Share

Chapter 47

Naglagay si Blessing ng extra pinggan at kubyertos sa tabi ni Nathan. Sayang nga, eh, ang layo ko kay Louie, nasa dulo s’ya ng pahabang mesa, sa kabisera. Katabi n’ya si Nathan sa kanan at si Mercy sa kaliwa, habang nasa tapat ko naman si Ate Blessing.

Pero okay lang, ang saya-saya ko na dahil nakasama ko’ng kumain ang pamilya n’ya! Sana start na `to nang pagiging pamilya namin!

“`Wow, ngayon lang `uli ako makakakain ng diner na maraming kasama!” sabi ko sa pag-upo sa mesa.

“Bakit? Wala ka bang ibang kasama sa bahay?” tanong sa `kin ni Ate Blessing.

“May dalawang kuya ako, pero alpha sila pareho, kaya hiwalay silang kumakain sa `kin,” sabi ko habang sumasandok ng mechado. “Si Mama naman, laging kasama ang step Dad ko na madalas umaalis pa-abroad.”

“So, sino’ng kasama mong kumakain?” tanong `uli ni Blessing.

”May Yaya ako, saka si Beck, lagi ko’ng kasama!”

”Beck?” tanong ni Nathan.

”`Yung alaga ko’ng rottweiler.”

”Ah... at nag-aaral ka sa Erminguard International School?” napa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status