"HINDI mo ba siya hahabulin?" Tanong ko bago ko pa mapigilan.Napatingin siya sa akin gamit ang mga matang nagtatanong kung siya ba ang kinakausap ko.Sa titig niya pa lang ay natutunaw na ang binti ko. Masyadong mabigat ang mga titig niya. Dagdagan pa ng kilay niyang madilim at panga niyang perpekto, pakiramdam ko ay may nag materialize na international model sa harap ko. Kasalanan yata ang ganito ka gwapong Ialaki."Give me one good reason why I should." Humilig ulit siya sa swivel chair niya at inikot niya iyong ng bahagya."Para mag apologize." Sabi ko. Shit! Dapat ay hindi ko na binuksan ang bibig ko! "Kasi... hindi yata kayo nagka intindihan. Akala niya kayo tapos ayaw mo pala.'Tumawa siya. "Alam niya 'yan. She's just obsessed with drama. Well, girls like drama. Simula akala mo game sila pero sa huli manunumbat kung bakit hindi seseryosohin. Bakit seseryosohin kung sa simula pa lang ay game na sila sa laro?" Iling niya.Mas lalo kong di napigilan ang sarili ko. 'Alam mo pala na
SIGURADO akong nagkamali lang si Lance sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong kumin ng lunch ngayon. Empleyado niya lang ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho."Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka-puting v-neck t-shirt na lang siya ngayon. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue."Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Anong plano mo sa akin, Sir. Tatanggalin mo ba ako?""Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig d
NGUMUSO siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Elisia, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito! "Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles. Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya. Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako. "Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig. Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?" "Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera." Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko! "Ano
GUSTO kong isipin na paranoid lang si Bea at masyado lang siyang nadadala sa kanyang pananaw. Pero naiisip ko rin na bakit ko iisipin na paranoid si Bea kung ako mismo ay ganon rin ang pananaw. Gusto kong maniwala na mali ang iniisip ni Bea tungkol kay Lance pero naiirita lang ako sa sarili ko dahil umaasa ako kahit alam kong dapat ay hindi.Mabuti na lang at sa sumunod na araw ay naging busy si Lance sa mga board meeting at kung anu-ano pa. Kung hindi siya pagod ay marami siyang kausap kaya naging mabilis ang mga araw sa akin."670 Pesos ang Semester." Sagot ng Cashier sa isang eskwelahang binisita ko nang nag Biyernes.Pumuslit pa ako para lang makapunta dito at mabilis naman akong bumalik para hindi mag reklamo si Mrs. Chiu sa kawalan ko. Mabuti na lang at nandun si Bea, pinagtatakpan ako nang sa ganon ay hindi mapagalitan."Naku, ganon po ba?"Papauwi ako nang nag isip kung paano ko pagkakasyahin ang perang makukuha sa pagtitinda Biyernes at Sabado. Maghahanap ako ng bedspace sa h
SA MGA huling sinabi niya, naramdaman ko ulit ang agwat ng mundo naming dalawa. Tama si Bea, kahit kailan ay hindi magiging magkapareho ang mundo naming dalawa.Matayog siya, mababa ako. Hibang na ako kung iisipin kong posible ang mga bagay na iyon dahil lang sa mga ipinapakita sa TV."Elisia," Nagulat ako nang napadpad si Mrs. Chiu sa Lounge.Madalas kasi siyang busy sa mga payroll ng mga crew at kung anu-ano pang mga bagay sa kanyang trabaho. Ang makita siya sa 15 floor ay nakakagulat. Mabilis na tumatayo ang mga nakaupo sa sofa sa takot na masabihan ni Mrs. Chiu na walang ginagawa."PO?" Tumayo rin ako sa gulat na nandito siya,"Ang sabi ng secretary ni Mr. Coleman maaga daw siya uuwi ngayon. Baka wala na siya by seven." Ngiti ni Mrs. Chiu sabay ayos sa kanyang salamin.Tumango ako.Nilagpasan niya ako para kausapin ang isang Ialaking crew din na ani Bea ay palaging nag Ii-leave nitong mga nakaraang araw. Sinundan ko siya ng tingin. Natigil lang ako nang sikuhin ako ni Bea."30 Mi
INTERESADO si Bea sa anyaya ni Roble sa amin. Siya na mismo ang kumuha ng address ng bahay na pupuntahan namin kahit na mukha siyang windang habang kinakausap si Roble. 'May boyfriend ka na Bea!" Paalala ko sa kanya nang nanginginig ang kamay niya habang binabasa iyong sinulatan ni Roble ng address."Oo, meron, pero hindi ibig sabihin na hindi na ako pwedeng pumunta sa party, Elisia. Ang saya kaya nito atsaka minsan lang tayo maimbitahan sa party-ing pang mayaman!"Ngumiwi ako. "Kaya nga ayaw kong pumunta. Magmumukha tayong yaya don!" Sabi ko."Ano ka?" Napatingin siya sakin. "Hahayaan ko ba 'yon? Syempre hindi pwedeng mangyari satin 'yon! Tsaka hindi tayo magtatagal. Kung ala una tayo matapos bukas edi magbibihis tayo ng damit tapos diretso na tayo sa party."Marami pa siyang sinabing plano tungkol sa party. Panay naman ang ngiwi ko dahil ayaw kong pumunta. Lahat ng alibi ay sinabi ko na sa kanya para lang hindi ako makapunta."Wala akong dress." Sabi ko,"Ako meron." Aniya."Edi ik
IRITADO ako sa lahat. Sa pagsulpot ni Lance, sa babaeng nang mamaliit sa akin, sa lahat ng mga nakatingin sa akin ngayon Nakakahiya."Bitiwan mo ako." Nabuo ko pa ang mga salitang iyan sa gitna ng paghatak niya sa akin.Parang wala siyang narinig nang hinatak niya ako papasok sa loob ng bahay. Nakita ko na sinundan kami ng tingin ni Roble habang naka upo siya sa sofa. Natigil lang si Lance sa paglalakad nang may humarang na babae sa amin."Lance, sino 'yang kasama mo?" Napangiwi ang babae sa akin.Itinago ko ang takong sa likod ko. Inayos ko rin ang tayo ko pero nakita niya parin na nasira ang pumps ko. Amoy sigarilyo na sa loob ng living room ng bahay. Hindi lang iyon, abala pa ang mga tao sa pagsasayaw at masasabi kong mas grabe pa ang nangyayari dito kumpara sa nangyayari sa mga bar."Just my employee, Lea." Ani Lance.Humigpit ang hawak niya sa pulso ko. Napatingin ako sa pagngiwi ni Lea sa akin. Just. My. Employee. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko lang maiwasang hindi makar
"IBABA mo na ako." Sabi ko ngunit parang wala siyang narinig.Gamit ang kamay niyang nakahawak sa binti ko ay binuksan niya ang pintuan ng isang maliwanag na kwarto. Nagulat ako nang nakita ko ang laman ng kwartong iyon. Puno iyon ng mga equipments na madalas ay makikita mo sa isang gym May treadmill kami sa bahay namin noon ni mama kaya alam kong mukhang gym ito sa parte ng bahay ni Lance. lilang equipment ang nakalatag sa gilid.Binaba niya ako sa ring ng boxing. Umamba akong tatayo pero hindi ko nagawa dahil lumuhod siya at hinubad niya ang sira kong pumps. Ngayong naliwanagan na ang pumps na iyon ay nakita ko na halos mag fade na ang kulay nito. Wala na iyon sa magandang kundisyon. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko parin iyong suotin kahit na hindi na pala non kaya ang isa pang gabi.Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood ko ang pagtabi niya ng pumps sa gilid ng ring. Umayos ako sa pag upo nang tumayo siya ngunit naramdaman ko sa likod at ulo ko ang lubid na nakapalibot sa b