Share

KABANATA 53

Naalimpungatan siya sa mahihinang katok sa pinto.  Pupungas-pungas pa siyang bumangon. Parang wala pa siya sa sarili nang buksan ang pinto ng kwarto. Ang nakangiting mukha ni Kyle ang nabungaran niya. May bitbit na paper bags ang dalawang kamay nito.

" Did I wake you up?"

Tiningnan niya ang relo at nakita niyang alas-onse pa lang iyon ng gabi.

" Kararating ko lang at ibibigay ko lang sana iyong mga pinamili natin kanina."

Walang imik na kinuha niya ang mga inabot nito. Parang lutang pa rin siya galing sa pagtulog.

" Ano'ng oras ba kayo nakauwi ni Clyde? Kararating ninyo lang din ba at hindi ka pa nakapagbihis?"

Biglang nawala ang antok niya nang maalala na hindi pa nga siya nakapagbihis man lang. Basta na lang siyang humiga nang hindi man lang naghilamos. Mabilis na tumalikod siya sa lalaki at inilagay sa ibabaw ng kama ang mga bitbit at pumunta sa harap ng salamin pagkatapos.

Nakita niya ang kulot na buhok na parang nagwa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status