Share

Limangput Isang Kabanata

Kung isa man iyong pagpaparinig ay minabuti ni Rada na huwag na lamang pansinin ang sinabi ng ama. Sanay na sya sa mga ganoong patutsada ni Ramon. Ang inang si Clara ay tahimik lamang sa patuloy nitong pagkain. Subalit halata sa mukha ng senyora na hindi nito naibigan ang sinabi ng asawa. Subalit ay nanatili itong nagsawalang kibo.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa hapag kainan. At hindi nakatiis ang binatang panauhin kaya't binasag nito ang kawalang-imik ng lahat.

“Ah Tito Ramon, ang totoo ho niyan kaya ako naparito ay nais ko sanang ipagpaalam si Rada sainyo kung inyong mamarapatin." Clark paused a bit and cleared his throat.

“May lakad ho kami ni Kate bukas patungong San Sebastian," he added. Ang tinutukoy na lugar ng binata ay ang sumunod na bayan ng San Isidro. Kalahating oras ang byahe mula sa mismong bayan nila.

“Naimbitahan ho ako ng isang kaibigan sa kaarawan ng kanyang lola. Maari raw akong magsama ng kaibigan kaya't naisipan ko hong yakagin sana si Rada."sambit pa ni C
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status