Share

11

Parang lumilipad ang kotse ni Via. She's a reckless and offensive driver, for sure. Mabuti na lang at hindi kami natitiyempuhan ng disgrasya. Naka-connect pa rin kay Pia ang Life360 app ni Troy. Fortunately, bukas din ang location nito. She said Troy is not as techy as her, mas gusto raw nito ang mga pisikalang gawain. Pia did not join us but she informed us everything about his addict ex-boyfriend.

Nakarating kami sa compound na tinutukoy ni Pia. It was a kilometer from the university. Ang bungad nito ay malaking puting gate, at sa labas ay may karatulang nakalagay na "BEDSPACER". Wala itong guard doon.

Hindi ito ang dorm ng Arturo University, isa ito sa mga dorm ng mga nag-aaral sa mga kalapit na public university.

"Papasok tayo dito?" tanong ni Via sa akin na tila nag-aalangan. Hindi siguro siya sanay sa ganitong lugar. Nakasakay pa rin kami sa kotse niya at nasa bungad na kami ng gate.

"It's the usual dormitory people like us can afford," sagot ko habang sinisipat ang loob. Kami ba ang magbubukas ng gate?

"Bakit walang building na mataas? Baka niloloko lang tayo ni Pia!" paghihinala niya.

"Via, hindi lahat ng dorm kailangan high rise," sagot ko. Kabilaan ang one storey type building na tila may tag-lilimang kuwarto. Sa likod niyon ay mayroon pa pero hindi na abot ng tanaw ko.

Halos mapatayo ako sa upuan nang may bumisina sa amin nang sobrang lakas at mahaba.

"Shit," Via murmured and glanced at her side window. "Maghintay ka!"

Bumaba ako at tiningnan ang gate. Hindi naman ito naka-locked. Mukhang kanya-kanyang sara at bukas dito. Habang binubuksan ko ito ay bumusina ulit ang sasakyang nasa likuran namin. Lalo kong binilisan ang ginagawa ko.

Via emerged from the driver seat. Nakasimangot siyang nagmartsa papunta sa kasunod na sasakyan. Nagtatakbo ako palapit sa kanila dahil baka mapaaway pa kami.

"Don't you know how to wait?" inis na tanong ni Via. Pulang pula ang mga tainga niya.

"Paandarin mo na ang sasakyan mo bago ka samain sa akin," sagot ng estudyanteng driver na tila lasing. Namumungay ang mga mata niya. "Kapag ako na-late sa usapan namin ni Troy, kahit ano'ng ganda mo, wawasakin ko 'yang mukha mo."

Mabilis kong hinila ni Via. Pumapalag pa siya pero sumunod din siya sa akin. Pinaandar niya ang sasakyan. Nang makapasok kami ay sinabi kong igilid niya muna ang sasakyan niya.

"That asshole!" gigil na gigil na wika niya. "Pasalamat siya at iniisip ko ang tatay ko kung hindi binasag ko ang pagmumukha niya."

"Walang maniniwala na kaya mong bumasag ng mukha," ani ko habang naiiling. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan ng aroganteng lalake. Tumigil ito sa harap ng kanang building. Bumaba ito at nagmamadaling naglakad papunta sa likod ng huling kuwarto.

"Andoon si Canary," pahayag ko habang binubuksan ang pinto.

Via held my arm. "Are you sure? Parang hindi na tayo nag-isip dalawa. Naniwala agad tayo kay Pia."

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Oo nga, ano? Bahagya akong nakaramdam ng takot. Tumingin tingin ako sa paligid. Hapon na at malapit na dumilim.

Via's phone rang. It was Lake.

"I can't find Canary. Saan ba siya nakatira? I don't know but it feels a little weird. Baka iniiwasan na niya ako," bungad nito. "Bye." He ended the call without even letting Via speak.

The moment I heard it, binuksan ko na nang tuluyan ang pinto ng kotse. Sigurado akong andoon si Canary. Malakas ang kutob ko.

"Hindi kita sasamahan," Via said. "Go with yourself. My Dad will kill me if something happens to me outside the university."

Marahan akong tumango. It may sound rude but I did not feel mad. Via has been very vocal about her status.

Naglakad ako papunta sa binabaan ng lalake. May ilan-ilang estudyante ang nalabas pasok sa mga kuwarto roon. Ang iba ay tumitingin sa akin dahil siguro sa uniporme ko. Nothing is unusual. Binilisan ko ang lakad ko.

When I reached where the guy went, it was a very narrow way. Kasya lang ang isa hanggang dalawang tao papasok. Parehas na may bakod ang magkabilang gilid. Hindi ko alam kung ano ang mararating ko sa dulo noon. Hindi ko naman matanaw kung ano ang mayroon. Hindi naman madilim. Tipikal na daan, maliit nga lang.

Nilakasan ko ang loob ko at naglakad papasok hanggang makarating ako sa dead end. Sa kanan nito ay may pintuan. I could hear a faint sound of music. Dito ba siya pumasok?

I was about to knock when I finally realized I was putting myself in danger. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang nangyayari. Paano kung wala nga dito si Canary? At kung andito man siya, ano naman ang pakialam ko?

My heart almost jumped when the door opened. Nanghina ang mga tuhod ko sa gulat. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang si Canary ang bumungad sa akin. Nakatungo siya at mabilis isinara ang pintuan.

"C-canary?" tawag ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin. Namumula ang mukha niya at bahagyang namumungay ang mga mata niya. Awtomatiko ko siyang inamoy.

"Lasing ka?" nagtataka kong tanong. Napahawak ako sa braso niya. "Bakit ka naglalasing?"

Inalis niya ang kamay ko. "Mind your own business."

Mukha namang nasa katinuan pa siya pero magulo na ang bangs niya. Mukhang unti-unti nang kinakain ng alak ang sistema niya. Napapapikit siya nang bahagya.

Bumukas muli ang pintuan. The guy we encountered a while ago was holding a bottle of beer. Kumpara kanina ay mas mukha siyang langong-lango ngayon. Narinig ko nang mabuti ang maingay na tugtugan sa loob. Naamoy ko rin ang nakakahilong usok. Hindi ko matanaw ang loob dahil may itim na kurtinang nakaharang. Bahagya akong gumilid.

Sandali, ano bang klaseng lugar 'to?

"Baby girl, isang baso pa raw sabi ni Master. Five thousand," nakangiti nitong sabi kay Canary habang iniaabot ang bote. Mukhang hindi niya ako napapansin.

Hinablot iyon ni Canary at mabilis na tinungga. Kitang kita ko ang bahagyang pagngiwi niya. Nanlaki ang mga mata ko, napatakip ako ng bibig.

Canary!

"N-nasaan ang pera?" tanong ni Canary at inihagis ang bote sa loob. "Wala na akong. . . o-oras. Akin na."

"Pasok ka muna sabi ni Master."

Papasok na sana si Canary pero hinablot ko ang braso niya. Noon ako napansin ng lalake kanina. Hinila niya kami parehas papasok sa loob at halos madapa kaming dalawa.

Maingay ang kuwartong iyon. Madilim at mausok. Ang tanging liwanag ay ang makukulay na ilaw na umiikot sa paligid. Parang pumapasok sa baga ko ang nalalanghap kong amoy.

Limang tao lang ang nasa loob. Ang tatlo ay nasa di kalayuang mesa. Doon nagmumula ang usok. Ang isa ay ang lalakeng kasagutan ni Via kanina at ang isa ay nakaupo sa malaking sofa habang tumutungga ng alak. Nakatingin siya sa amin.

"Troy!" tawag ng lalake. "Five thousand pa raw."

Tumayo ang isang lalake sa tatlong nasa mesa. Lumapit siya sa amin. Kulay dilaw ang buhok niya. Pulang pula ang mga mata niya. Ngumiti siya na tila normal ang nangyayari. Ito na nga ang ex-boyfriend ni Pia.

"Ten thousand, mag-stay ka dito. Ihahatid kita pauwi," ani Troy. "No touch."

Sumakit ang ulo ko habang iniisip kung ano na ang nagawa niya kay Canary kanina.

Troy glanced at me. Bahagya siyang nagulat. Tiningnan niya ang kabuuan ko. Tumawa siya nang nakakaloko. "Akala ko assignment lang ino-offer mo! Magkano 'yan?" At ngumuso sa akin.

Nahihilo na ako sa naaamoy ko pero malinaw pa rin ang isip ko. Nagdikit ang kilay ko sa mga sinabi niya. Ano'ng tingin niya sa akin? Bayaran? "Siraul--"

"Fifty thousand," Canary answered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status