Share

Limangpu’t Limang Kabanata

Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael.

Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga.

“Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?"

Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.

“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.

“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.

Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.

“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.

Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.

“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.

“Mabuti naman ako anak, h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status