Share

20

"She is dropping out."

Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Via at maamoy ang pabango niya. Tahimik akong nagbabasa sa cafeteria. It has been a week nang magsimula ulit ang pasukan.

"Hayaan na natin siya," malumanay kong sagot. I don't have to ask who is she talking about. Halata sa mukha niya na concern pa rin siya.

Via sat down and held my hands. "Alice, Canary is a good girl. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko pa rin siyang maging kaibigan. Something in her seems wrong but I know she's right with everything she says."

"Ganyan din naman ang iniisip ko. Kaso, baka lalo lang magulo ang buhay niya kapag um-extra pa tayo."

"But I need her brains. Nag-aaral naman akong mabuti pero kailangan ko talaga siya. Pasang awa lang yung grade ko sa isang subject last sem. You can't imagine the reaction of my dad. Muntik na mabawasan ang allowance ko!" reklamo ni Via.

Pinitik ko ang noo niya. "Alam mo, kaya nagagalit sayo si Canary, hindi ka marunong magtiyaga."

"Alice, believe me. Kahit anong gawin ko, kaunti lang ang kaya ng utak ko. Katulad niyan, may quiz na agad kami next week." Napangalumbaba siya at sumimangot. "Napakahirap ng subjects namin ngayong sem. Kung magiging nurse man ako, baka laging code blue ang pasyente ko."

"Bakit hindi mo sabihin sa parents mo ang gusto mo talaga? Malay mo, kapag kumuha ka ng education, bigla kang maging matalino," pahayag ko sa kanya.

Naaawa ako kay Via sa part na iyon dahil ayaw siyang hayaan na kunin ang gusto niyang course.

Tumawa siya. "Ano ako? Baliw? If I don't graduate and pass as a nurse, they will kick me from the family. Kahit may billboard ako sa lahat ng islands ng Philippines, walang kuwenta 'yon kung hindi ako magiging nurse."

"Why would they force you to do something you dont want?" kunotnoo kong tanong.

"That is something rich people believe. That if I don't become a nurse, mawawala sa limelight ang family namin sa medical field," seryosong sagot ni Via.

"What? Eh di mag-politics ka na lang. Since your Dad is a governor."

"My Dad told me I am too kind to be in politics. He said I will not survive in there. It's so ironic, right? Yung mababait nga ang ibinoboto ng mga tao."

"Because the sickest and the dirtiest people on earth can be found in politics," Canary butted in as she walked towards us. "Hindi ka puwede do'n kasi ayaw ng daddy mo na maging katulad ka niya. But he is willing to send you in hospitals, to kill patients with stupidity."

Sabay kaming napalingon ni Via at napasinghap sa nakita namin.

"I will let that pass kahit hanggang buto ang sama ng sinabi mo," seryosong sagot ni Via. "Why are you here? Are you gonna wave us goodbye?"

Bahagyang natawa si Canary. "Bakit? Mukha bang magpapakamatay na ako?"

"Are you really dropping out?" usisa ko.

Nagdikit ang mga kilay niya. Hinubad niya ang backpack at ipinatong iyon sa mesa. Umupo siya sa tabi ni Via na ikinagulat namin parehas.

"Dropping out? Who told you?" tanong niya sa akin. Nang magawi ang tingin niya kay Via ay tila may naisip siya. "You saw me at the admin office and assumed I'm dropping out."

Namula nang bahagya ang mukha ni Via. "Ang dami mo kasing dalang papel."

"Can't you be any dumber?" natatawang  tanong ni Canary. "Treat me lunch. Hindi pa ako nakain."

Parehas kaming natahimik ni Via. Saglitan kaming nagkatinginan. Si Canary ba talaga ang babaeng ito? The last time we were together and talking was a total disaster. And we expect that she would curse us to death.

"Nag-drugs ka ba?" paniniguro ni Via.

Inayos ni Canary ang bangs niya. "I can't afford to buy it. But if you will give me, I'll try."

"You are crazy," nanlalaki ang mga mata ni Via. Pero bigla siyang ngumiti at tumayo. "Ililibre ko kayong dalawa. Wait for me." Umalis siya at masayang umorder ng pagkain.

"What happened?" naguguluhan kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa inaasal niya ngayon. I don't know but I feel something wrong.

"Why? Can't I be friends with the two of you?" balik tanong niya at ngumiti siya. "I've realized having friends isn't bad at all."

Napangiti na lang ako. Baka masyado lang marumi ang utak ko. Mabilis nakabalik sa upuan si Via dala ang pagkain na ni-request ni Canary.

Parang walang nangyari sa amin noon. Parang matatagal na kaming magkakaibigan dahil biglang bigla ang pagbabago ni Canary. Ramdam kong awkward din para kay Via ang nangyayari pero mukhang mas gusto niya ang ganitong set up.

Hindi na namin na-brought up ang pagkamatay ng Mommy niya. Masyado kasing maselan ang topic na 'yon. Isa pa, baka kaya rin siya nagbago dahil baka hindi na niya kaya buhatin ang lahat ng dinadala niyang kalungkutan.

"Paano kaya ako papasa nito?" himutok ni Via habang kumakain ng ice cream. "Yung mga assignment ko at project, madali na yon kasi sa'yo ko na ipapagawa. Kaso yung quiz? Mas lalo kasing humirap."

"Paano ka ba mag-review?" tanong ni Canary.

"Believe me, kung mayroon mang award sa nagbabasa ng ilang beses before quiz, sa akin 'yon mapupunta," sagot ni Via. "My brain can't load that much."

"Try changing your perfume when reviewing," Canary answered. "I hate to say this but I really don't like your scent. You're like a walking vanilla cake na nakakasawa."

Maybe she can't change the way she tells fact in somebody's face. Trademark na niya iyon.

Nag-init ang mga tainga ni Via. "That's not me if I don't smell like vanilla."

"Just change your perfume when reviewing and use the same exact perfume on the day of the exam. That will help you remember things," pairap na sagot ni Canary. "By the way, puwede ko bang mahingi ang number ni Lake?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status