Share

CHAPTER 31

CHAPTER 31: DREAM

"Bakit nawala ka kanina?" puno nang kuryosidad na tanong ni Andy habang sabay silang naglalakad pauwi ni Kino.

Hindi ito nagsasalita simula nang makita niya ito na hinihintay siya sa labas ng gate kaya nabahala si Andy sa kaibigan.

"Hindi lang ako makapaniwala," seryosong wika ni Kino bago huminto at humarap sa dalaga.

Kunot ang noo na sinabayan ni Andy ang tingin ni Kino.

"Makapaniwala saan?" tanong ni Andy.

Napaisip si Kino bago nagkibit-balikat.

"Na ang gwapo ko talaga, biruin mo 'yon? Umamin sa akin si Lylia na may gusto siya sa akin." pagmamayabang nito.

Namilog ang mga mata ni Andy bago napapadyak.

"Mongggiii! Sabi ko sa iyo e. Pero bakit ang tahimik mo?"

Nawala ang pagmamayabang sa mukha ng binata at nabalot ng pagkalito.

"Kasi gusto niya raw akong ligawan."

Nahinto si Andy dahil sa kan'yang narinig at hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa kaharap. Pinilit niyang matawa sa pag-aakalang nagbibiro lang si Kino ngunit napawi iyon nang mapagtanto niya na hindi si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status