Share

KABANATA 57

Umakyat din agad sa mga mata nito ang tingin niya matapos titigan ang parang nang-aaya nitong mga labi. Natatakot siyang titigan ang mga labi nito nang matagal baka kasi mahalikan niya iyon nang wala sa oras.

Tinitigan pa muna ni Kyle ang mukha niya bago bumaba na rin ang tingin nito sa mga labi niya. Kahit hindi niya suot ang salamin sa mata ay kitang-kita pa rin niya ang ekspresyon ng mukha nito dahil malapit na malapit lang ito sa kanya. Napasigaw pa siya nang biglang hinapit nito ang beywang niya at ilapit sa katawan nito. Naramdaman na lang niyang nakalapat na ang malalambot na mga labi nito sa kanya. Kusang umawang ang bibig niya at dumako na sa dibdib ng lalaki ang dalawang kamay niya.

Pumikit na siya at hinayaang sipsipin ni Kyle ang pang-ibabang labi niya. Sinubukan niyang gayahin ang ginagawa nito. Tumigil si Kyle sa paghalik sa kanya at hinayaan siyang sipsipin din ang labi ng lalaki. Inilabas din niya ang dila at dinilaan ang kabuuan ng bibig nito.

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status