"Goodnight Daddy Jervis.." Mahinang sabi ni Eisiah kay Jervis sa na sinabayan pa ng hikab. "Hmm, goodnight too my princess. Antok ka na ba?" "Not so, pero need po namin matulog ng maaga. May pasok po bukas di ba?" Jervis chuckled. "Oh.. my bad. Oo nga pala, nakalimutan ni Daddy. Oh, sige na, tulog na kayo. Where's kuya Eisier?" "Kuya Eisier, daddy wants to talk to you." sabi nito na pagkunwa'y iniabot ang cellphone sa kapatid na agad naman nitong kinuha."Hello, daddy Jervis.. kailan ka po uuwi? Sabi mo uuwi ka na ngayon, bat hindi ka dumating? Hindi mo po nakita si Mama na suot ang dress niya. Angganda-ganda po niya.""Ow, talaga? Ay sayang naman hindi ko siya nakita. But don't worry, makikita ko pa naman siya na suot ang dress na iyon eh. And it will be soon. Anyway, you need to sleep na. May pasok pa kayo ni Esie bukas. Goodnight Eisier.""Makakauwi ka na po ba bukas?" Habol pa nito."Ah yes. Daddy will be home tomorrow. Kanina nga sana, kaso lang masama ang panahon dito, iyo
D-Dylan...Kung nagawa niya pa iyon sambitin ay hindi niya alam. She is looking at him as if everything has froze for her at ang tangi nalang gumagalaw ay ang dib-dib niyang kay lakas ng dagundong.Totoo ba itong nakikita niya? O baka naman dinadaya lang siya ng kanyang paningin? If this was possible, if he was real, ano naman ng ginagawa nito doon sa bayan ng Sta. Barbara sa Cagayan?She was in deep thoughts when she felt Eisier hand on her."M-Mama.." Ang boses nitong iyon ang tila tumunaw sa yelong nasa kanyang paligid. Bumaling siya rito. Pinilit niya munang isantabi ang presensiya ni Dylan at itinuon muna sa anak ang atensyon. His little hand was trembling. Inabot niya iyon. "Are you really alright? Be honest with Mama, wala ba talagang masakit sayo?"Paniniguro niya. Muli niyang sinipat ang katawan nito. Nang umiling ito at makitang wala namang sugat o galos sa katawan nito ay nakahinga siya ng maluwag."I-I'm not hurt, Mama. But you are." sabi nito habang ang mga nanlalakin
Tahimik lang si Jervis habang ginagamot nito ang kanyang sugat. Kanina niya pa iyon napapansin habang pauwi sila mula sa kindergarten school. He is tending to her wound but it seems like his mind is elsewhere.At hindi na siya nagtataka kung bakit. Dahil kahit siya mismo ay windang pa rin hanggang sa mga sandaling iyon.Seeing Dylan again make their world turn upside down. Alam naman niya na pangalawang tahanan na nito ang Pilipinas, pero bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa sa lugar nila sila nagkita? Is it really a coincidence? Hindi kaya sinadya talaga nitong pumunta sa kanilang lugar? He knows that she live in Cagayan. At sisiw nalang para rito na hanapin ang eksaktong lugar kung saan siya nakatira kung gugustuhin nito.But why would he do that after all this years? Hindi kaya...?Ipinilig niya ang ulo. No, its not possible. He can't be there because he wanted to see her. Imposible iyon. Isang hindi sinasadyang pagkakataon lamang talaga ang pagkikita nila kanina. May importa
"S-Sigurado ka ba na sa kanya nga talaga Jerv?" She asked while swallowing hard. Sa nalaman, napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone."Oo Serie. I saw him. At first I thought he was also a client. But later on, Mr. Gonzaga introduced him to me. Sa sobrang gulat ko sa nalaman ko ay nawalan ako ng sasabihin. Umalis ako ng walang paalam."She was speechless too right now. Ang inakala niyang panandalian lamang at coincidence lang na pagkikita nila ni Dylan noong isang araw ay isang maling akala niya lang pala. Hindi ito naroroon dahil may importante lamang itong inasikaso. He's there because he's really staying there in Cagayan. And to their horror, ito ang may-ari ng bangko kung saan sila nag loan ng malaking halaga at collateral pa nila ang asukarera.Although maayos at sapat naman ang kinikita ng kanilang sugarcane plantation, kailangan pa nila ng dagdag na pera para sa plano nilang pagawaan ng asukal. It was why Jervis was on the bank. To make an additional loan. Kaya lang bi
Sabi nila, bago ka pa man isilang sa mundong ito, nakatadhana na ang mga mangyayari sa buhay mo. Nakatadhana na ang mga taong makikilala mo at nakatadhana na ang isang taong mamahalin mo at makakasama sa buhay. Everything about your life was already written in a book. In your book of life.Pero para kay Serene, hindi siya naniniwala sa kasabihang iyon. She always believed that people make their own destiny, can live their own lives and choose their own path. Everything wasn't fated, even in love. Until she met him... "Anong nangyari?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Emily matapos nitong malaman ang nangyari sa kanya. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Hintayin mo ako, pupuntahan kita diyan." She said urgently.Na agad naman niyang sinansala."H-Huwag na, okay na naman ako. At hindi naman ako nasaktan." She said trying so hard to calm her voice, sa kabila ng hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. "Hinde Serie, pupunta ako diyan." Pagpumil
"Dumating ka rin sa wakas. Kanina pa kita hinihintay. Akala ko nga, may nakita ka ng chikababes sa bayan kaya inindiyan mo na ako. Bakit ba ang tagal mong bumalik?" Tanong ng lalakeng napagtanungan niya sa lalakeng tumulong sa kanya. Hindi ito sumagot. Nanatili lang ang mga mata sa kanya. At napansin iyon ng kaharap. "Ah, papunta sana sa Isla. Kaso naiwan ng bangka. Na-lobat rin ang cellphone. Inaalok kong gamitin niya ang cellphone ko para tawagan yung kaibigan niya, pero sa malas hindi niya memoryado ang numero.""Sa Isla Paraiso pala ang punta mo?"Inignora nito ang sinabi ng lalakeng kaharap at itinuon ang pansin sa kanya."Taga roon ba ang sinabi mong kaibigan mo?" Nakagat niya ang labi saka kiming ngumiti."Ahm, Oo. Pero gaya ng nakita mo, naiwan na ako ng bangka. Kaya bukas na siguro akong--""Teka, magkakilala kayo?" Kapwa sila bumaling sa lalakeng nagsalita. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa lalakeng katabi niya. Hindi siya sigurado, pero parang may multo ng
"So, sinasabi mong si Dylan ang lalakeng tumulong sayo ng manakawan ka, tapos sinamahan ka sa presinto at ginamot yang sugat mo?" Manghang tanong ni Emily matapos niyang i-kwento kung paano sila nagkita ni Dylan.Marahan siyang tumango. "Inalok niya rin akong sumabay sa kanilang bangka papunta dito. Mukhang mali yung sinabi mo kanina na suplado siya."Nagtaas ang kilay nito."Ang sabi ko, suplado lang siya pagdating sa mga babae. Hindi ko sinabing suplado siyang tao.""Matanong ko lang, dito ba nakatira sa Isla ang pamilya niya?" Makahulugan siya nitong tiningnan. "Hmm... Mukhang interesado ang best friend ko kay Dylan ah. Nagpakilala at ngayon gustong malaman ang background."Ngumuso siya. "Interesado na agad? Hindi ba pwedeng curious lang?""Ganoon din iyon. Curious ka, kasi interesado ka." Natatawa nitong sabi. "Pero sasagutin ko iyang tanong mo. Hinde. Hindi dito nakatira ang pamilya niya. Ang alam ko, kaya siya naririto dahil nagtatrabaho siya diyan sa Amore Hotel and Resort."
"Anong ginagawa mo rito? Bakit diyan ka dumaan sa mga batuhang iyan?" Kunot-noong tanong nito na saglit pang idinako ang mga mata sa batuhan sa likuran niya. Mariin siyang naglapat ng kanyang mga labi. Nag-iinit ang kanyang pisngi sa kahihiyan. "Ahm..." Shit! Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag niya.She bit her lip hardly. "K-Kasi--""By chance, are you trying to get inside the resort by climbing on that rock?" Nananantiya at taas kilay nitong tanong. In his lips was a ghost of smile.Ah, Sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya. She bit her lip again. Ini-angat at ibinaling niya ang mga mata sa batuhan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naroon ang hiling na sana magpakita si Emily para tulungan siyang magpaliwanag sa kaharap.Mas madali, at mas hindi kahiya-hiya kung makita nitong hindi siya nag-iisa.But there's no sound from Emily. Mukhang iniwan nga talaga siya nito doon. Ah, she will going to skinned her alive later on."Are you with someone?"Napabaling siyang muli