Share

Kabanata 28

KINAUMAGAHAN AY tumungo siya sa ospital kung saan sinugod si Weiss. Pumunta siya sa nurse station at agad siyang nagtanong kung saan ang room ni Weiss.

"Good morning po. Nasaan po ang room ni Mister Lorden Weiss Fortalejo?" agad niyang tanong sa nurse na dumungaw sa maliit na butas.

"Ano po ang pangalan nila?" sa halip na sumagot ay tanong ang sinambit nito sa kaniya.

"Aiha po. Kaihannah Kaguran," sabi niya.

Nakita niya na nagtinginan ang mga nurse. Hindi mapakali ang mga ito.

Mapait siyang ngumiti sa kanila. Alam niya na kagagawan na naman ito ni Senior Fortalejo.

"Ma'am Aiha, pasensiya na po talaga. Hindi po kami puwedeng sumuway sa gusto ng pamilya ng mga pasyente namin dito. Pinagbabawal po kasi na dumalaw kayo kay Mister Fortalejo," sabi ng nurse.

Tumango siya at patuloy lamang siya sa pagngiti nang sapilitan. Lumunok siya. Ayaw niyang umiyak dito kaya ay huminga siya nang malalim at kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.

"Naiintindihan ko po," malungkot na sabi lamang niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genalyn Aguas
naiyak na nmn AQ sa chapter na into haaaaist......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status