Share

Chapter 49

KANINA pa nag-aabang si Kris sa clearing, ang bahagi ng lupain ni Leoncia na nilapagan din ng helicopter noong unang ihatid si Zion. Tumawag ang anak at sinabing pauwi na at na ihahatid ito ng chopper.

Nakalilito sa kanya ang ikalawang pagkakataong inihahatid ang anak niya ng helicopter. Anguna'y may dahilan at napakabait ng mga Samonte upang ihatid si Zion nang nasa ospital si Philip.

Subalit sa ikalawang pagkakataon?

Hindi niya maunawaan kung bakit, pero hindi niya maiwasan ang kabahan. Kanina pa parang binabayo ang dibdib niya na hindi mawari.

Nang matuon ang pansin niya sa ere. whack... whack...

Krid squinted her eyes, tumingala sa kalangitan. She saw the chopper. Nakahinga siya nang maluwag. Umikot ito nang ilang beses sa ere bago unti-unting bumaba. It descended smoothly onto the clearing. Umaalimbukay ang mumunting damo sa malakas na hanging dala ng pag-ikot ng rotors.

Ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan. Hindi naman niya gustong salubungin si Zion na para bang matagal sila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status