Share

KABANATA 59

Sabado.

Madaling araw pa lang ay gising na siya. Nakahanda na ang mga dadalhin niya kagabi pa lang. Ayaw niya sanang ilagay sa bag ang mga binigay ni Venus na swimsuits dahil halo lahat ng iyon ay masyadong sexy. Ang mga two-piece bikinis ang mga iniwan niya sa kabinet. Iyong mga one-piece swimsuits ay dinala niya dahil dodoblehan niya na lang iyon ng shorts.

Ang malaking van ang sasakyan nila dahil sasama si Mrs. del Espania pati na rin ang nurse nitong si Sheila. Pagkababa niya ay nakaupo na sa harap si Mrs. del Espania katabi ng driver. Ang nurse naman nito ay nasa likod ng matanda. 

Nakita niyang nakaupo na rin si Clyde sa pinakalikod. Naka-blue shirt ito at shorts. Napangiti siya nang makita ito. Nasa bukana pa siya ng van at bitbit ang isang pack bag niya. Naka-long sleeves na blouse siya na kulay violet at maong na short na lampas konti ng tuhod niya. Itinali niya ang buhok gaya nang nakasanayan na niyang tali. 

Parang natatawa ang mukha

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status