Share

Chapter 12

KELLY

NANG magising ako ay mag-isa na lang ako sa kuwarto at medyo maliwanag na. Hindi pa naman ganoon kataas ang sikat ng araw pero ang mahalaga ay tumila na ang ulan. Bumuti na rin ang pakiramdam ko. Hindi magtatagal at makauuwi na rin ako. I miss my bed!

I checked the time at alas-sais y medya pa lang ng umaga. Ang aga naman ni Brandon gumising. Pero mabuti na rin ’yon. At least hindi kami nagkaharap first thing in the morning. Kapag naaalala ko ang sinabi niyang gusto raw niyang maging asawa ko ay bigla akong kinakabahan. I feel like I’m having a panic attack kahit hindi naman dapat. He can’t be serious anyway.

Nagderetso ako sa banyo dala ang towel at bihisan ko. Kapag maaga akong nagsimula ng paglilinis ngayon, bukas ay kakaunti na lang ang matitira. Hindi ko lang alam kung gustong sulitin ni Brandon ang araw na kinuha niya. Karapatan ng client ’yon kahit wala nang gagawin. Parang on standby ang kagandahan ko kapag ganoon.

I showered and prepared to get to work. Dark blue na s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status