas ni Ciara.

Kahit ang tatlo pa niyang kasamahan ay sobrang natutuwa sa magandang tanawing kanilang nakikita.

“Sulit ang pagod sa mahabang byahe, hindi mo kami binigo Noel,”masayang sabi ni Loisa.

“Ako pa ba, Lois kelan ko pa kayo binigo?” Nakangiting sabi ni Noel sa kaibigan at dating kaeskweka.

“Sabagay,”nakangiting sabi ni Loisa habang nakapalibot sa kapaligiran ang kanyang mga mata.

Sino ba naman ang hindi matutuwa sa nakikita na animoy isang nakatagong paraiso ang kanilang napuntahan.

Sa bukana pa lang ng bahay bakasyunan nina Noel makikita na ang mga nagtataasang puno ng niyog na hitik sa bunga. Meron ring mga iba't-ibang naglalakihang puno na siyang nagbibigay lilim mula sa mainit na sikat ng araw.

Kay lamig ng simoy ng hangin, masasabi talagang birhin ang lugar. Hindi mababanaag ang pag-abuso sa kalikasan bagkus inalagaan at pinaganda pa itong lalo.

Kulay asul ang dagat na natatanaw maliban sa isang malaking swimming pool na naroroon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status