Share

15

"Stop! Stop it! Stop!" halos mapaos si Via kakasigaw habang nagtatatakbo kami palapit kay Lake at Leif.

Nagsusuntukan ang dalawang iyon. Parehas pa silang nakauniporme. May dalawang lalake sa gilid na sa palagay ko ay kaibigan ni Lake dahil pamilyar sila sa akin. Kasama sila sa soccer team. Marahil iyon ang tumawag kay Via gamit ang cellphone ng pinsan niya.

Nakatayo lang kami sa gilid dahil hindi namin magawang pigilan sila. Sa estado nila ngayon mukhang hindi sila magpapaawat. Mabuti na lang at walang ibang tao dito pero isang estudyante lang ng Arturo ang mapadaan, dudumugin na kami ng mga estudyante.

Mas lalo akong nag aalala sa mga puwedeng dumating at makakakita.

"Kuya, ano ba!" singhal ni Via. Mas napupuruhan si Leif dahil halatang hindi siya lumalaban. Sinasanggi niya lang ang mga suntok ni Lake. Galit na galit ito.

"Ano ba kayo?! Awatin ninyo!" baling ni Via sa mga kaibigan ni Lake.

Umiling ito. "Si Leif ang nagsabi na huwag kaming makikialam."

"What?!" bulalas ko. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa?

Sabay kaming napairit nang matamaan ng tuluyan si Leif sa mukha at napaupo siya. Kitang kita ko ang pagtulo ng dugo sa kaliwang labi niya. Hindi pa nasiyahan si Lake. Nilapitan niya ito at muling sinuntok sa kabilang pisngi.

"Lake, tama na! Ano ba!" sigaw ko at di ko napigilanh daluhan si Leif.

Hahawakan ko sana siya nang bigla siyang magsalita. "Move," galit na utos niya sa akin. Tumayo siya at hinawakan niya ang braso ko at marahan akong itinulak pabalik kay Via.

Leif started fighting for himself. At mukhang mas natuwa pa si Lake. Sumakit ang ulo ko habang pinagmamasdan sila. Galit na galit ang awra nila parehas.

Hinanap ko ang dalawang lalakeng kaibigan ni Lake pero nawala na ang mga 'yon. Si Via naman ay panay ang dial kung sinuman na hindi sumasagot. Hawak niya ang cellphone ni Lake.

Tiningnan ko ulit ang dalawang siraulo. They are both weak  pero pinipilit pa rin nilang gumalaw. Parehas na rin silang may gasgas at sugat sa mukha. Maduming madumi na ang uniform nilang suot.

Napasinghap kami nang bumulagta si Lake. Nakakuha ng tiyempo si Leif para masipa ito sa tiyan. Pawis na pawis silang dalawa. They are murmuring things we can't hear.

"Bakit hindi pa kayo magpatayan?"

Napalingon kami sa malakas at galit na boses na iyon. Natigilan naman ang dalawa at kapwa napatingin din kay Canary na may dalang kutsilyo sa kaliwang kamay. She threw it in front of the guys.

"Magpatayan na kayo. Huwag na kayong mang-stress ng ibang tao," pahayag niya at kami naman ang binalingan niya. "Bakit ninyo iniwan ang box sa lobby?"

"Canary," buo at seryosong tawag ni Lake. "Tell me, boyfriend mo na ba ang lalakeng 'to?"

Nakatingin sa amin si Canary pero narinig niya ang tanong ni Lake kahit pa nakatalikod siya dito. "My life has nothing to do with you."

"Tell it on my face," matapang na sagot ni Lake.

Tumalim ang mga mata ni Canary. Inayos niya ang bangs niya bago seryosong humarap dito. "If I say yes, would it hurt you that much? Then, yes."

Lake did not answer. He smiled bitterly. Pagkatapos niyang pasadahan ng masamang tingin si Leif ay umalis siya nang walang sinasabing salita.

Parang narindi rin ako sa narinig ko at gusto ko rin mag-walk out. Leif suddenly sat down on the ground. Pagod na pagod na siguro talaga siya dahil mas lamang si Lake pagdating sa bugbugan.

"You hurt him just like that? Halos makipagpatayan siya? Can't you see my cousin's effort just to please you?" inis na pahayag ni Via. Ngayon ko lang siya narinig na ganito ang tono niya.

"Nobody said he needs to please me," Canary straightly answered. "Why did you leave the box?"

"Fuck the box! Do we need somebody to tell us to be kind and considerate? May isasama pa ba ang ugali mo?"

The tension is building up. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Why? Do you need somebody to tell you that if someone doesn't like you, you stop and go on with your life? Do you always need somebody to blame when you are hurt?" Canary asked. "Rich people always really want to get what they want."

Napatawa si Via pero may halo iyong inis. "You know what? Mabuti na lang hindi ako ipinanganak na matalino. Kasi kung kasing ugali mo lang din ako, hindi bale na lang."

And she walked out, too. Galit siyang umalis. Naiwan ang amoy ng paborito niyang pabango.

"Aalis ka rin?" tanong sa akin ni Canary.  "Fine. I hope we never cross paths again."

Tinalikuran niya ako at dinaluhan niya si Leif. Inalalayan niyang makatayo ito gamit ang kaliwang braso. Leif glanced at me once bago sila tuluyang naglakad palayo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status