A week has passed and everything is normally going on. Na-accomplished na namin parehas ni Via ang mga bilin ni Canary.
Nakakapagod pala talaga ang sideline niyang yon. May mga deadline lahat ng ginawa ko at isa isa ko pa silang imimeet. Nagcap at facemask na lang ako para daw hindi masyadong halata na hindi si Canary ang katagpo nila.
Ilang araw akong puyat. Bukod sa sangkaterbang reasearch ang ginawa ko na sabi ni canary ay madali lang, hindi pa agad ako makatulog dahil sumasagi sa isip ko ang eksena namin ni Leif tuwing duty namin sa computer lab.
We dont work that much. Kadalasan tagacheck lang ng hardwares at tagarecord ng mga pumapasok at lumalabas. We seldom talk. Kapag lang may tanong ako at kailangan.
Leif is a different person when he's busy. Parang walang tao sa paligid niya. Kamuntikan niya pa akong masarahan ng pintuan at maikulong sa lab noong isang araw.
To compensate, he treated me an ice cream. Pero hindi katulad ng sa mga palabas na kakainin ko yon sa harapan niya at hihintayin niya akong matapos habang nagkukuwento siya.
No. Inuwi ko iyon sa bahay at natunaw lang. Hindi ko yon magawang kainin. Hanggang ngayon ay nasa freezer pa.
Canary still attends her classes pero umuuwi rin siya kaagad. At araw-araw nasa labas ng university si Lake para alukin ito na ihatid pero never pa nitong tinanggap ang offer.
Typical Canary. Hindi naman nagsasawa si Lake. Lagi pa siyang nagpapadala ng lunch. Madalas ay kami lang ni Via ang kumakain no'n dahil katwiran ni Canary, wala siyang oras para kumain at maging grateful sa gesture na iyon ni Lake.
As for the real deal between Leif and Canary, parang one day lang silang ganoon. The following day ay ni hindi man lang sila nag-usap or nagkita. Or they do it via text or call. I don't know.
"Dr. Caparas confirmed that Canary went to her scheduled therapy last Saturday. Na-late lang daw nang kaunti," pahayag ni Via habang nag-a-apply ng lipgloss.
"Mabuti naman," sagot ko. "Takot din siyang hindi gumaling."
"I called the hospital last night," pag-iiba ni Via. "They said wala pa ring inprovement ang Mommy ni Canary mula nang inatake pero at least naging stable ang status like before."
"Nakakadalaw kaya siya sa Mommy niya?" nagaalala kong tanong. Ni hindi namin alam saan nakatira si Canary. Ang address na nakalagay sa information niya ay dati niyang dorm. Nakalipat na siya sa iba.
"Tinanong ko rin 'yan. Hindi pa siya dumadalaw simula nang madisgrasya ang right arm niya," sagot ni Via. "But she keeps on sending the money her mother needs everyday. Pinapadala niya kay Nurse Jake."
"Nurse Jake?"
"Yung halos naging personal nurse na ng Mommy niya. Sabi ng kausap ko doon lang daw nakikipag-usap si Canary. She's cold and masungit din sa ibang staff ng hospital. Binata raw si Nurse Jake at mukhang may future daw ang dalawa. Gosh. Di ko in-expect ang chika na 'yon."
"Mayamang chismosa," ingos ko kay Via. Napangiti ako. Kahit papaano, mayroon naman pala siyang nakakausap. Hindi ko kasi ma-imagine kung paano niya kinakaya ang lahat.
"Hey."
Gulat na napalingon kami ni Via kay Canary. Bigla na lang itong sumulpot at lumapit sa amin. Hindi na namin napansin dahil busy kami sa pag-uusap.
"Why?" matabang na tanong ni Via.
"May kailangan akong ihatid sa Building B kaya lang kailangan ko na rin mag-present ng project ko sa Bulding C," paliwanag ni Canary sa mailap na boses habang inaayos ang bangs niya. "Ihatid ninyo 'yung dapat kong ihatid."
"Wala man lang please?" kunotnoong tanong ni Via.
"Can you smile, please?" biglang pakiusap ni Canary kay Via na parang hindi naman nakikiusap. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagtataka.
Via is confused too but she managed to smile at her, siguro dahil ngayon lang lumabas sa bibig nito ang salitang iyon. Mabilis namang naitaas ni Canary ang kaliwang kamay at pinicturean ang model naming kaibigan.
"Binalikan ako nung isa kong client. Gusto ng rare picture mo. Babayaran niya raw ako kapag nag-send ako," ani Canary at muling inilagay sa bulsa ang cellphone. "He believes we are friends. What a total fool."
Hinampas ni Via ng kamay niya ang mesa. Namumula na naman ang mukha niya dahil sa inis. "Are you selling me to your clients?"
"He's a fan. You can't be who you are now without your fans," pairap na sagot ni Canary. "Anyway, I should be going. Nasa may lobby yung dadalhin. Naka-box na kulay itim. Room 208."
Iyon lang at tinalikuran na niya kami.
"Just how much did you price my photo?!" pasigaw na tanong ni Via. Gigil na gigil siya sa inis.
"Two thousand," sagot ni Canary na hindi man lang kami nagawang lingunin.
"Tell me, Alice, what will happen to me if I kill that bitch?" seryosong baling niya sa akin.
"'Yon eh kung mapapatay mo siya. Baka maunahan ka niya," natatawa kong sagot.
"Hindi ko siya susundin! Building B my ass!"
Biglang tumunog ang cellphone ni Via. Tunatawag ang pinsan niya. Mukhang maililipat kay Lake ang pagkairita niya.
"Ano na naman?! Kami ang kumain ng pagkain na pinadala mo kaya parang awa mo na, stop flirting with that bitch because I can't take it anymore!" halos pairit na wika ni Via.
Gusto kong matawa dahil mas lalo siyang gumaganda kapag inis na inis siya. Marami tuloy gustong makipagkaibigan sa akin lately dahil nakikita nilang madalas ko kasama ang babaeng ito.
"What!" bulalas ni Via at napatayo siya sa gulat. Biglang bago ng ekspresyon niya. Ibinaba niya ang tawag at hinila ako patayo.
"Anong nangyari?" nagaalala kong tanong. Binitbit ko lahat ng gamit ko at mabilisang isinuksok sa loob ng bag.
"Nagsusuntukan si Kuya Lake at Kuya Leif sa parking lot!"
"Stop! Stop it! Stop!" halos mapaos si Via kakasigaw habang nagtatatakbo kami palapit kay Lake at Leif.Nagsusuntukan ang dalawang iyon. Parehas pa silang nakauniporme. May dalawang lalake sa gilid na sa palagay ko ay kaibigan ni Lake dahil pamilyar sila sa akin. Kasama sila sa soccer team. Marahil iyon ang tumawag kay Via gamit ang cellphone ng pinsan niya.Nakatayo lang kami sa gilid dahil hindi namin magawang pigilan sila. Sa estado nila ngayon mukhang hindi sila magpapaawat. Mabuti na lang at walang ibang tao dito pero isang estudyante lang ng Arturo ang mapadaan, dudumugin na kami ng mga estudyante.Mas lalo akong nag aalala sa mga puwedeng dumating at makakakita."Kuya, ano ba!" singhal ni Via. Mas napupuruhan si Leif dahil hala
Semestral break.Umuwi ako sa bahay namin para magbakasyon. Saktong sakto dahil magbi-birthday na si Mommy. Dalawang linggo ang bakasyon namin at ipinagpapasalamat ko na makakapasok pa rin ako next sem dahil wala akong bagsak.As for the almost friendship I built, nawala iyon sa isang iglap. Siguro, malas talaga ako pagdating sa pakikipagkaibigan. Wala naman akong ginawang masama kay Via pero iniwasan na rin niya ako, na parang hindi kami nagkakilala. Madalas na niyang kasama ang mga kaklase niya na sigurado naman akong nakikikabit lang sa kasikatan niya.I seldom see Canary. Kung makita ko man siya ay hindi ko na siya tinitingnan ulit. Ganoon pa rin ang awra niya. Tahimik, mailap at mabilis. But I'm glad na naalis na ang cast sa kanang braso niya. Mukhang okay na siya.
Panay ang tingin ko sa wristwatch ko. Sampung minuto na pasado alas tres ng hapon. Si Jace ay abala sa pag-inom ng inorder niyang brewed coffee. Hindi ko naman magawang maubos ang iced tea ko.Via said to meet her here at three pm. Kailangan niya raw akong makausap. Hindi niya masabi sa phone ang pakay niya. Ayaw ko sanang patulan ang sinabi niya but she sounded so urgent.Wala pa rin akong text na na-re-receive galing sa kanya kung nasaan na ba siya. Bumiyahe pa kami ni Jace para makapag-meet kami halfway somewhere in QC."Si Via ba talaga 'yon? You said hindi kayo close. Baka scammer 'yon?" untag ni Jace. Mabuti na lang at may sasakyan siya at marunong naman siyang magmaneho. At lagi siyang on the go kapag nakikisuyo ako.I sighed.
Sabay-sabay kaming natigilan nang magsalita si Canary. Nakalapit na siya sa amin. Magulo nang bahagya ang buhok niya dahil sa pagtakbo."Jace," pakilala ni Jace at sumaludo siya sa mga kaibigan ko. Nakalimutan ko na namang kasama namin siya. Ngumiti lang siya to tell me that he's okay. Nasa gilid lang siya at nakikinig."If you're here to ask for forgiveness for what you said the last time we talk, you're just wasting your time," Canary said."Are you okay?" halos pabulong na tanong ni Via at niyakap niya ito.Canary didn't hug her back. "If you're here to show na naaawa kayo, please don't."I snapped when I heard the word please.B
"Happy Birthday, Mommy!" sigaw ko at sabay naming pinaputok ni Jace ang party popper na dala niya.Napairit si Mommy sa gulat at saya. Tatlo lang kaming nagcecelebrate pero may suot pa kaming party hat. Hindi na raw kasi makakasunod ang parents ni Jace dahil sa ilang urgent matters sa kompanya nila. They own several gas stations in CALABARZON. At mukhang mainit sa media ang price hike ng gasolina."Kung may iwiwish man po ako para sa inyo Tita Anna, sana po bigyan nyo na ako ng isang kuwarto dito sa bahay nyo," ani Jace. "Para masarap po ang ulam ko araw araw."Binatukan ko siya. Hindi niya kasama ang parents niya dahil madalas nasa head office nila ito sa Batangas. Paminsan naman ay nakakauwi pero mas madalas ay talagang nasa bahay si Jace.
"She is dropping out."Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Via at maamoy ang pabango niya. Tahimik akong nagbabasa sa cafeteria. It has been a week nang magsimula ulit ang pasukan."Hayaan na natin siya," malumanay kong sagot. I don't have to ask who is she talking about. Halata sa mukha niya na concern pa rin siya.Via sat down and held my hands. "Alice, Canary is a good girl. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko pa rin siyang maging kaibigan. Something in her seems wrong but I know she's right with everything she says.""Ganyan din naman ang iniisip ko. Kaso, baka lalo lang magulo ang buhay niya kapag um-extra pa tayo.""But I need her brains. Nag-aaral naman
"Don't ask me, okay? I don't even know what the hell is happening," Via declared as I looked at her, confused.Nasa coffee shop kami ngayon. Kanina ay kami lang tatlo nila Canary pero biglang dumating si Leif at Lake na nagtatawanan habang nagkukuwentuhan habang palapit sa table namin.Last time I checked, they were not okay. Parehas ko nga silang hindi nakikita. Anong nangyari? Ano ang nangyayari?"I invited them," Canary whispered. Bahagya siyang ngumiti nang makalapit na ang dalawa.Tumikhim si Lake bago nagsalita. "It's been a while, my princess," aniya at nag-bow pa siya sa harap ni Canary. Natawa lang ito."Anong milagro ang nangyari? Bakit bati na kayo?" nalilitong tanon
"The final question is, how do you know you deserve to be rewarded and how do you know you deserve the recognition," pahayag ni Leif.Ito na ang huli naming pagkikita. Sa limang araw na magkausap kami ay naging komportable na ako kasama siya. Alam kong marami ang nagtataas ng kilay sa amin pero hinahayaan ko na lang. Ang sabi naman ni Leif ay walang problema.Marami akong nalaman sa kanya at sa pamilya niya, lalo na sa Daddy niya na dating presidente. He is someone you can be proud of. At nakikita kong may mga bumabatikos man sa tatay niya noon ay nananatiling mataas ang pagtingin niya dito.The funniest part for the last four days was when he ordered food for the two of us. Um-order siya ng fried chicken, at hindi ako nahiyang sabihin na allergic ako doon. Nagulat siya dahil parehas d