Ilang oras ng bumabiyahe sina Yelena, Kiel at Tyler, sa katunayan ay tanaw na nila ang arko ng San Ildefonso ngunit wala pa rin silang imik na tatlo.Si Kiel na siyang nagmamaneho ay hindi tumigil sa mansiyon ng mga ito. Tuloy-tuloy nitong tinahak ang malapad na daan. Sa tiim ng itsura nito ay mukhang desidido itong iuwi na si Yelena sa bahay ng mga ito. Tinawagan nito ang tiyahin ng dalaga at marahil ay 'yon ang napag-usapan ng mga ito.Si Yelena naman ay wala ring imik. Hindi ito umiiyak, ngunit tila wala ito sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. Gustong magtanong ng dalawang lalaki dahil tumawag ito sa kanila na tila naghihisterya habang umiiyak ngunit dinatnan nila itong seryoso at tahimik lamang na nakaupo sa isang sementadong upuan sa maliit na bayan na iyon ng Palawan.Si Yelena ay hindi pinapansin ang mga kasama. Lumilipad ang isip niya pabalik sa pinanggalingan...Matapos siyang iwanan ni Angelo ay naiwan siyang hindi alam ang gagawin. Gusto niyang habulin si Angel
"Ang galing mo talaga, Ma'am Yelena," natutuwang saad ng curator ni Kiel sa gallery na pag-aari nito. Tinititigan ng babae ang hawak na larawang ipininta niya. "Maraming magiging interesado rito panigurado," manghang dagdag nito.Nakangiting sinipat ni Yelena ang canvas at ang ipininta niya roon. Larawan 'yon ng malinis na lawa, hamog, dilaw na kalangitan at kulay kahel na mga puno na ang mga dahon ay nagsisipaglaglagan.A smile curved in her lips. "Magdilang-anghel ka sana, Mitch.""Dalawang buwan ka na rito sa Nagma Galleria, Ma'am. Isa ang mga gawa mo sa mabenta rito. Parami ng parami ang mga costumer dahil sa rekomendasyon ng mga ginawa mo. Palagay ko, Ma'am, dapat kabahan na si Sir Ezekiel Nagma dahil kapag nagtayo ka ng sarili mong gallery, mababawasan na si Sir ng negosyo."Natawa si Yelena. "Matagal ko ng pangarap 'yon, Mitch pero 'wag muna ngayon. Okay na sa akin ang ibinibigay ni Kiel na commission."Naglakad palapit ng reception sa galeryang 'yon si Mitch. Sinundan niya ito
Yelena was wearing a body hugger white ankle length sequined gown na ang slit ay umabot hanggang sa kalahati ng hita, exposing a delicate flawless skin everytime she walks. She paired it with a beige high-heeled shoes, and a very expensive floral cream pouch bag.Walang umbok sa kaniyang tiyan — sexy, kaya walang nahahalata ang kahit sino, kahit ang kaniyang ina. Kapag masama ang kaniyang pakiramdam ay nagkukulong siya sa kaniyang kuwarto. Hindi pa siya handang magkuwento kahit kanino.Bumuntong-hininga siya at niyuko ang sarili.She was wearing a flattering pair of pearl earrings and a gothic velvet white strap choker necklace.Her hair was fixed in a french bun and her make-up was light. Her features were emphasized because of her looks today. Hindi maiwasang lingunin siya ng mga nadadaanan nila. Aside from her get up, she walked and moved in a very poised manner.She looked stunning and astonishing. Well, sinadya niya. In doing her self-love plans, she believed that she must pamper
Lumuwas ng Maynila ang mag-inang Ediza at Yelena. Ayaw ng nakatatandang babae na makipagkita ang ama ng anak sa San Ignacio dahil umano sa mga mapanuring mata at mapanghusgang salita na maaaring ipukol sa kanila.Pagdating sa napagkasunduang lugar ay natanaw agad ni Ediza ang pakay. Nakaupong tuwid na tuwid ang likod habang kampanteng humihigop ng kape. Postura at pananamit lamang nito ay mahihinuha agad na mayaman itong lalaki.Si Yelena ay nanlalaki ang mga mata. Ang tinatahak nila ay ang direksyon ng isang lalaking pamilyar sa kaniya. 'Yong lalaki sa exhibit! "Mama, siya ang tatay ko?"Bago pa makasagot ang ina ay humarap na ang tinutukoy niya. Ngumiti ito at tumayo pagkakita sa kanila. "Good morning!" bati nito.The man was tall, about on his early fifties. Wala pa itong puting buhok. Mapungay ang mga mata at matangos ang ilong. Kagalang-galang ang itsura nito sa suot na polo barong at itim na slacks. Ang paningin nito ay nakatuon sa kaniya.Umingos ang kaniyang ina. Mukhang walan
Flashbacks continue. . . Sa araw ding iyon ay kinausap ni Ediza si Orlando. Nagkita sila sa restaurant na dati'y pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya na mapagpabukas pa dahil natatakot siyang isa sa mga darating na araw ay mawala ang kapatid niya."May ipapakiusap ako sa iyo, Orlando," panimula niya. Pinapanatiling seryoso at malamig ang titig at tinig kahit ang totoo sa kaloob-looban niya ay gusto niya ng bumuwal. Pinigilan niya ang pagsungaw ng luha bago muling nagsalita. Isinalaysay niya rito ang kalagayan ni Erlinda, at sa huli ay isinaad, "kailangan ng kapatid ko ng sanggol para gustuhin nitong mabuhay pa."Hindi makapaniwala si Orlando sa narinig. "At. . . ang anak natin ang gusto mong—?""Ganoon na nga.""Ano'ng klase kang ina para ipamigay ang sarili mong anak, Ediza?!""Kailangan kong tulungan ang kapatid ko.""Na ang kapalit ay pagkasira ng pamilya natin?"Hindi siya nakaimik. Ipinahihiwatig ng tinig ni Orlando na mawawala ito sa kanya. At hindi nga siya nagkamali, dahil ang
"No, man. You can't stay in my unit. Wala ng lugar para sa 'yo. Manatili ka na diyan sa inyo.""You know that I just can't," Angelo said between his teeth. Kausap niya sa telepono ang kaibigan niyang si Terrence. Kaibigan niya ito mula kolehiyo."Doon ka na lang sa rest house mo sa Palawan. And, may bahay rin ang pamilya mo doon. Wala namang nakatira.""Too far. Marami akong aasikasuhin sa ZARBTech.""Akala ko ba ayaw mong iwan ang bahay niyo at ang tita Emileen?""You know the reason," he hissed.He needs to find a place as soon as possible. Or else, Yelena will going to be his nightmare. Titira ito sa bahay nila sa loob ng isang buwan.Hindi siya duwag. Ayaw lang niyang mamroblema ang magulang dahil sa nakaraan nila.He heard a laughter on the other line. "Ang sarap kaya magkaroon ng hot little sister.""Stop teasing!"---"Wala akong anak na babae. I'm so happy that you're here, hija."Hindi makapaniwala si Yelena. Everything felt surreal. Mabait sa kaniya ang kaniyang ama, ang mga
Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat. Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month. Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?""Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa
Gusto ng magpahinga ni Yelena. Epektibo ang maghapong pagpapagod at pang-aaliw niya sa sarili. Idagdag pang ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan. Kaya matapos maglinis ng katawan ay diretso na siyang natulog.Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama niya. Ilang beses niyang pinikit-dinilat ang mga mata. Sa tulong ng tanglaw ng lampshade sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang nakaupo sa tabi niyang si Angelo.Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kama."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa naiiritang tinig."Kaibigan ko pa ang napili mo para akitin?""Ano?" nalilitong balik-tanong niya.Tumingin siya sa labas ng bintana. Ano'ng oras na ba at narito ito sa silid niya? Bakit suot pa rin nito ang damit nito ng umalis ng umaga? At bakit magulo ang buhok nito? Nakainom ba ito?Umiling ang binata. "Don't mind what I said," anito. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Magulo ang mahabang buhok nito na ang ilang hibla