Share

KABANATA 50

Nakaupo siya sa kama habang hawak-hawak uli ang librong panggayuma. Kailangan niya iyon para mapatunayan kay Kyle na kaya niyang mapaibig si Clyde. Ayaw niyang dumating ang panahon na kailangan na nga niyang umalis sa buhay ni Clyde. Ilang taon din niyang iniingatan ang nararamdaman niya para sa lalaki para lang isuko iyon sa bandang huli.

Tatlong katok ang nagpatigil sa kanya sa ginagawa. Agad na tumayo siya at nagtatakang binuksan iyon. Nakita niya ang nakaputing shirt at maong na pantalon na si Kyle. Halatang bagong ligo ang lalaki dahil amoy na amoy pa niya ang sabon at shampoo nito.

" Get dressed, Tash. Aalis tayo," sabi nito.

Magtatanong pa sana siya kung saan sila pupunta pero mabilis na itong umalis sa harap niya. Naisip niya ang sinabi ni Mrs. del Espania tungkol sa trabaho niya. Ang sabi ay walang pinipiling oras at araw ang trabaho niya, hangga't kailangan ang serbisyo niya ay dapat lagi siyang handa.

Mabilis na isinara niya ang pinto para

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status