Share

Kabanata 51

Tinawagan ko ang numero niya pero nang may sumagot sa kabilang linya ay hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya matapos kong mapagtanto na isang eskandalo kapag aaminin kong may lalaking nagmolestiya sa akin sa gabing 'yon. Nakagat ko ang ibabang labi.

"Rishel," tawag niya matapos ang ilang minuto kong pananahimik. "Napatawag ka?"

Saan ba ako magsisimula? Napatayo ako nang tuwid nang maalala ang nangyari kanina. Nagsalubong ang dalawa kong kilay habang kinuwento kay Lyndon ang tungkol kay Rei sa pagtangkang pagsira niya sa dangal ko, kahit pa alam kong may iba nang nakauna sa akin.

Matapos niyon ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago siya umikhim. "Alam ba ito ng mga magulang mo?" tanong niya.

Naging isang linya ang mga labi ko at napatingin sa labas ng bintana kung saan nagsisimula nang umambon. "Hindi ko pinaalam sa kanina. I don't want them to worry so this matter must end sooner." Huminga ako nang malalim. "Mr. Davies, I know I've hurt your co
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status