Share

Chapter Twenty Five: Tan's Distress

Mabilis na iniharang ni Tan ang kanang kamay sa pagitan ng pinto ng elevator para pigilin iyon sa pagsasara. Nang muli iyong bumukas, tumambad sa kanya si Elaine na nakasalampak ng upo sa loob—naghahabol ng hininga.

“Elaine…”

Kahit tila trapped sa sariling mundo, tumingin ito sa kanya. Her troubled and alert gaze darted at him. Bagaman tila tagos-tagusan ang alertong tingin, nakaguhit sa mga mata ni Elaine ang emosyong kapareho ng nakita niya sa mga mata nito sa Benguet.

Takot.

Na para bang may isang taong aatake o umatake rito. His throat tightened.

“Stay with me, Elaine. Those flashbacks weren’t real. You can get through it,” he said. His voice calm and soothing.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Elaine. Napasunod ang tingin niya sa kamay nito nang humawak ito sa leeg. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga daliring nag-iwan ng marka sa makinis at maputi nitong balat. As if s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status