Share

18

Sabay-sabay kaming natigilan nang magsalita si Canary. Nakalapit na siya sa amin. Magulo nang bahagya ang buhok niya dahil sa pagtakbo.

"Jace," pakilala ni Jace at sumaludo siya sa mga kaibigan ko. Nakalimutan ko na namang kasama namin siya. Ngumiti lang siya to tell me that he's okay. Nasa gilid lang siya at nakikinig.

"If you're here to ask for forgiveness for what you said the last time we talk, you're just wasting your time," Canary said.

"Are you okay?" halos pabulong na tanong ni Via at niyakap niya ito.

Canary didn't hug her back. "If you're here to show na naaawa kayo, please don't."

I snapped when I heard the word please.

Binitiwan siya ni Via. "It's not wha-"

"That's the last thing I want people to feel for me, ang maawa," nakangiting patuloy ni Canary. "What I want is I want you to feel guilty for crossing boundaries. Ganoon ba ka-interesting ang buhay ko at nalaman ninyo hanggang dito? Wala talaga kayong magawa sa oras ninyo para pag aksayahan ng panahon ang buhay ko? Why? You always want an update about me? About my sufferings?"

"Canary, please stop," pigil ni Via.

"Then why? Tell me why."

"Gusto ka naming maging kaibigan. Gusto namin na kahit papaano gumaan ang nararamdaman mo. We are here to listen," sabat ko. "Please don't look at it the other way around."

"Bullshit," diretsong sagot ni Canary. "My life is not a movie. You think I don't know what you are doing to gain information about my life?"

"Canary," awat ni Via. "Gusto kong maintindihan mo na hindi lahat ng tao sa paligid mo, masama. That we can be your friends."

Natawa si Canary. "Friends? Ganon? You want to sympathize with me? Fine." Hinawakan niya ang braso ni Via at puwersahan niyang hinila. "Halika. Samahan mo ako. Mourn with me. Ikaw ang umiyak kasi hindi ko na kayang umiyak."

Pumapalag si Via dahil hysterical na si Canary. Hindi na nito kontrolado ang boses at kilos niya. Halos saktan na niya si Via sa pagkaladkad niya dito.

"Fucker! Cry until you die!" sigaw ni Canary kay Via. Pinigilan namin siya. Hinawakan ni Leif si Canary at pilit inaalis ang kamay sa braso ni Via. Si Lake naman ay hinihila na palayo ang pinsan niya.

Jace is helping Lake.

"Canary, tama na," Lake said in a mad voice. Ngayon lang siya nagsalita. "Stop. Please."

"No! Gusto ninyong makialam di ba?! Paglamayan ninyo ang mommy ko. Iyakan ninyo siya hanggang pati kayo mamatay sa pagod," she said while tears flowing down her cheeks.

Tuluyan na nilang nailayo si Via sa kanya. Tila nawalan naman ng lakas si Canary. Nakatayo lang siya habang hawak ni Leif ang kanang braso niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

"Canary," Via almost whispered. Umiiyak na rin siya. Damang dama ko ang awa niya rito. Hindi na rin makatingin nang diretso si Lake.

"Let's go," Leif said. "You need to rest."

"No," sagot ni Canary habang tulala sa kawalan at patuloy na tumutulo ang luha. "Marami pa akong gagawin. May mga kliyente akong naghihintay. Kailangan ko ng pera. Maraming bayarin sa ospital."

Hindi ko na napigilan. Mabilis akong naglakad palapit kay Canary at niyakap ko siya nang sobrang higpit. Bahala na siya kung sasaktan niya ako. Hindi ko siya bibitiwan agad.

I burst out crying. Sobrang sakit ng dibdib ko dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. She is denying the reality. I could only imagine the pain eating her now.

Wala akong sinabi. Umiyak lang ako. Naririnig ko rin ang iyak ni Via. Canary didn't move. Hindi rin siya nagsalita. Naramdaman ko na lang ang sunod sunod na patak ng luha sa likuran ko. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Bakit? I can survive a day without eating, without sleeping. Pero bakit siya ang napagod? Bakit sumuko siya? Naipon ko na lahat ng kailangan sa operasyon niya. Bakit hindi niya nahintay?" Canary said in her weakest tone. "Bakit siya napagod? Siguro kasi marami akong oras na sinayang kaya hindi na ko umabot. Kasalanan ko. Kasalanan ko bakit siya namatay."

"C-canary, please, don't blame yourself," Via pleaded.

"I must have tripled my time. Sana hindi ko tinanggihan yung ibang kliyente. Sana hindi ako natutulog lang pag nasa ospital. Sana hindi ko na lang inaksaya ang oras ko sa sandaling pahinga."

Binitiwan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya. Tiningnan ko siya nang diretso sa mata pero nasa kawalan ang mga tingin niya.

"Wala kang kasalanan," pahayag ko sa kanya. "You did more than what you have to."

Finally, her eyes slowly met mine. Pagod na pagod ang mga iyon. Malungkot. Mailap. Nasasaktan.

Ngumiti siya bago nagsalita. "Bullshit." Iyon lang at bigla siyang natumba at nawalan ng malay. Napasigaw kami ni Via. Mabuti na lang at mabilis na nakaalalay si Leif at Lake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status