Share

KABANATA 44

Nakatitig siya sa mukha niya sa salamin. Hinayaan niya lang na nakalugay ang hanggang kili-kili niya na lang na kulot na buhok. Hindi niya iyon itatali. Naglagay lang siya ng parang cream sa buhok para huwag iyong bumuhaghag. May suot siyang hikaw na malaki na hugis puso. Suot niya pa rin ang malaking salamin sa mata.

Okay naman ang make-up niya... Yata.

Sa tingin niya ay okay naman iyon. Tamang-tama lang sa okasyon ng gabing iyon. Kulay orange ang suot na lipstick. May binili na rin siyang sapatos na babagay sa suot niya.  Maikli lang  ang takong ng suot na silver shoes. Iyong rainbow-colored dress niya ay makulay nga masyado. Medyo asiwa pa siya dahil parang hapit na hapit ang design ng damit sa katawan niya. May bitbit siyang purse na pinaglalagyan ng phone at pera niya.

Inayos pa niya uli ang kulot na buhok saka tumawag ng taxi na maghahatid sa kanya sa venue ng party ng The Finest Corporation.

Pagkababa pa lang niya ng taxi ay marami na siy

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status