REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON..."Do not eat salt for salt is a sin," malokong sabi n'ya kay Nicollai na s'yang pasimuno sa kalokohan ng grupo ngayong araw.Nasa headquarters sila dahil pinatawag sila ng kanilang big boss. May pasok pa sana sila sa klase nila mamaya ngunit absent na naman silang tatlo dahil sa hindi inaasahang pagpapatawag nito.Paniguradong sira na naman ang mukha ng kanilang matandang dalaga na professor na kaugali ni Ms. Menchen na pasmado ang ugali at bibig dahil wala silang tatlo sa klase nito."Oh c'mon is that true Pula?" No to lie because to lie is a bridge," sagot ni Spike at sinundan ng malakas na pagtawa. Basta silang tatlo ang magkasama ay walang matinong usapan na nangyayari. "No! No! It's a tie and atay is good for sarciado," sagot naman ni Nicollai na nakipag apir pa kay Spike.Kaya palagi silang napapalayas ng iba pa nilang mga kaibigan dahil sa kakulitan nila. Nasanay na din sila lalo na kay Drake na agad na maglalabas ng baril at pagbabantaan silang babarilin ka
REGINALD DAEWOON...Pinatigil n'ya muna ang mga kasama n'ya para masuyod n'ya ang buong lugar bago sila lulusob. Kinuha n'ya sa bulsa ng kan'yang cargo pants ang kan'yang device at binuksan iyon.Tiningnan n'ya ang bawat daanan at ang mga exit kung saan sila pwedeng tumakas kapag nagipit sila sa loob. Nang masigurong maayos n'ya ng na check ang bawat sulok ay tinipon n'ya ang mga kasama at sinabi rito ang mga dapat na malaman ng mga ito.Matapos ang kanilang maikling pag-uusap ay nagsihanda na sila sa pagpasok sa kota ng mga terorista."Men be watchful and don't die, understand?" habilin n'ya sa mga kasama nila."Yes sir!" panabay na sigaw ng mga ito. Hinati n'ya sa apat na grupo ang mga kasama n'ya. Apat na grupo at sa bawat lagusan ay isang grupo ang papasok. May apat na lagusan ang naturang kota at kailangan na sa bawat lagusan nito ay may magbabantay sa grupo nila.Nagbigay na s'ya ng signal sa lahat at maya-maya pa ay nagsikilos na sila. Nauna s'yang pumasok sa grupo na kinabibi
REGINALD DAEWOON..."What the fvck! Who are you?" gulat na tanong n'ya rito dahil hindi ito ang inaasahan n'yang target na kailangan nilang iligtas. Kumakawag ito at nagmamakaawa ang mukha na tumingala sa kan'ya. Hindi pa ito makapagsalita dahil may busal ang bibig nito at hindi man lang ito nag-abala na baklasin ang busal sa labi. Eh kinalas n'ya na naman ang tali nito sa kamay."Fvck!" isa pang mura ang pinakawalan n'ya bago n'ya binaklas ang busal nito sa bibig. S'ya na ang kusang bumaklas dahil mukhang wala na ito sa sarili dahil sa takot at hindi na alam ang gagawin."Please help me, please," umiiyak na pakiusap nito sa kan'ya. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at nakatingin lang rito. Nagulat talaga s'ya ng makita na may isang bata na bihag rito. Ang prime minister lang ng Greece ang subject nila at ang kailangan nilang iligtas mula sa kamay ng mga terorista."Mr. please help me! Parakaló voithíste me, parakaló," dagdag pa nito sabay hawak sa kan'yang kamay at puno ng pakiusap
REGINALD DAEWOON...Magkasunod silang dalawa ni Maggy na sumuong sa loob ng gubat. Ito lang ang tanging lugar na pwede nilang pagtaguan sa mga oras na ito."Hold my hand," utos n'ya sa dalaga at iniabot ang kamay n'ya rito para hindi na s'ya mag-alala na maiiwan ito sa kan'yang likuran.Kung s'ya lang ay sanay s'ya sa ganitong lugar dahil isa s'ya sa mga trainee bilang sundalo pero ang batang ito ay mukhang hindi sanay at medyo nakakatakot na iwan n'ya ito sa likod.Tinanggap nito ang kan'yang kamay kaya naging hatak-hatak n'ya na ito ngayon sa pagsuong sa mga talahib at mga baging sa loob ng masukal na gubat na iyon. Hindi n'ya alam kung nasa lugar pa rin ba sila ni Spike o nakaalis na. Ok lang naman sa kan'ya na iwanan s'ya ng mga ito pero ang hindi ok ay ang iwan n'ya ng mag-isa ang batang ito sa gitna ng gubat."Maddy kahit anong mangyari ay huwag kang sumigaw kapag may tao o may hayop tayong makikita dito sa loob, maliwanag?" habilin n'ya rito at bahagya itong nilingon para mak
REGINALD DAEWOON..."Pwede na tayo dito," sabi n'ya sa dalaga at inalalayan itong maupo sa malapad na bato. Medyo pumasok pa sila sa loob ng kweba para makasiguro na walang makakakita sa kanila.Naupo si Maddy at s'ya naman ay kinuha ang kan'yang mga glowing stick sa bag at binali isa-isa para umilaw.Hindi sila pwedeng gumawa ng apoy sa loob dahil paniguradong lalabas ang usok nito sa bungad ng kweba at mahahalata ng mga kalaban na may tao sa loob.Mabuti na lang at marami s'yang dala na glow stick sa bag. Makakatulong din ito na hindi sila malapitan ng kahit na anong hayop sa loob kung mayroon man."Are you hungry?" maya-maya ay tanong n'ya rito. Napayuko ito at parang nahihiya na tumango. Napabuga s'ya ng hangin dahil ito ang mahirap na part para sa kanila.Wala kasi s'yang pwedeng makuha na pagkain dito sa loob dahil puro bato ang paligid nito at walang kahit na isang halaman na pwedeng kainin para pantawid gutom.Kinapa n'ya ang mga bulsa ng kan'yang bag at napangiti s'ya ng may
REGINALD DAEWOON...EIGHT YEARS LATER.!"Fvck!" malutong na mura n'ya at agad na bumalikwas ng bangon ng magising sa isang bangungot. Sino ba ang hindi magigising kung maramdaman mo na parang nalulunod ka sa malalim na parte ng tubig.At ganon na lang ang panlalaki ng kan'yang mga mata ng mapagtanto na basang-basa s'ya at pati na ang kan'yang kama."Putang'ina!" malutong na mura n'ya ulit at nag-angat ng ulo at doon n'ya lang napagtanto na nasa loob ng kan'yang kwarto ang dalawang demonyong kaibigan na may gawa ng pagkabasa n'ya at may mga hawak pa na balde at tabo."Mga gago kayo anong ginawa n'yo? Tingnan n'yo, basang-basa ang kama ko! Tang'ina!" hindi magkayaw na pagmumura n'ya sa dalawa dahil sa nabungaran n'yang kalat pagkagising."Putang'ina ka rin Pula! Kanina ka pa namin ginigising na gago ka pero ayaw mong magising. Pasalamat ka at sinabuyan ka lang namin ng tubig at hindi inilunod sa batya," nakataas ang kilay habang dinuduro na singhal ni Nicollai sa kan'ya."Walong taon na
REGINALD DAEWOON...Magaling na gumiling ang babae sa unahan at hindi maalis-alis ang tingin n'ya rito. Kanina n'ya pa din napapansin na ang mga mata ng babae ay hindi din umaalis sa kan'ya.Iba ang nararamdaman n'ya rito. Malakas ang pakiramdam n'ya sa mga tao ngunit sa babae ay parang tinatalo s'ya nito."Fvck!" mariing mura n'ya ng makita na hinawakan nito ang strap ng bikini na suot. Parang gusto n'yang tumakbo sa gitna at hablutin ang babae.May pakiramdam s'ya na ayaw n'yang may nakakakita ng katawan nito na ibang tao. Nagtagis ang kan'yang bagang ng marinig ang hiyawan ng mga lalaki at sinisigaw ang salitang hubad.May nagbato ng mga pera rito at mas lalo pa nitong ginalingan ang paggiling sa katawan. Hindi n'ya na kayang panuorin ang ginagawa nito. Alam n'ya na hindi n'ya dapat ito ginagawa at isa pa ay nasa misyon s'ya pero parang may nag-udyok sa kan'ya na puntahan ang babae sa unahan para pababain sa stage na iyon."What are you doing Red?" narinig n'ya ang boses ni Spike