Share

Kabanata One Hundred Twenty-Nine

WALANG nagawa ang mga taong naroon kun'di sumunod kahit na labag sa kanilang mga kalooban dahil sa takot na matulad ang kanilang sinapit sa pamilya ni Mang Delfin. Gusto man nila ipaglaban ang hustisya na para sa pamilya ng kanilang ka-nayon ay hindi magawa dahil sa labis na takot at maging ako ay kitang-kita iyon sa kanilang mga mata.

“Bilisan niyo riyan! Huwag kayo magtitira kahit isa sa kanila at lahat ng kanilang mga tirahan ay sunugin! Walang ititira kun'di tanging abo lamang!” mariing utos ni Don Raul sa nalakas niyang boses.

“Masusunod po, Gobenardor-Heneral!” Sabay-sabay nilang sagot.

Matapos noon ay tumalikod na si Don Raul ngunit bago pa man siya makalayo ay naglakas loob akong magsalita.

“Hanggang kailan mo idadamay ang mga inosenteng tao na ‘to?” tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagpalatak niya kasabay ng pag-angat ng kanyang balikat. Humarap siya sa akin at ang galit niyang mukha ay napalitan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status