Share

CHAPTER 24: BACK TO REALITY

Ilang oras ng bumabiyahe sina Yelena, Kiel at Tyler, sa katunayan ay tanaw na nila ang arko ng San Ildefonso ngunit wala pa rin silang imik na tatlo.

Si Kiel na siyang nagmamaneho ay hindi tumigil sa mansiyon ng mga ito. Tuloy-tuloy nitong tinahak ang malapad na daan. Sa tiim ng itsura nito ay mukhang desidido itong iuwi na si Yelena sa bahay ng mga ito. Tinawagan nito ang tiyahin ng dalaga at marahil ay 'yon ang napag-usapan ng mga ito.

Si Yelena naman ay wala ring imik. Hindi ito umiiyak, ngunit tila wala ito sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. Gustong magtanong ng dalawang lalaki dahil tumawag ito sa kanila na tila naghihisterya habang umiiyak ngunit dinatnan nila itong seryoso at tahimik lamang na nakaupo sa isang sementadong upuan sa maliit na bayan na iyon ng Palawan.

Si Yelena ay hindi pinapansin ang mga kasama. Lumilipad ang isip niya pabalik sa pinanggalingan...

Matapos siyang iwanan ni Angelo ay naiwan siyang hindi alam ang gagawin. Gusto niyang habulin si Angel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status