Share

17

Panay ang tingin ko sa wristwatch ko. Sampung minuto na pasado alas tres ng hapon. Si Jace ay abala sa pag-inom ng inorder niyang brewed coffee. Hindi ko naman magawang maubos ang iced tea ko.

Via said to meet her here at three pm. Kailangan niya raw akong makausap. Hindi niya masabi sa phone ang pakay niya. Ayaw ko sanang patulan ang sinabi niya but she sounded so urgent.

Wala pa rin akong text na na-re-receive galing sa kanya kung nasaan na ba siya. Bumiyahe pa kami ni Jace para makapag-meet kami halfway somewhere in QC.

"Si Via ba talaga 'yon? You said hindi kayo close. Baka scammer 'yon?" untag ni Jace. Mabuti na lang at may sasakyan siya at marunong naman siyang magmaneho. At lagi siyang on the go kapag nakikisuyo ako.

I sighed. Baka mamaya nga ay tini-trip ako ni Via. Napalingon ako nang maamoy ang pamilyar na pabango.

Malayo palang si Via ay alam kong siya iyon kahit pa may suot siyang shades at balot siya ng pink na jacket. Naka-skinny jeans at sandals siya na puti kaya emphasized na emphasized ang mahahabang binti niya. She walks like a real model kahit mukhang nagmamadali siya.

"Sorry, napaka-traffic!" Via whined. Tumayo ako at niyakap niya ako. "I miss you, my poor friend."

Binitiwan ko siya at inirapan. Umupo siya sa tabi ko, disregarding Jace, na kanina pa nakatingin sa kanya.

"The hospital called, Alice," seryoso niyang pahayag at hinawakan ang mga kamay ko. Noon ko napansin na nanlalamig siya. "Canary's mom died this morning."

Napanganga ako sa gulat. Bigla akong binalot ng kaba at lungkot. Napahigpit ang hawakan naming dalawa.

Halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko ma-imagine kung ano ang lagay ni Canary ngayon. Sino ang kausap niya. Sino ang katulong niya.

"I really feel sorry for her," malungkot na wika ni Via. "Gusto ko siyang puntahan kaso hindi ko naman alam kung nasaan siya. Ang sabi ng kausap ko from the hospital, hindi pa nagpapakita si Canary. But they already told her what happened."

Napabuntonghininga ako. Saan kaya siya nagpunta? Bakit hindi niya pa pinupuntahan ang Mommy niya?

"Iniisip ko she is crying alone now. Kaya hindi niya magawang magpunta sa hospital. I really feel guilty with the words I threw to her the last time."

"Si Leif," ani ko nang sumagi siya sa isip ko. "He has her number. And maybe he knows where she is."

"End na ang friendship nila ni Kuya Lake but may number ako ni Kuya Leif," sagot ni Via na tila nagkaroon ng pag-asa. "Ngayon ko napatunayan na sobrang stupid ko pala talaga. Hindi ko 'yon naisip," aniya at nag-scroll sa phonebook niya at walang sabing tinawagan si Leif.

"Wait, are we gonna tell him about what we knew? Paano kung hindi niya rin pala alam ang tungkol doon?" nag-aalala kong tanong habang nag-ri-ring ang phone ni Leif.

"Fuck it. I don't care anymore. We need to see Canary now," sagot ni Via. Ilang ring pa ay sumagot na ito.

"Kuya Leif," bungad ni Via. "Where's Canary?"

Natigilan naman saglit ang nasa kabilang linya.

"I don't know."

Inis na hinablot ko ang cellphone ni Via. "We know you know. Where is she?"

"Alice?" untag ni Leif.

"If you don't know where she is, ipasa mo sa amin ang number niya," pahayag ko. "Alam namin na alam mo kung anong nangyari."

Ang long pause before he answers. "Nasa labas kami ng ospital. Nasa may park. She's playing with the kids."

"What?" kunotnoo kong tanong. Kinuha ulit ni Via ang phone niya at ibinaba na ang tawag.

"We need to go," aniya at tumayo.

"Uhm? How about me?" Jace butted in.

Nakalimutan ko na rin na kasama ko siya. "Sorry, Jace. I will explain later."

"Boyfriend mo?" usisa ni Via at noon niya lang tiningnan ang kaibigan ko.

Umiling ako.

Inihagis ni Via ang susi ng kotse niya kay Jace. Mabilis niya naman itong nasalo. "Drive for us. Iwan mo muna ang sasakyan ninyo dito. Akong bahala."

---

"How long has she been playing with the kids?" tanong ni Via kay Leif nang makarating kami sa park. Nasa labas lang iyon ng ospital kung saan naroon ang Mommy ni Canary. At doon ang usual na palaruan ng mga batang pasyente.

"Since she received the news," matamlay na sagot ni Leif. Tiningnan niya ako saglit bago humarap muli kay Via. Nakaupo kami sa bench na di kalayuan kung saan naroon si Canary.

She is laughing hard while running with the kids. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Ngayon ko lang narinig ang halakhak niya. But her eyes don't express the same.

"How did you know?" usisa ni Leif sa amin.

"Hindi na mahalaga 'yon. What important now is, kailangan natin siyang damayan," sagot ni Via. "Boyfriend ka ba talaga niya?"

Napatawa ng sarcastic si Leif. "Pinsan mo lang ang nag-iisip ng ganyan."

"Kung hindi, anong relationship ninyo?" usisa pa rin ni Via.

"Why didn't you tell me?" sabat ng boses ng parating.

Lake is walking towards us. Mukhang nagmadali siya dahil pawis na pawis siya at magulo ang uniform niya.

"You really want me to kill you without telling me the truth?" seryosong tanong ni Lake.

"Why are you here?" tanong ni Via.

"I've been visiting her Mom since I met Canary. Like you, sinundan ko rin siya hanggang dito."

"So you already knew," pahayag ko. Pare-parehas pala kaming may itinatago. Pare-parehas pala kaming nag-aalala.

"What is this? Reunion with a stranger?" Canary muttered while looking at Jace.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status