Share

Kabanata 52

Kunot-noo akong humakbang papasok sa bar na sinasabi ng bartender kanina. Hindi ko akalaing magpupunta sa ganitong mga lugar si Tiden. Noon pa man ay hindi ito mahilig na uminom ng alak kaya nakapagtataka na nagpupunta na siya ngayon dito. Kung may problema siya, dapat ay sinabi na niya sa akin.

Mabilis akong nakalapit sa counter kung saan kita ko sa malayo ang nakatungong bulto niya. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko. I never seen him wasted like this. Sa tingin ko nga sa kanilang dalawa ni June, mas mababa ang tiyansa niyang maging wasted.

"Tiden," tawag ko nang makalapit ako sa kaniya. Pero hindi man lang siya kumibo sa pagkakaupo niya.

Tumingin ako sa bartender at nag-abot ng sobre para manahimik siya at mukhang agad naman niyang naintindihan ang ibig kong ipahiwatig. Ngumiti ako sa kaniya bago humingi ng tulong para buhatin si Tiden tungo sa kotse na naghihintay sa amin.

Nando'n si Gerard na naghihintay habang nakasandig sa hood ng kotse. Napatayo siya nang makita niya ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status