Share

I'LL CALL YOU ALLIE

HUMUGOT NG MALALIM na buntong-hininga si Cougar pagkaraang sulyapan ang tulog pa ring si Adrielle. Natahi na ang sugat nito sa balikat na tinamaan ng bala ng baril. Sa kasalukuyan ay bumibiyahe sila papunta sa farm na pag-aari niya sa San Simon, isang maliit na bayan na nasa dulo na ng Palawan.

Nang dumating siya at ang ilan pang bodyguards na ipinadala ni August sa Villa Luisita resort ay nagkakagulo na ang lahat sa hotel kung saan ay alam niyang naroon si Adrielle. May assassin daw kasing nakalusot, ayon na rin sa ilang turista na inilayo na ng nga police sa crime scene. At alam na kaagad ni Cougar kung sino ang assassin na tinutukoy ng mga ito dahil bago pa man niya nakausap si Crimson na hindi naman dinetalye ang lahat ay nakatawag na si Trevan sa kanya.

Mabilis siyang pumasok sa hotel kasunod ang iba pa. Hindi naging mahirap para sa kanya ang lahat dahil mukhang hawak din ng Octagon ang chief of police ng lugar. Marahil ay naitawag na ni August ang lahat sa hindi naman katandaa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status