Share

Chapter 6

PARANG mga ibong pinakawalan sa hawla kami nang lumabas sa van. Mabilis na pumunta iyong mga kasama ko sa kaliwang banda ng square. Hinila naman ako ni Bea sa kanan,

"Bea, wala ka bang-"

"Sir, bili po kayo ng cigar?" Malambing na ngiti ni Bea sa isang matandang naninigarilyo.

Napalunok ako at napagtanto kong kailangan ko siyang gayahin. Nakatayo lang ako doon, naeestatwang pinapanood si Bea.

"Hi miss, nagbibenta ka ng sigarilyo?" May lalaking lumapit sa akin.

Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin. Kasing edad ko at amoy mayaman. Tumango agad ako at ipinakita sa kanya ang mga sigarilyo.

"Isang tens." Ngumiti ang chinito sa akin.

Tumango agad ako at binigyan siya non. Sinigurado kong nakapagbayad siya. Susuklian ko na sana pero umiling siya.

"Keep the change." Malutong niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang kauna unahan kong tip!

Sumunod din ang mga kasama nong lalaki sa pagbili ng sigarilyo. Marami akong naibenta sa banda roon at dalawang tao ang nag tip sa akin. Hindi naman pala ganon ka sama ang trabahong ito. Siguro ay masyado ko lang iniisip na delikado ito dahil sa mga Iasing at nambabastos na lalaki.

Malaki ang ngiti ko pagkapasok sa van pagkalipas ng trenta minutos, Tahimik lang ang ibang babae na para bang hindi nila kilala ang isa't isa, Naiisipan ko tuloy kung nagkakakilala ba ang mga ito,

"Bea, wala ka bang friends sa kanila?'i Tanong ko nang nag alas dyes na at naka ilang bars na kami.

Umiling si Bea. "Crab Mentality." Paliwanag niya. "Ayaw nilang magkaroon ng friends. Minsan." Tinuro niya ang pinaka mestiza at pinaka matangkad sa amin. "Ayan si ylona. Kaibigan ko 'yan. Classmate kami niyang noong high school. Tapos naging buddy kami. Palagi kaming magkasama pero isang gabi lang, mas marami akong naibenta kumpara sa kanya ay nagalit agad sa akin."

Tumango ako habang tinitingnan ang nag reretouch na si Ylona. Ang ganda ni Ylona. Maganda si Bea pero mas natural na maganda si Ylona. Naabutan niya akong nakatitig sa kanya kaya tinitigan niya agad ako pabalik. Ngumiti ako ngunit umismid lang siya sa akin. Bumaling ako kay Bea na hanggang ngayon ay nagsasalita pa.

"Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit, e, pareho lang naman iyon. Kahit pa lima lang ang naibenta mo buong gabi, isang Iibo parin naman ang ibibigay ni ma'am. Ewan ko ba? May malaking topak 'yang si Ylona." Iling niya.

Napatingin siya sa labas at kuminang ang kanyang mga mata nang nakarating kami sa mas malaking square kung saan napakaraming bar. Kitang-kita ko ang mga artipisyal na coconut tree sa bawat gutter bilang palamuti sa buong square. Retouch agad ang ginawa ng iba. Ganon din si Bea. Dahil wala akong make up ay tumunganga lang ako.

"Ito ang isa sa may mga pinaka mahal na bar sa buong lugar. Madalas alas dyes o alas onse tayo dinadala ni Ma'am dito dahil sa mga oras na 'yan hindi pa ganoong lasing ang mga tao at nakakabili pa ng maayos." Paliwanag ni Bea habang pinupulahan ulit ang kanyang labi.

Tumango ako at nilagyan niya rin ako ng lipstick tsaka tinampal sa kabilang pisngi.

"Sigurado akong marami kang tip dito. Bago at maganda."

Kumindat siya sa akin at hinila niya na ako palabas ng van.

Pagkalabas namin ay napatunayan ko kaagad na tama si Bea. Mayayaman nga ang narito. Kasabay naming pumasok sa isang bar ang iilang artista. May artistang bumili sa akin at dumami agad ang tip ko.

"Elisia, don ka, dito ako? Isanq oras pa Ianq naman. Tapos after 5 minutes, kita ulit tayo dito. Lipat tayo sa kabilang bar."

Tumango ako at nagtungo na sa kabilang banda ng bar.

"Sir, sigarilyo po?" Sabi ko.

"Yup. Isang tens." Anang isang lalaki sa akin

Ngumiti ako. Natigil siya sa mukha ko at sinuklian niya rin ang ngiti. "What's your name?"

"Elisia." Ngiti ko ulit.

Tumango siya. "Thank you, Elisia. Ganito ba talaga ang trabaho mo?" Aniya kahit na nahihirapan akong dinggin siya dahil sa maingay na music.

Nag taas siya ng kilay at kitang kita ko ang mga tattoo sa kanyang braso.

"First time ko pa po ito." Paliwanag ko.

Tumango siya. "That's why. Madalas kasi mas aggressive ang mga lumalapit na girls sa akin." Ngiti niya.

Pagkatapos ng limang minuto ay lumipat kami ni Bea sa kabilang bar na mas maraming tao at mukhang mas sosyal. Labing limang minuto daw ang time limit, ani Bea.

Mas naging agresibo ako para mas makabenta at mas madami ang tip. Napapa headbang ako sa lakas ng music ng buong bar at sa ingay ng mga tao sa dancefloor. Nasiko pa nga ako nang dumaan ako sa gilid kaya pinili kong dumaan sa mga table at sofa.

Sa isang table ay may nakita akong nag s-smoke kaya nilapitan ko kaagad iyon.

"Excuse me sir. Wanna buy a stick?" Ginaya ko ang sinabi ng isang kasama ko kanina.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung kaninong table ako napunta. May apat na Ialaki ang naroon at may tatlong babae. Pinasadahan ni Vince ng kanyang daliri ang kanyang mahabang buhok at tumingin sa akin.

"Elisia?" Nanlalaking mata ni Vince.

"Good evening, Sir Vince." Ngiti ko sa kanya.

Napatingin siya kay Roble at kay Lance. Si Roble ay nakatingin sa akin habang hinahawakan ang kanyang labi, sinusuri ako.

"Nagtatrabaho ka sa gabi? Dito?" Tanong ni Vince.

"Oo, e. Part time. Do you smoke po?" Tanong ko.

"Tens, gold." Ani Vincw sabay abot sa akin ng sobra pa sa halaga ng sigarilyo.

Uminit ang pisngi ko. Okay lang makatanggap ng tip sa ibang tao pero ang makatanggap ng tip sa kakilala ay hindi ko maatim. Kumuha ako ng tamang sukli at binigay ko kay Vince. Agad niyang hinawi iyon.

"Ipakilala mo naman ako sa kanya, Vince. Co model?" Nag taas ng kilay ang isang Ialaki sa kabilang sofa, ang pang apat sa kanilang tatlo.

"Uhm, no. She works for Lance." Paliwanag ni Vince.

Napatingin ang Ialaking nakanganga kay Lance. Nilingon ko si Lance na ngayon ay nag iiwas ng tingin at kinakausap ng isang sikat na modelo.

Klnagat ko ang labi ko at inisip kung iyon kaya 'yong kasama niya sa office? Hindi ko kayang tingnan. Maiisip ko iyon lahat pag nakita ko silang dalawa.

"Janitress, David." Ani Roble habang abala ang kanyang kamay sa pag himas sa thighs ng babaeng katabi.

"Oh?" Napangiwi ang Ialaki. "Too hot for a janitress. What's your name? Wala kasing nag iintroduce. Well, you can't expect Lance to introduce his employees."

"Elisia po." Ngiti ko.

"What a nice namn, huh. Gold, tens, please?" Ngumiti siya. "I'm David."

Naglahad si David ng kamay at kasama doon ang perang ipambibili niya ng sigarilyo. Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay. Hindi siya agad bumitiw. Tumitig pa siya at hinaplos nivanq mabuti ang kamay ko.

"David." Masungit na sinabi ng mestizang babae sa kanyang tabi. "Sorry, Ynah." Halakhak ni David at bumalik ulit sa kanyang pag upo, hindi parin ako tinatantanan sa tingin.

Sinuklian ko rin si David, ngunit hindi niya tinanggap. Gusto ko ng umalis dito pero ayaw kong maging bastos.

"Ikaw, Sir Roble?" Tanong ko.

"Pass.'" Aniya habang sinusubuan na ng lemon nitong babaeng katabi niya.

Tumango ako at bumaling kay Lance. "Ikaw, Sir?" Kinagat ko ang labi ko.

Suminghap siya at kumuha ng pera sa kanyang wallet nang hindi ako tinitingnan. So... naninigarilyo siya.

"Tens, black." Umigting ang panga niya.

Mabilis kong kinuha ang gusto niya. Sumulyap ako sa morenang babaeng kasama. Kilala ko talaga ito. Model talaga ito, e. lyong madalas sa TV at sa mga billboard. Sigurado ako don. Ang umaalon niyang buhok ay kumukulot dahil sa kanyang paglalaro at ang pulang labi ay nakanguso na para bang naiinip dahil may kausap na iba si Lance kahit sandali lang naman 'to.

Binigay ni Lance ang kanyang pera at nakita kong kulay yellow ito, iba sa madalas kong tinatanggap na kulay violet. Nangapa agad ako ng sukli. Sigurado akong hindi ito keep the change!

"Sukli po." Sabi ko sabay lahad ng pera sa kanyang harap.

"Keep the change." Malamig niyang sinabi.

May nagsasabl sa akin na mali na tanggapin ko ang tip na galing sa kanya pero weird naman kung hindi kaya tahimik ko iyong nilagay sa bag ko.

"Thanks." Sabi ko.

Tinapunan niya ako ng tingin. Kumalabog ang puso ko sa titig niya. Shit! Ang lakas naman! Pakiramdam ko ay naririnig niya na kinakabahan ako sa titig niya.

"Alis na ako." Sabi ko sa kanilang lahat pero hindi ko naalis ang tingin ko kay Lance.

Nagtaas siya ng kilay sa titig ko sa kanya.

"Lance..." tawag ng kanyang katabi. Hinawakan pa ng babae ang pisngi ni Lance para lang maiharap niya ulit si Lance sa kanya.

Tumugon si Lance doon kaya naglakad na ako palayo. Pero hindi ko maiwasan ang tumingin pabalik sa table nila. Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang unti unting pagbaling ni Lance sa akin, ang magandang kilay ay nakakunot.

Nag iwas agad ako ng tingin at mariing pumikit. Ano ba itong ginagawa ko? Dahan dahan ulit akong tumingin sa kanya at nakita kong hindi parin siya bumibitaw sa titig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status