Share

21

"Don't ask me, okay? I don't even know what the hell is happening," Via declared as I looked at her, confused.

Nasa coffee shop kami ngayon. Kanina ay kami lang tatlo nila Canary pero biglang dumating si Leif at Lake na nagtatawanan habang nagkukuwentuhan habang palapit sa table namin.

Last time I checked, they were not okay.  Parehas ko nga silang hindi nakikita. Anong nangyari? Ano ang nangyayari?

"I invited them," Canary whispered. Bahagya siyang ngumiti nang makalapit na ang dalawa.

Tumikhim si Lake bago nagsalita. "It's been a while, my princess," aniya at nag-bow pa siya sa harap ni Canary. Natawa lang ito.

"Anong milagro ang nangyari? Bakit bati na kayo?" nalilitong tanong ni Via.

"Nag-away ba kami?" tanong ni Lake at umupo sa tabi niya. Si Leif ang umupo sa tabi ni Canary.

Via rolled her eyes. "Whatever. And Canary, you invited them? Ililibre mo sila?"

Inayos ni Canary ang bangs niya. "Sayang ang pera mo kung hindi mo gagastusin. I also want carrot cake, if you don't mind."

Muling napairap si Via. "Kung wala ka lang talagang silbi sa buhay ko, kanina pa kita sinakal."

"Then pay my food. Yun lang ang silbi mo sa buhay ko. Para hindi kita sakalin."

Natawa ako sa sagot na iyon ni Canary. Somehow, mas okay ang ganitong ambiance ng pagkakaibigan namin. It's not them kung hindi sila nagsasagutan.

They called the waiter and told them their order. Parehas kami ni Leif na brewed coffee lang ang iinumin. Bahagya akong napangiti nang sabihin niyang hindi siya puwede masyado sa may gatas. Parehas kami na may lactose intolerance, pero hindi ko na iyon binanggit.

"So, ano ang mayroon ngayon?" tanong ni Via. Hindi rin siya siguro mapakali kung bakit magkakasama kaming lima.

"I have a project and I need four people," Canary answered. "You know I won't waste time without doing something relevant."

"Wow ha. So I made bayad sa pameryenda mo while doing your project?" Via whined.

"You're not as dumb as I thought." Nilingon ako ni Canary. "Partner ang kailangan ko kaya... you and Leif then Via and Lake."

Napainom ako ng kape bago ako magsalita. I tried my best to act normal as much as possible. "Anong project?"

"It's about rewards and recognition. You just have to answer stuff," sagot niya at inilabas ang dalawang folder. Iniabot niya iyon sa dalawang lalake. Pagkatapos ay nag-focus siya kay Lake. "Since Via can't surely answer some, pangalan niya na lang ang gagamitin ko. Ako na lang ang partner mo."

Lake gulped while holding the folder. "You mean, we're going to talk about this? Me and you? Us?"

"Kung ayaw mo, I can answer it my own," ani Canary at akmang kukunin pabalik ang folder.

"No no no!" marahas na tanggi ni Lake. "We will answer this together... forever."

"I should be grateful you didn't include me sa ganyang bagay. But how can I help?" tanong ni Via. Kahit pa anong inis niya kay Canary ay nangingibabaw ang kabaitan niya dito.

"You just helped me feeding the people I need," Canary answered. "I hate you but I really need your money sometimes."

Tumango si Via. "Same. I hate you the most but I need you brain---"

"Always. Not sometimes," putol ni Canary. Bigla itong tumawa.

Titig na titig si Lake dito na parang ngayon lang nakakita ng babaeng tumatawa. Si Leif ay nakangiti lang. Nagtama ang paningin namin. Nginitian niya ako kaya gumanti rin ako ng ngiti.

"I have to go," paalam ni Canary habang tumatayo. "May scheduled interview pa kasi ako para sa bago kong sideline. Hindi ako puwedeng ma-late."

Tumayo rin si Lake. "Ihahatid na kita. Wala naman akong class na."

"No. It's okay. I can commute."

"Aalis na rin ako. Nag-text ang manager ko," ani Via at binitbit na ang bag. "Makikita nyo na naman ang pagmumukha ko sa EDSA." Iyon lang at umalis na siya.

Aalis na rin si Canary pero muling nagsalita si Lake. "Canary, I insist."

Nangibitbalikat ito. "Kung ihahatid mo lang din ako, hintayin mo na rin ako matapos."

Parang asong ulol na napangiti si Lake. "Just that? No biggie." At sabay silang lumabas ng coffee shop.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Sa wakas ay nakuha na ni Lake ang pagpansin na inaaasam asam niya noon pa man.

"May gusto ka pa bang kainin?"

Nabura ang ngiti ko nang ma-realize kong kami na lang ni Leif ang naiwan sa table. Mabilis akong napatingin sa kanya. Kape na lang ang mayroon siya.

"No," sagot ko at umiling ako. "Uubusin ko lang 'tong cake. Bibilisan ko na."

Bahagya siyang natawa. "Why? Baka mabulunan ka."

"Baka isipin nila nagde-date tayo," diretso kong sagot. Gusto kong bawiin pero huli na. "I mean, you know, ayokong magkaroon ng hindi magandang balita tungkol sa 'yo."

"Is dating you a bad idea?" kunotnoo pero nakangiti niyang tanong. "Hihintayin na kitang matapos. Wala na rin naman akong klase."

Tumango na lang ako at inunti-unti ang kain ng cake na order ko.

Binuklat-buklat ni Leif ang laman ng folder na binigay ni Canary. Nagdikit ang kilay niya pero natawa rin siya. Napapailing siya habang magbabasa.

"Why? Imposible ba ang mga nakasulat?" hindi ko napigilang usisa. Ayokong magmukhang walang alam sa harap ni Leif.

"No," sagot niya. Ibinaba niya ang folder sa mesa at uminom ng kape. "We can talk about this during our breaks."

Tumango na lang ako. Somehow, unti- unti na akong nakokomportable with him around.

"By the way, Alice," Leif said. "Thank you sa umbrella ha? The one you gave the day after I dropped you in your dorm. I actually used small bag before for my things, but since hindi kasya yung bigay mo, nag-backpack na ako. It's always in my bag."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status