Share

16

Semestral break.

Umuwi ako sa bahay namin para magbakasyon. Saktong sakto dahil magbi-birthday na si Mommy. Dalawang linggo ang bakasyon namin at ipinagpapasalamat ko na makakapasok pa rin ako next sem dahil wala akong bagsak.

As for the almost friendship I built, nawala iyon sa isang iglap. Siguro, malas talaga ako pagdating sa pakikipagkaibigan. Wala naman akong ginawang masama kay Via pero iniwasan na rin niya ako, na parang hindi kami nagkakilala. Madalas na niyang kasama ang mga kaklase niya na sigurado naman akong nakikikabit lang sa kasikatan niya.

I seldom see Canary. Kung makita ko man siya ay hindi ko na siya tinitingnan ulit. Ganoon pa rin ang awra niya. Tahimik, mailap at mabilis. But I'm glad na naalis na ang cast sa kanang braso niya. Mukhang okay na siya.

I never see Lake again. Hindi na siya nagagawi sa university. Hindi na rin siya nagme-message sa akin but we're still friends on social medias.

Everything gets back to normal. Back to when Leif doesn't know my name or even know I exist.

"Alice, dumaan kanina si Jace kaso tulog ka pa. Babalik daw siya mamaya," ani Mommy habang naggagawa ng sandwich.

Tumango ako. "Tumawag po siya kanina, hindi ko rin nasagot kasi nasa c.r ako. Baka nagtatampo na ang bestfriend ko."

Natawa si Mommy. "Halos linggo linggo andito ang batang 'yon kinakamusta ako. Kung gusto ko nga raw bibigyan niya ako ng aso para may kasama ako dito sa bahay."

"At ano po ang ipapangalan mo sa aso, Mommy?" usisa ko.

"Alicia," sagot ng baritonong boses na nanggagaling sa sala.

Kahit hindi ko lingunin ay alam kong andito na si Jace. Kusa na siyang pumapasok sa bahay namin dahil welcome na welcome naman siya dito.

Si Jace ang nag-iisang kaibigan na tumagal sa akin. Mula pa noong elementary ay kami na talaga ang magkasama. Suki kasi si Mommy sa tindahan ng lola niya noon sa palengke.

"Ha. Ha. Ha. Funny," pairap kong sabi sa kanya. Tumawa lang siya at niyakap ako nang mahigpit. Sanay na si Mommy sa ganitong paglalambing ni Jace.

"Kamusta ang Cavite, Alik?" tanong niya sa akin pagtapos ay binitiwan ako. Umupo siya at inabutan siya ng sandwich ni Mommy.

"Okay naman. Mas maraming tao kaysa dito sa Nueva Ecija," sagot ko at kumuha na rin ako ng tinapay.

"May bago ka ng kaibigan?" nakangiti niyang tanong. "Parang may month yata na hindi mo ako naalala ng isang linggo. But it made me glad."

Napangiti ako nang matipid. "Wala. Busy lang sa acads."

"Boyfriend?" usisa niya.

Lalo akong napailing. "Anong akala mo sa akin, naging scholar para maghanap ng boyfriend?"

"Naninigurado lang ako baka mamaya may naka-over the bakod na."

Iningusan ko siya. Natahimik ako saglit pero bigla rin akong nagsalita. "Ikaw? May girlfriend ka na?"

"Hangga't wala kang boyfriend, wala pa rin akong girlfriend," nakangisi niyang sagot. Jace has been very vocal about his feelings towards me. Ako lang daw ang nag-iisang crush niya pero hindi naman ako naniniwala. Mas matimbang ang pagiging parang magkapatid namin doon.

"Maiiwan ko muna nga kayo. Kailangan ko mamili ng ihahanda natin bukas," sabat ni Mommy at hinubad niya ang apron. "Magluluto ako ng favorite mong chicken caldereta."

Napahiyaw si Jace sa sobrang excitement. Minsan mas priority pa siya ni Mommy kaysa sa akin. Magluluto siya ng manok kahit allergic ako doon para sa kaibigan ko. Pero hindi naman ako nagseselos. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Jace dahil andito siya para bisitahin si Mommy habang wala ako.

"By the way, Alik," sumeryoso ang boses niya nang makaalis si Mommy. "I don't know if I should tell you this."

Napakunot-noo naman ako. "Ang ano?" Bigla tuloy akong kinabahan.

"Di ba you told me wala naman kayong kalapit na kamag-anak? And I know almost your Mom's friends," panimula ni Jace. "Ilang beses ko kasing nakita na may bisita si Tita Anna for the past months."

"Baka friends niya from highschool or college," sagot ko. Hindi naman iyon imposible. My Mom works as a tutor for the past four years. Iyon ang ikinabubuhay namin. Graduate kasi siya ng Education. Minsan napagkuwentuhan namin na may mga matalik din siyang kaibigan noon.

"When I asked her about them, hindi siya sumasagot ng diretso. It's very unusual. Wala lang. Feeling ko may kakaiba."

Napahawak naman ako sa braso niya. "But my Mom's okay, di ba? Sumasakit ang ulo ko sa sinasabi mo." Wala namang sign na sinaktan siya or may something. Normal naman ang lahat pag-uwi ko.

"The only weird thing is, hindi simpleng tao ang bisita ng Mommy mo. Expensive car. May apat na bodyguard. Hindi ko nakita mismo kung sino pero sure ako na hindi basta-basta."

Napakagatlabi ako. "I'll ask her when she returns."

"Can you ask her without directly telling what I said? Baka hindi na ako makapunta dito," natatawang pahayag ni Jace. He sounded so concern. "I'm just a little uncomfortable about it. Kaya mas madalas ako dito bumibisita."

Napangiti ako at niyakap ko siya. "Thank you, Jace."

"Samahan mo naman ng kiss," biro niya at ginantihan ako ng yakap.

Binitiwan ko siya at itinulak. "Style mo."

"Sino nga pala 'yong babaeng pinost mo na kasama mo sa My Day mo? A month ago yata? She looks familiar."

"Babae?" Napaisip ako. Napatango ako nang maalala ko. "Ah si Via. Model 'yon. Baka nakikita mo siya sa commercials."

"Bago mong friend?"

Napailing ako. "Nagpa-picture lang ako kasi maganda talaga siya sa personal." Yung totoo ay picture namin iyon no'ng close pa kami.

"Invite her here and ipakilala mo ako."

Natawa ako sa sinabi ni Jace. Ngayon lang siya nagkainteres sa babaeng kilala ko. "I can't invite her. But she's really pretty in person. She's nice and kind. 'Yon nga lang, walang chance na makasama ko siya. Hindi kami close. Baka hindi niya nga ako matandaan."

"Sayang," bagsak ang balikat ng kaibigan ko.

Natigilan kami nang mag-ring ang phone ko na nakapatong sa mesa. Sabay kaming napalingon doon ni Jace.

Via is calling.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status