Share

KABANATA 54

Kakapikit pa lang yata ng mga mata niya nang tumunog ang alarm niya. Hindi siya gaanong nakatulog dahil paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang halikan nila ni Kyle. Hindi niya halos maibuka ang mga mata nang abutin niya ang phone para patayin ang alarm.

Tinakpan niya ng kumot ang mukha para matulog pa sana ng ilang minuto. Bigla rin namang napadilat uli nang maalala ang nangyari kagabi. Inis na inalis niya ang kumot sa mukha at bumangon.

Para maging busy ang sarili ay kinuha niya ang mga pinamili nila kahapon at isa-isang inayos ang mga iyon sa loob ng kabinet. Wala siyang nakitang slacks sa mga iyon. Kung hindi man skirt na hanggang tuhod at blouses na walang mga manggas ay mga straight cut dresses ang nasa loob ng paper bags. Tiningnan niya naman ang tatlong pares ng sapatos na nabili nila. Mabuti na lang at ang isa sa mga iyon ay flat shoes.

Hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang susuotin niya. Pinili niya na lang ang straight cut dress na sky blue dahi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status