Share

Ika-tatlongpu't-isang Bahagi

- 31 -

Maya-maya pa ay sinama kami ng hari sa isang liblib na kuweba sa ilalim ng palasyo. Pinagsuot niya kaming tatlo ng magkakaparehas na mga balabal at pinasunod kami sa liku-likong mga lagusan na tanging ang hari lang ng Hermosa ang nakakaalam.

“Sa aming bansang Hermosa, balanse ang mga kaalaman at galing ng mga mamamayan sa sining at siensiya.” may hinawakan siyang pader na bumukas na tila pintuan. “Nasa aming bansa ang pinakamalaking unibersidad sa buong imperyo, ang pinaka malaking silid-aklatan na naglalaman ng lahat ng nasulat na libro, at ang pinakamodernong mga gamit.” humarap siya sa amin at ngumiti. “Hindi nga lang namin ipinapaalam ang aming mga imbensyon sa kapitolyo. Ang dahilan ay, mula nang mamatay ang mahal na emperatris, ay naging pabaya na ang emperador sa kaniyang mga mamamayan. Ang kaniya namang mga heneral ay naging ganid sa kapangyarihan, pati na rin sa mga likas na yaman ng imp

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status