"Job?" kunwari ay nawiwirduhan kong tanong.
Nanlaki ang mga mata ni Via. Napahawak siya sa bibig niya. Batay sa ekspresyon niya ay nabigla siya sa pagtatanong sa akin.
"O-of course!" bawi ko. Kailangan makakalap ako ng impormasyon tungkol kay Canary. If Via is mum about the things I witnessed a while ago, kailangan ko iyon malaman kung bakit.
Tahimik pa rin si Via. I saw her clearing her throat.
"Depende sa ipapagawa ang rate ko. You see, unlike you, scholar ako dito. I have a family to feed," palusot ko sa kanya. I just prayed with the lies I made. Hindi ako pinabayaan kailanman ng mommy ko kahit pa hindi ganoon kayaman ang pamilya namin.
Nagliwanag ang awra ni Via. "Really? How much then? May project kasi ako sa anatomy. Bukas na ipapasa. Hindi niya kasi tinanggap 'yang project na 'yan kasi may gagawin daw siya mamayang gabi. She told me to give her five thousand if I really need it tomorrow."
Ako naman ang nagulat. "What?! Five thousand?! Ano'ng project ba 'yan?"
Via rolled her eyes. "I need to pass a thorough study about Parkinson's disease. Her usual rate for a hard project is two thousand, four thousand for a simple thesis. 'Yong mga normal na project and assignments ranging from two hundred to seven hundred lang."
I raised my hands to gesture her to pause. "Sandali. You mean, nagbabayad kayo ng ganyang halaga para lang sa assignment?"
Napakunot-noo si Via. "Why did you sound surprised? That's the service you offer. At least we can help you?"
"And why in the world you're so lazy in doing such? Sayang ang pera!" bulalas ko habang umiiling. Hindi ko ma-imagine na gagastos ako ng pera sa mga bagay na kaya ko namang pag-aralan. Lalo't libre naman ang internet sa university.
"Just be thankful you are smart. Hindi lahat ng tao biniyayaan ng talino at sipag. 'Yong iba, biniyayaan lang ng mayamang magulang," paliwanag ni Via. Ilang segundo ng katahimikan ang namayani.
Napabuntong-hininga ako. Kaya ba nagmamadali si Canary lagi? Kaya ba wala siyang oras para makipag-usap sa akin? Dahil wala naman siyang mapapalang pera sa akin?
"So. . . magkano ang rate mo? I badly need it tomorrow. Hindi ako puwedeng bumagsak. Hindi nasisilaw ang Daddy ko sa dami ng advertisement mayroon ako. He always looks at the side which I'm obviously not good at," nakangiti pero malungkot na pahayag ni Via. "I don't want to spend that much kasi may bibilhin akong importante."
Hindi ako makasagot. Paano ko ito lulusutan? Wala rin akong oras para gawin ang hinihiling niya dahil may kailangan akong tapusin mamayang gabi. Napalunok ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos.
"Do you want your identity to be a secret as well? Sanay na kaming mga kliyente ni Canary diyan. We are good at keeping mum about her service, kasi kami rin naman ang mapapahiya. Imagine, mailalagay sa diyaryo 'Anak ng Gobernador, hindi makapagsagot ng Assignment'. That's a no no! For some reason, mas gusto kita kasi nakikipag-usap ka. Canary has no cellphone! Imagine that? Sa e-mail lang kami nag-uusap. And she will never say a word kung hindi naman kailangan. She's always after the money envelope!"
Napakagat-labi ako. Gaano kaya katindi ang pinagdadaanan ni Canary financially? Libre naman ang lahat. Siguro, sinusuportahan niya ang pamilya niya. I erased my thoughts. Kailangan kong makalusot kay Via.
"As much as I want to help you, may sarili rin kasi akong project. Pasensya ka na," I apologized. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanya. Nang makabuwelo ako ay binilisan ko na ang lakad ko. Nabigla ako nang hinablot niya ang braso ko.
"You can't just ignore my request!" tila naiiritang wika ni Via. "Nagsisinungaling ka ba? Hindi ka ba bayaran?!"
"A-ano? Bayaran?" inis kong tanong at inalis ko ang kamay niya sa akin. "Bayaran? Is that what you really have to name the people who help you?"
Via crossed her arms. She looked so mad. "And what do you expect? You work for money! Canary called me a stupid rich brat! Kung 'di ko lang siya kailangan, matagal ko na siyang tiniris."
Somehow, gusto kong matawa pero pinigilan ko. Ganoon ba talaga ka-vocal si Canary sa mga tao sa paligid niya? She really doesn't know to sugarcoat her words. "Hindi ako katulad niya. Niloko lang kita."
Via was in shock. Nawala ang galit sa mukha niya, napalitan iyon ng takot. Tinalikuran ko siya. Pero nauna siyang maglakad sa akin at sinalubong ako. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Please don't tell anyone! Bibigyan kita ng isang designer bag ko. Huwag mo lang ipagkalat. Baka makarating sa Daddy ko!"
"Hindi ko gawain makialam sa buhay ng iba. Na-curious lang ako for some reason sa transaksyon mo kay Canary kasi may kailangan ako sa kanya. Hindi ko rin kailangan ng bag. Para lang akong hangin na walang narinig at nakita." I meant it. Wala akong mapapala kung guguluhin ko ang buhay niya.
"Seryoso ka na ba diyan? Because if you're gonna ruin the image I have and Dad finds out, I'm gonna leave the Earth earlier than destined," Via said. "Please, don't break what you said."
Marahan akong tumango. Bakas na bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala. I guess hindi rin lahat nakukuha ng mayayamang tao. May mga bagay pa rin na kailangan nilang ipakiusap. May mga bagay pa rin na hindi kayang tumbasan ng pera nila.
"I'm Via Lopez. Everybody calls me Daphne but special people in my life call me Via. You are free to call me Via," pakilala niya at inabot ang kamay niya sa akin. "Let's be friends because you discovered my secret. Hindi ko alam kung bakit parang nauto mo ako."
Natawa ako at inabot ko ang kamay niya. "Alice Dominguez." In span of two days, nagkaroon ako ng dalawang kakilala na mukhang hindi na maaalis sa buhay ko, Lake Suarez and Via Lopez.
"Paano na kaya ang anatomy project ko?" nanghihinang tanong ni Via.
An idea crossed my mind. "I think kaya ko naman gawin 'yan mamayang gabi. Hindi ko mape-perfect but I can assure you you'll pass. In exchange of one thing."
"What is it?"
Wala man lang bahid ng pagkabigla ang mukha ni Canary nang ako ang madatnan niya sa likod ng labas ng university. Bakanteng lote ito na madalas ay ginagawang parking area ng mga bisita ng Arturo University na walang free parking pass sa loob. It was like she is expecting to see me here. May hawak siyang folder, na sa tingin ko ay para sa akin. "I knew you were just playing on me. Pay me and I will forget about this," kalmado niyang pahayag. "Tapos ko na rin ang questionnaire para sa thesis mo. Andiyan na rin ang walang kuwentang assignment na pinasagutan mo." Inabot niya sa akin ang folder. Marahan ko iyong binuklat at ini-scan. I didn't feel offended at all. Gawa-gawa ko lang ang assignment na iyon. "This is the only way I can talk to you. I will fake the interview just like what you said but I need one more thing from you." Canary crossed her arms. Her aura was shouting black and gold. She is like a monster dressed like a beautiful cold girl. "I don
"You mean a guy wearing a white sando? May dalang soccer ball?" Napasinghap ako nang humarang si Canary sa sasakyan. Umupo siya sa hood nito. Binusinahan siya ng driver. "Hoy nene! Umalis ka riyan!" "He ran towards that direction. Pakibugbog siya hanggang madurog ang mga buto niya. He cheated on me," patuloy ni Canary. Seryoso siyang nakatingin sa anim na lalake. "Hindi siya nakarating dito. He knows this is a dead end. Lumiko siya nang matanaw niya ako. I guess that is what a cheater does. Magtago?"
"I actually don't have to say what I wanted to say because I know you know why I am here," Via said as she approached the table where I am in the study lobby. Abala ako sa paggawa ng assignment. Nawala ang focus ko sa pagbabalanse nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Via. Tatlong araw na mula nang mangyari ang insidente kay Lake. Tatlong araw na rin mula nang huli kong nakita si Canary. Naipasa ko na ang thesis ko, at gaya ng gusto niyang mangyari, ginamit ko na lang ang boses ng kaibigan ko sa dorm na si Lila para i-voice over ang mga sagot niya.
"Two days absent without valid reason," pahayag ni Mrs. Evangelista habang nakatingin kay Canary. "Actually, without reason at all."Canary crossed her arms. Parehas kaming nakaupo sa harapan ng table ng guidance counselor. Nakatungo ako at siya naman ay nakatingin dito. Hindi pa nababanggit kung ano ang violation ko. Pero nagdadasal akong hindi iyon makaapekto sa scholarship ko.Bakit kaya siya absent? Ibig sabihin, pagkatapos ng insidente kay Lake ay hindi siya pumasok? Lalo akong nilamig dahil sa mababang temperatura ng aircon dito."Tell me the reason so we can proceed with another issue submitted to me," kalmadong patuloy ni Mrs. Evangelista. "Canary Morales, please answer. We will give you possible considerations for valid reasons."
"Kaya pala nag-o-over practice si Kuya Lake, dito pala gaganapin ang game nila," Via said while eating bubble gum ice pop. Kulay blue na ang dila niya. Nakaupo lang siya sa bleacher habang kami naman ni Canary ay abala sa pagsalansan ng towel at bottled water.Ito ang kapalit ng mga nagawa naming problema sa university. Mas okay nga ito dahil mula nang ipatawag kami sa guidance one week na ang nakakalipas, ay ito ang unang duty namin. Dalawang oras pa naman bago ang game. Mabuti na lang at hanggang alas tres lang ang klase namin.Tahimik lang si Canary habang binibilang ang boteng kailangan namin mailagay. Ito lang ang gagawin namin. Ang sumunod ay pagtapos na ng game."Alam mo bang nagmamakaawa si Kuya Lake na ibigay ko sa kanya ang number mo, Cana?" ani Via. "Literal siyang nauulol s
"Mahihinang nilalang. I thought I'm gonna die of boredom," pagmamalaki ni Lake. Pawis na pawis siya habang umiinom ng tubig. Nakasabit lang ang tuwalya sa balikat niya. Nakaupo siya habang nasa iisang direksyon ang paningin niya.The game ended and Lake's team won. Hindi naman ako nanood. Nagtigil lang ako sa cafeteria habang nagbabasa ng codal. Si Canary ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Nag-text lang si Via kaya nalaman kong tapos na ang game. As for Canary, mabilis yata ang radar niya dahil kasunod ko lang siya. Kanino kaya siya nakikibalita?Tahimik kami na naglilikom ng mga bote at kalat. Tinanggap ko na ang ganitong gawain kaysa naman mawalan kami ng scholarship. Kaunti lang naman dahil dito lang kami sa bench ng mga players naka-assign. Hindi naman ito nakakapagod pero nakakaubos ng oras.
"Alice, may seatwork ako that I need to pass at four," ani Via habang abala siya sa cellphone. "Philippine history. Magbigay daw ng kinatatakutang lugar pero dapat na igalang."Abala ako sa pagco-compute at pagbabalanse habang walang tigil ang salita ng babaeng ito sa tapat ko. Bigla na lang siyang umupo at inilapag ang mamahaling bag sa table ko."Isang oras na lang! Kaya ko naman sana kaso gagawan siya ng fiction story, minimum of five hundred words. I'm not good with words!"Malapit na akong mainis sa kanya pero mas nagpopokus ako sa ginagawa ko."Busy si Canary. Ni hindi ko nga siya nakita ngayong araw. I called the hospital, wala naman siya doon," patuloy pa rin ni Via. "Natutuyo na ang utak ko."
Parang lumilipad ang kotse ni Via. She's a reckless and offensive driver, for sure. Mabuti na lang at hindi kami natitiyempuhan ng disgrasya. Naka-connect pa rin kay Pia ang Life360 app ni Troy. Fortunately, bukas din ang location nito. She said Troy is not as techy as her, mas gusto raw nito ang mga pisikalang gawain. Pia did not join us but she informed us everything about his addict ex-boyfriend.Nakarating kami sa compound na tinutukoy ni Pia. It was a kilometer from the university. Ang bungad nito ay malaking puting gate, at sa labas ay may karatulang nakalagay na "BEDSPACER". Wala itong guard doon.Hindi ito ang dorm ng Arturo University, isa ito sa mga dorm ng mga nag-aaral sa mga kalapit na public university."Papasok tayo dito?" tanong ni Via sa akin na tila nag-aalangan. Hind