Share

Game of Seduction
Game of Seduction
Author: LalaRia

PROLOGUE

“Believe me Dionne, there is absolutely nothing to tell.”

Blaze said almost shouting.

“Nothing?”

Dionne said with an edge of mockery then lifted her eyebrow.

“Nothing to tell, really Blaze? What then, one has to look at you and your friendship with women is inevitably of an intimate nature? Come on Blaze we’ve been talking about this for a while now, can’t you just be honest?”

Halos magmakaawa nang pakiusap ni Dionne kay Blaze habang mataman iting tinititigan.

“You are jealous, Dionne. Galit ka at alam kong lalo lamang lala ang galit mo sa akin if I dare to say a word, please, can you just relax and we talk about this kapag okay ka na?”

May halong pakiusap sa tinig na sabi ni Blaze ngunit tila bingi na si Dionne, kung may panahon para pag usapan nila ang tungkol sa bagay na ito, sa tingin niya ay ngayon iyon.

“Well can you blame me for being Jealous?”

She demanded. Pigil na pigil ang mga luhang pilit na inayos ni Dionne ang sarili saka napayuko.

“You do realize that we are talking about her right? Bianca?”

Halos pa bulong niyang sabi. Naging tahimik lamang naman si Blaze at hindi na nag abala pang sagutin siya.

Hindi naman malaman ni Dionne kung maiinis ba siya o lalo lamang siyang maiiyak.

“And you do realize that Bianca was my sister, right?”

“Alam ko… Dionne please, if you could only give me some time I will explain to you everything, just please… stay…”

Malungkot ang tinig na pakiusap sa kanya ni Blaze.

“You want me to stay with you? Gusto mong ituloy kung ano man itong namamagitan sa ating dalawa?”

Kunot-noong tanong ni Dionne.

“If it is wrong to say yes then so be it, Dionne. But yes, I want you to stay with me.”

Matapang na sabi ni Blaze habang matamang naka titig sa kanya.

“P-pero may relasyon kayo ni Bianca Blaze, at gaano katagal na? 6 years na ‘di ba? Anim na taon na kayong mag boyfriend ni Bianca, anong laban ko doon? Ngayon sabihin mo saakin… kung itutuloy natin ‘to… Saan ako?”

Tanong ni Dionne saka marahas na pinahid ang ilang butil ng luha gamit ang mga palad.

“With me…”

“God you are so selfish, Blaze.”

Hindi na mapigilang sigaw ni Dionne sa binata.

“Ang selfish mo, you had the chance to tell me, a lot of chances to tell me that you had a relationship with my sister but you chose to blow those chances off and that is because you are selfish! What? You plan to keep us both?”

Tanong niya pa saka hindi na nag abalang pigilan pa ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

“No, Dionne hindi ganon. Please…”

“Then what? Please naman, wala na akong maintindihan, give me one good reason why I need to choose to stay with you kahit pa nakataya ang mas lalong pag gulo ng relasyon ko sa pamilya ko, just one reason and-“

“I love you, mahal kita and that is why I want you to stay.”

Malakas ang boses na putol ni Blaze sa mga sasabihin nia pa.

Mapait na napangiti si Dionne saka sunod-sunod na umiling.

“I love you too, Blaze. God’s teeth you know how much I love you at alam ko ang tama at mali, and this time I know that what I believe was right between us was actually wrong… And-“

‘That was never the answer that I wanted to hear from you…’

She longed to cry out.

“I love you Dionne so please stay…”

Ulit pa ni Blaze, mariing napa pikit si Dionne saka yumuko.

“At si Bianca? Paano ang kapatid ko? Are you willing to leave her for me?”

Matapang niyang tanong saka lakas loob na sinalubong ang nakikiusap na tingin ni Blaze.

Hindi na napigilan ni Dionne ang mapait na pag tawa nang ilang minuto na nag lumipas ay nanatili pa ring tahimik si Blaze.

“I will choose to stay with you…”

Pa bulong niyang sabi, mabilis naman siyang tinanguan ni Blaze.

“And you cannot leave my sister… Isn’t that overkill?”

Dionne said almost a whisper.

“No, I swear it’s not please…”

“Kung hindi ko pa ba nalaman mula kay ate Andrea na kayo ng kapatid ko, hindi mo pa sasabihin sa akin?”

Tanong niya. Tulad kanina ay nanatili nanamang tahimik si Blaze.

Malungkot na tumango si Dionne saka inilipat ang tingin sa kisame ng bahay nito.

“If ever I ask you to choose between me and my sister…”

“Please don’t even go there…”

“Why Blaze? ‘cause you’ll choose her?”

Lakas loob niyang sabi kahit pa alam niya naman na ang sagot.

Tulad nga ng sabi niya kanina, ano nga ba ang laban niya sa halos anim na taon nang pag sasama ni Blaze at ng peste niyang kapatid kung ikukumpara sa wala pa nga halos isang taong pag sasama nilang dalawa ni Blaze?

Just like what he’s been doing earlier, Blaze chose to stay quite again.

Dionne sighed then forced herself to throw him a glance, then she smiled the sweetest smile she could master.

Marahan siyang nag lakad palapit sa binata saka walang sabing hinila ito sa ulo para bigyan ng magaan at matamis na halik sa labi.

Ilang minuto rin ang itinagal niyon at si Dionne na ang unang kumalas.

“I guess this relationship just ended, goodbye Blaze…”

Pigil ang luhang sabi niya saka muli pang nginitian ang binata bago ito tinalikuran.

“Donne please…”

Tawag pa sa kanya ni Blaze, pinilit ni Dionne ang sarili na huwag na itong tapunan pa ng tingin sa halip ay nag madali na lamang na lumabas sa bahay nito.

‘You could have said you loved me, and if it’s wrong enough to admit that I am a selfish b*tch but I will be more happy if you’d say you are going to leave my sister and that you’d rather choose to be with me… You fucked up Blaze, you fucked up big time…’

Bulong sa sarili ni Dionne bago pa man tuluyang mag tatakbo palabas sa building ng condominium ni Blaze.

“Dionne!”

Muli pa siyang napa pikit nang marinig ang malakas na tawag ni Blaze sa kanyang pangalan, ngunit sapat na marahil na dahilan na pinili siyang lokohin ni Blaze para piliin niya naman ngayon ang kanyang sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status